CHAPTER FIVE (II)

1.7K 58 3
                                    

TATLONG linggo na ang nakakalipas simula nung araw na 'yon.  Hindi na muli pang bumalik si Leyneri sa Zandana.  Iniulat kasi nung dalawang Sekki' shi na nagbabantay sa kulungan kay Kuya Tasunka ang ginawa niyang pagdadala ng pagkain do'n sa dayuhan.  Pinagsabihan siya ng kapatid na hindi dapat siya nangingialam sa trabaho ni Milena at mas lalong hindi dapat siya pumupunta sa Zandana ng walang paalam.  Kung nasabi siguro dito ni Kuya Kohana ang tungkol sa una nilang pagtatagpo nung dayuhan, tiyak na hindi lang siya basta pagsasabihan ng panganay na kapatid.  Baka hindi siya nito palabasin ng Kastelo hanggang nando'n pa rin sa isla ang dayuhan.

Biling-baliktad siya sa higaan.  Dapat ay bumangon na siya para tumulong sa paghahanda sa pagdating ng dalawa niyang kapatid - sina Kuya Yishka at Kuya Shiriya.  Magkakaroon ng malaking handaan para sa pagdating ng mga ito.  Madalang na lang kasi ngayon na pumunta dito ang iba pa niyang kapatid.  Kaya malaking bagay talaga kapag hindi lang sila ni Kuya Tasunka ang nandito sa isla. 

Nandito ngayon si Kuya Kohana dahil kaga-graduate pa lang nito ng kolehiyo and he was still contemplating kung itutuloy ba nito ang pagmomodelo.  Si Kuya Shiriya naman ay nasa ibang bansa at sinusubukan ang swerte sa motocross racing.  Si Kuya Yishka ay kalilipat pa lang sa Japan dahil natanggap itong photographer ng National Geographic magazine.  Nakabase naman sa New York si Kuya Hania - isa itong theater actor.  Dapat ay kasama ito ngayon nina Kuya Yishka at Shiriya pabalik dito sa isla pero hindi sumakto sa schedule nito ang petsa nung pagbalik nung dalawa.  Si Kuya Waira naman ay hindi talaga pumupunta dito sa isla unless pinilit ito ng nanay nila.  It's like he has a strong aversion to the island.  Marahil dahil sa hindi ito sanay sa pamumuhay dito sa isla.

Pero ayaw pa niyang bumangon.  Abala pa siya sa pag-iisip ng mga bagay-bagay.  No, she should probably say that she's busy thinking about him.  Ang nakakainis na dayuhan na nakakulong pa rin hanggang ngayon sa Zandana.  Hindi pa rin nito sinasabi kung ano ang pakay nito sa isla at mas lalo namang wala pa rin itong pinagsasabihan ng pangalan nito.  Hindi na lang basta simpleng mental fortitude ang taglay nito, he might be a Zen master for all they know.  'Yon lang ang naiisip niyang dahilan kung paano ito nakatagal sa loob ng kwebang 'yon ng gano'n katagal.  Being alone inside that cave for a month and being fine with it was just not normal. 

No'ng pumunta siya sa Zandana, tatlong linggo na ang nakakaraan, balak niya na kausapin ito.  To get a better understanding of him, para mas maintindihan din niya ang mga damdamin na sinimulan niyang maramdaman nang magkakilala sila.  Pero walang pag-uusap na naganap.  He just ended up irritating her.  Sa bandang huli ay wala din siyang nakuhang sagot sa mga katanungan niya.  And it just left her more confuse than before.  Wala yatang araw na dumaan na hindi niya naiisip ang lalaki.  Maski sa panaginip niya ay nakakasama na rin ito.  If this is some kind of sickness, then someone should tell her what the cure is.  Bago pa mahuli ang lahat.

Natigil ang pag-iisip niya nang pumasok si Nanang Melda at sabihin sa kanya na dumating na ang mga kapatid niya at nasa baba na ang mga ito.  That made her stood up.  Dali-dali siyang lumabas at tumakbo pababa.  Sa may entrance ay nakatayo sina Kuya Yishka at Kuya Shiriya.  Kuya Yishka has his usual unruly hair, since he cut it, it always curl around his face.  Hindi na niya makita ang mga mata nito dahil sa buhok na tumatabing sa mukha nito.  At mukha ding ilang linggo nang hindi nadadaanan ng shave ang mukha nito.  On the other hand, Kuya Shiriya was now sporting a crew cut.  Kaya naman kitang-kita niya ang teynga nito na tadtad ng hikaw.  Both of them equally tall, eqaully dark, and eqaully handsome.

Patakbo niyang sinugod ng yapa ang mga ito.  "Kuya Yishka!  Kuya Shiriya!  Na-miss ko kayo.  Sobra!"

Bigla na lang siyang binuhat ni Shiriya.  "Look at you, you're even more beautiful than the last time I saw you, Ley."

The Charmed ThiefWhere stories live. Discover now