CHAPTER FOURTEEN (II)

1.4K 53 1
                                    

TANGHALI na sila nakarating sa Baguio.  Kumain muna sila ng tanghalian bago dumiretso sa ancestral house ng mga Roxas sa Aurora Hill, Baguio City.  Pagdating doon ay isang dalawang palapag na bahay ang nadatnan nila.  It has a touch of Spanish design na pangkaraniwan sa mga sinaunang bahay.  Ipinarada ni Sasha ang kotse sa gilid ng gate. 

"Siya lang ba ang nandito ngayon sa bahay?" tanong ni Ley kay Sasha pagkababa nila ng sasakyan.

"Yes, sa Hawaii na nakatira ang buong pamilya nila.  He must be here for vacation," sagot nito.

Pinindot na niya ang door bell.  Maya-maya ay isang babae ang lumabas ng bahay.  Ito marahil ang katiwala sa lugar.

"Ano pong kailangan nila?" tanong nito nang makalapit sa gate.

"Magandang tanghali po.  Nand'yan po ba si Mr. Francis Roxas?  Kung maaari po sana ay gusto namin siyang makausap."

"Nandito po si Sir.  Pero sino po kayo?"

"Pakisabi mga kaibigan kami ni Shane Pascual.  At importante na makausap namin siya ngayon."

Tumango ito at muling bumalik sa loob ng bahay para marahil ipagbigay alam sa amo nito ang tungkol sa presensiya nila.

"You shouldn't have probably mentioned your friend's name.  What if he refused to see us because of that?" wika ni Parker.

"Then that would only proove that he's guilty.  So we'll barge inside the house and force him to admit his crime," seryosong wika niya.  Kung ito nga talaga ang may kagagawan sa nangyari sa kaibigan niya, hindi siya sigurado kung ano ang pwede niyang magawa dito.

Napangiti si Parker sa sinabi niya.  "I like that idea."

Nagsisimula na namang umahon ang matinding galit sa kanya.  Nakuyom niya ang kamao para mapigilan ang panginginig no'n.  These days parang nagiging habit na niya 'yon.  And she doesn't want it to be a habit.  Dahil ibig sabihin no'n ay hindi na nawala ang galit na nararamdaman niya ngayon.  Napapitlag siya nang maramdaman ang paghawak ng isang malakas na kamay sa kamay niya.  Nag-angat siya ng mukha.  Sasha was looking down on her with a reassuring smile on his lips.  Na para bang sinasabi nito na magiging maayos lang ang lahat.  And for some reason, she believed him.  She believed in that smile.

Nang muling lumabas ang babae, hindi kagaya ng iniisip niya ay pinapasok na sila nito.  Pagpasok nila sa loob ay agad nilang nakita ang ipinunta nila doon.  Nakatayo si Francis Roxas malapit sa may bintana.  Nang makapasok na sila ay dagli itong lumingon sa kanilang direksyon.  Kahit sa malayo ay pansin na pansin ang maiitim na anino sa ilalim ng mga mata nito.  Na para bang ilang linggo na itong hindi nakakatulog ng maayos.  Pagkakita sa kanila ay sa kanya natuon ang pansin nito.

"You, you're at Shane's funeral, one of her best friends," wika nito.  "I don't we were properly introduced.  Paano mo nalaman kung sino ako at kung saan ako nakatira?"

"I don't think that should be your concern right now," wika niya.  "We'd like to have a private conversation with you, Mr. Roxas."

Mataman siya nitong tinitigan.  He must have noticed how serious she looked dahil tumango ito at pinasunod sila sa study. 

"You told my maid you're here because you want to discuss something about S-Shane?" wika nito na para bang hirap na hirap itong banggitin ang pangalan ng kaibigan.

Nagsisimula na namang umahon ang galit sa kanya.  "Paano kayo nagkakilala ni Shane?"

"I- a friend of mine introduced us.  A history professor in UP Baguio, Ryan dela Cruz.  If you went to the same school, you probably know him too."  Oo, kilala nga niya ang professor na sinasabi nito.  Hindi naman kasi gano'n kalaki ang UP Baguio.  Bukod pa do'n, isa do'n ito sa paboritong guro ni Shane.  "I was looking for someone who could help me with a- a certain project.  He reccomended me his best student, Shane."

"Ang 'certain project' ba na 'to ay may kinalaman sa journal ng lolo mo?"  Halata sa mukha nito ang pagkagulat and that only fueled her anger more.  "Hiningi mo ba ang tulong niya para i-decipher ang journal ng Lolo mo?  And when she outlived her usefulness and you finally got what you wanted you decided to kill her?" halos pasigaw ng wika niya.  Hindi na niya napigilan ang bugso ng kanyang damdamin.

"W-what?  No!" waring nahintakutan na wika nito.  "I would never--"  Tiningnan sila nito ng masama.  "How dare you come here to my home and accuse me of- of- get out!  Get out, all of you!" 

"No, hindi kami aalis dito hangga't hindi ko nalalaman ang totoo!  So you better start telling the truth now," mariin niya wika, her voice laced with every anger she was feeling.

"Mr. Roxas, if you really are innocent as you want us to believe, then tell us what happened.  Yes, you might not owe us an answer.  But you certainly owe it to Shane.  Dahil malaki ang posibilidad na ang pagtulong niya sa 'yo ang dahilan kung bakit siya namatay.  That is, if you're really not the one who killed her."

Natigilan naman ito sa sinabi ni Sasha.

"Or if you want, we could just torture you until you give us the answer we want.  I don't have my gun on me, but I do have my taser," wika ni Parker.

"Parker, we're not tasing anybody," baling dito ni Sasha.

"I- I didn't do it.  I wouldn't have done that kind of thing to- to S-Shane," nanginginig ang tinig na wika nito.

"Then make us believe it!  Sa tingin mo ba porke't sinabi mo na hindi ikaw ang pumatay sa kaibigan ko basta-basta na lang akong maniniwala sa 'yo?  You should do better than that!"

"She's right, you know.  After all, criminals often lie about their crimes," pagsang-ayon ni Parker sa sinabi niya.  "Should I just tase him?"

"H-hindi ko magagawa ang binibintang niyo.  I could n-never do such a thing.  Not to S-Shane.  Especially not to h-her-- I--"  BIgla na lamang gumaralgal ang tinig nito at sa pagkagulat nila ay bigla na lamang itong napaluhod.  His shoulders started shaking and his cry pierced throughout the room.  "I loved her!  I loved Shane!  I would never do something that could hurt her.  B-but I did, didn't I?  I did.  Dahil humingi ako ng tulong sa kanya.  It's- It's my fault.  Oh God, it's my fault.  I- I got her killed.  I--"

At ang tanging narinig na lamang nila ay ang paghikbi nito.

"Ley, I don't think he did it," wika ni Sasha sa kanya.

Gustuhin man niyang itanggi ang sinabi ni Sasha ay hindi niya magawa.  Not when she could clearly feel the raw pain and sadness behind the man's cries.

The Charmed ThiefWhere stories live. Discover now