CHAPTER NINETEEN (II)

1.3K 50 4
                                    

SUMULYAP mula sa bintana ng kanyang silid si Leyneri.  Kitang-kita niya ang nagniningning na buwan.  It was shining like a lone pearl against the night sky.  Isang buwan na rin simula nang ma-discharge siya sa ospital.  A week after that, nagdesisyon ang mga magulang niya na isama siya pabalik sa Costradina.  Hindi naman naging mahirap ang biyahe sa kanya dahil gamit nila ang private plane ng pamilya Ashford.  And so now, she's here at Ashford Manor.

Hindi niya alam kung hanggang kailan siya mananatili dito.  Ayon sa mga magulang niya ay hanggang daw sa gumaling na siya ng tuluyan.  Maayos na ang pakiramdam niya.  Her surgery wound was now completely healed.  Nakakakilos na siya ng hindi 'yon nananakit.  Pero kahit na gano'n tiyak na hindi pa siya hahayaang umalis ng mga magulang niya.  They have been pampering her too much since she came here.  Even her Kuya Waira has been paying her too much attention than he usually does.  Tuwing kumakain sila, kulang na lang ay subuan siya nito sa sobrang pag-aasikaso nito sa kanya.  Kapag may libre itong oras ay siya agad ang pinupuntahan nito. 

He was always brash with his words, pero kahit na gano'n there was still some kind of gentleness in the way he treats her.  Nakakapanghinayang na ngayon lang niya 'yon napansin.  She always thought that Waira doesn't like her that much.  Kung ikukumpara kasi sa iba pa niyang kapatid, medyo madamot ito sa pagpapakita ng affection sa kanya.  Pero pagkatapos ng insidenteng pagkakabaril sa kanya, saka lang niya na-realize that her second eldest brother really does love her.  In his own way.

Kinabukasan pagkatapos niyang magkamalay ay dumalaw sa ospital ang dalawa niyang kaibigan - sina Ellise at Micah.  Ellise was pissed na hindi niya sinabi sa mga ito ang plano niyang paghahanap sa pumatay kay Shane.  Saying that they have as much right as her to look for Shane's killer.  Pero sa halip na humingi ng tulong sa kanila, she went off on her own.  Micah just cried.  She was more mad at the fact that Ley put her life on danger.  Humingi siya ng tawad sa mga ito.  Then the three of them had a good cry together.  Bago siya lumipad patungong Costradina ay dinalaw muna nilang tatlo ang puntod ni Shane.  They reminisced all their memories together.  Then they finally said their goodbyes.  Pero hindi naman ibig sabihin no'n na mawawala na ang kaibigan sa puso nila.  Shane will always have a special place in their hearts.  Now and for always.

That same day na dinalaw siya nina Ellise at Micah ay dinalaw din siya ni Francis.  Hindi niya maiwasang alalahanin ang naging pag-uusap nila ng binata.

Pansamantala munang lumabas ang mga magulang ni Ley para makapag-usap sila ni Francis.  Kaaalis lang nina Ellise at Micah, hindi pa siya nakakahuma ay ito naman ang dumating. 

"I'm really glad you're okay," wika nito na naupo sa upuan na katabi ng kama niya.

"Yeah, well, me too," sagot niya.  "Plano ko na talagang kontakin ka because I really need to talk to you.  Tell me, Francis, what really happened that day?"

"I knew you'd ask that.  Kaya nang marinig ko na nagkamalay ka na, dumiretso ako kaagad dito."  Huminga muna ito ng malalim bago nagpatuloy.  "I was waiting for the three of you at the car.  Bigla na lang tumunog ang cellphone ko, it was Parker.  She told me to call an ambulance and the cops, and get my ass over there.  Hindi na ko nagtanong kung bakit dahil narinig ko ang urgency sa boses niya.  I did what she told me.  Pagdating ko sa condo, Sasha was putting pressure on your wound while Parker was tying an unconcious Wesley.  I think she tasered the guy five times before she was satisfied. 

"Habang hinihintay namin ang pagdating ng ambulansiya, sinasabi naman sa 'kin ni Sasha ang dapat kong gawin kapag dumating na 'yong mga pulis.  How you went looking for me dahil hindi sinasadyang nakita mo 'yong mga research ni Shane sa bahay niya.  And that you were convinced that her death had something to do with the diamonds.  When you found me, the two of us somehow managed to track down Wesley.  Nang tanungin ko siya kung paano kapag tinanong ako ng mga pulis kung paano natin nagawa 'yon, sinabi lang niya na ibigay ko lang daw yung recording ng confession ni Wesley.  The police will surely get off my back since the evidence against him was blaring in front of them.  And surprisingly they did, get off my back.

The Charmed ThiefOnde as histórias ganham vida. Descobre agora