CHAPTER ELEVEN (II)

1.4K 49 1
                                    

DAIG PA niya ang sumakay sa roller coaster.  'Yon ang kasalukuyang nararamdaman ni Leyneri ngayon.  Pagbaba niya ng kotse, pakiramdam niya ay umiikot ang buong paligid.  Kaunti na lang at parang masusuka na siya.  Sa kabuuan yata ng biyahe nila ay hindi sumunod si Parker sa normal na speed limit.  It felt like they were travelling at maximum speed.  Idagdag pa do'n ang walang humpay nitong pakikipag-unahan sa mga kotseng kasabayan nila.

"You shouldn't be allowed to hold a steering wheel," wika niya kay Parker.  "Where did you learn how to drive anyway?  You drive like you're on steroids or something."

"I was a getaway driver once," sagot nito na para bang nasagot na no'n ang tanong niya.  "I still am sometimes, actually."

Naiiling na bumaling siya kay Sasha.  "Maaga akong mamamatay sa atake sa puso dahil sa driving skills nang apprentice mo."

"So you don't like fast and smooth rides, huh?  Would you rather prefer a slow and hard ride with me?" makahulugang tanong nito na sinabayan pa ng pagngiti ng nakakaloko.

Hindi naman niya napigilan ang pag-iinit ng pisngi niya.  She was saved by Parker from saying anything dahil ito na mismo ang nagkomento sa sinabi ni Sasha.

"Eeww Sasha.  Seriously?  Kilabutan ka naman minsan."

"My sentiments exactly," pagsang-ayong niya kay Parker. 

"Hey, don't team up on me."

Nauna na siyang maglakad patungo sa bahay ni Shane.  It was a simple bungalow style house.  Sa pagkakaalam niya ay pinatayo 'yon ng mga magulang ng kaibigan bago ikasal ang mga ito.  It was a house they built for their family.  Nakakalungkot lang that they didn't manage to live long enough to stay in it.  Pagdating niya sa tapat ng gate ay napatigil siya dahil naka-pad lock 'yon.  Sasabihin na sana niya sa mga ito ang problema pero bago pa niya magawa 'yon, Parker was already picking on the lock.  Wala pa yatang limang segundo ay nabuksan na nito 'yon.  Pagpasok nila sa loob ay gano'n ulit ang ginawa nito sa nakakandadong pinto.  Pagkatapos ay ibinalik na nito ang mga ginamit na lock picking tool sa belt bag na dala nito.

"Lagi ka bang may dalang lock picking tool?" hindi niya napigilang tanong dito.

"Occupational hazzard," kibit-balikat na sagot nito.  "It's always good to be ready whenever the mood to steal strikes me."

"Huh..."  Hindi siya sigurado kung paano magkokomento sa sinabi nito. 

Namamangha siya dahil masyadong open ito, no, hindi lang ito kundi pati na rin si Sasha, sa trabaho ng mga ito bilang magnanakaw.  Na para bang tiwala talaga ang mga ito na hindi niya isusuplong ang mga ito sa mga pulis.  Which is, wala naman talaga siyang balak na gawin.  But they don't know that.  Kung siya siguro ang nasa posisyon ng mga ito, she wouldn't be as carefree.  Or maybe they're just that confident of their skills to run away from the law.  Hindi na lamang niya 'yon patuloy na inisip at pumasok na lamang siya sa loob. 

Ang unang bumungad sa kanya ay ang living room.  The only way she could describe the interior was quiet and simple.  Karamihan sa mga kulay na ginamit ay nondescript colors, like beige and cream.  Hindi na siguro pinabago ni Shane ang original na interior design ng bahay.  Mahilig kasi ang kaibigan niya sa makukulay na bagay.

"Wala bang ibang tao dito?" narinig niyang tanong ni Parker.

Umiling siya.  "Matagal ng patay ang mga magulang ni Shane.  Nag-iisa rin siyang anak.  So nobody lives in this house now."

"Then kanino mapupunta ang bahay na 'to ngayon?" tanong naman ni Sasha.

"Siguro sa pinsan niya.  Since siya na lang ang natitirang kamag-anak ni Shane."

"From the looks of things, mukhang hindi pa kini-claim ni pinsan ang bago niyang property," komento ni Sasha habang inililibot ang tingin sa paligid.  "Okay, shall we start looking for clues?"

"What exactly are we looking for?" tanong ni Parker.

"Kahit na ano na sa tingin niyo ay may kinalaman sa nangyari kay Shane," sagot ni Sasha.

Naghiwa-hiwalay silang tatlo at nagsimula na sa paghahanap.  Dumiretso siya sa unang silid na nakita niya.  Pagpasok na pagpasok niya sa loob, her eyes were immediately bombarded by colors.  Napangiti siya.  Dahil walang duda na ito ang silid ng kabigan.  The wall was pink, the bed sheet was green, the pillows were blue, and there was a bog purple teddy bear sitting on the bed.  Dapat ay sumakit ang mga mata niya, pero ang tanging nagawa lang niya ay ng ngumiti.  It brought back a lot of fond memories. 

Napadako ang mga mata niya sa bedside table, dalawang picture frame ang nakapatong do'n.  Lumapit siya at halos pigilan niya ang pagtulo ng mga luha nang makita ang mga larawan.  One was a picture of Shane with her parents, samantalang ang isa naman ay larawan nilang apat na magkakaibigan.  It was taken during their graduation ceremony.  Pare-pareho pa silang nakasuot ng toga.  Dinampot niya 'yon.  The four of them looked so happy.  Natatandaan pa niya na nangako sila sa isa't-isa na hindi sila titigil hangga't hindi nila nakakamit ang mga pangarap.  Her tears welled up.  Dagli niyang ibinalik ang larawan bago pa siya tuluyang umiyak. 

Magsisimula na sana siyang maghanap ng kung anumang clue sa loob ng silid nang marinig niya ang tinig ni Sasha.

"Girls!  I think I found something!" tawag nito mula sa labas.

Pinahid muna niya ang aumang nagbabadyang luha bago lumabas.  Naglakad siya patungo sa pinanggagalingan ng tinig ni Sasha.  She ended up in a study.  Nakatayo ang binata sa gilid ng isang malaking book shelf.  Magtatanong na sana siya nang pumasok sa loob si Parker.

"Anong nakita mo?" tanong nito sa wikang Inggles.

"I think I just found a door."

Nagsalubong ang kilay niya.  "You mean, that bookshelf is a secret door?  Like kung may i-mo-move kang isang libro ay gagalaw siya and it will reveal a door?"

Tumingin sa kanya si Sasha.  There was amusement in his silvery eyes.  "As much as I want to accomodate your assumption, no, it's not as complicated as that.  There's just literally a door behind the shelf.  Too bad it's not like in the movies, right?" may pang-aasar pang wika nito.

"Alisin na lang natin 'tong book shelf para malaman natin kung ano ang nasa loob," inis na wika niya.  Pinagtulungan nilang tatlo na igalaw ang bookshelf hanggan sa lumitaw na 'yong pinto na sinasabi ni Sasha.  "How did you know there was a secret door here?" 

"It's a thief's job to look for secret doors," wika nito na sinamahan pa ng nakakalokong pagngiti.

Pinihit na ni Sasha ang seradura at gaya ng inaasahan, naka-lock 'yon.  Binigay ni Parker dito ang lock picking tools ng dalaga at sa pagkakataong 'yon ay si Sasha naman ang nagbukas ng nakapakang pinto.  Pagbukas nito no'n ay siya agad ang unang pumasok.  Kinapa niya ang switch ng ilaw at nang mapindot na niya 'yon at mapuno ang silid ng liwanag, agad siyang napahinto sa kinatatayuan.

Merong mesa sa gitna at madaming nakapatong doon na papel.  Nagkalat ang mga 'yon at wala sa ayos.  Pero ang higit na nakatawag ng pansin niya ay ang white board.  May mga nakadikit doon na mapa at larawan ng mga lugar at tao.

"Whoa, what was your friend up to?" narinig niyang wika ni Parker.

That, she absolutely has no idea.

The Charmed ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon