CHAPTER TWELVE (II)

1.5K 54 3
                                    

BUMALIK sila sa hotel suite nina Sasha, leaving everything in Shane's house the way they found it.  Hindi sigurado si Leyneri sa kung anong klaseng tulong ang maibibigay ng Intel na ito.  Lalo pa nga at sabi ni Parker ay nasa Myanmar ito ngayon kasama ang isa pang apprentice ni Sasha.  But Sasha said it doesn't matter since she could do what they needed kahit nasaang parte pa ito ng mundo.

Pagdating sa hotel suite ng mga ito ay agad na inilabas ni Sasha ang laptop nito.  He clicked something on the desktop then lumabas sa screen ang mukha ng isang babae.  Ang una agad niyang napansin ay ang kulay pula nitong buhok.  It was wild and curly.  Natatakluban ng makapal na salamin ang kulay berde nitong mga mata.  And she could clearly see the freackles on her face dahil na rin sa sobrang kaputian nito.  Nakasuot ito ng head phones at tutok na tutok ang atensiyon sa monitor na kaharap nito.

"Intel," tawag pansin ni Sasha dito.  Tatlong beses pa siguro itong muling tinawag ni Sasha bago nito nakuha ang pansin ng babae.

Tinanggal nito ang suot na head phones bago ibinaling ang tingin kay Sasha.  "Sorry, I was busy playing League of Legends," wika nito in a very bored voice.  "You need something?"

"Si Cameo?" tanong ni Sasha dito sa wikang Inggles.

"Went out shopping."

"Good.  Let's do this before she comes out."  Ipinasak nito ang cellphone sa laptop gamit ang isang connector.  "I'm sending you some files," wika nito na sinimulan na marahil ang pagpapadala ng mga larawan na kinuhanan nila sa bahay ni Shane.  "I want you to look through it.  Contact me later once you find everything about it, okay?"

She could see the girl typing, nakuha na marahil nito ang mga pinadala ni Sasha.  "Yeah.  But this could take a while."

"That's fine.  Just contact--"

"Is that Sasha's voice I hear?" wika ng isang panibagong tinig na pumutol sa kung ano pa mang sasabihin ni Sasha.

"Oh shit."

Hindi naman niya maintindihan kung bakit ganito ang inaakto ni Sasha.  Because she could only assume that the new voice belong to this Cameo.  Tatanungin na sana niya ito kung ano bang problema nang bigla na lang lumitaw sa monitor ang isang babae.  Not just a girl but probably the most beautifl girl she have ever seen in her entire life.  Her black hair was long and glossy.  Her hazel eyes was a big and doe like.  And she also has a perfectly luscious lips.  Kung siya lang 'yong tipo ng babae na walang self-confidence, baka napuno na siya ng insecurity ng mga oras na 'yon.

"Hey Sasha!  Kumusta ang sugat mo?  Are you properly dressing it?  Plano ko ring tawagan ka pagkadating ko buti--"  Natigil ito sa pagsasalita nang mapatingin ito sa direksyon niya.  Naningkit agad ang mga mata nito.  "Am I hallucinating or is there really a girl standing beside Parker?"

Inakbayan siya ni Parker.  "Nope.  She's real alright," wika nito na may bahid ng pang-aasar.

"Who the hell is she?" wika nito in a tone almost like a jealous girlfriend.

Wait- what if she's really his girlfriend?  Parang may kung anong pumiga sa puso niya.  How could she even compete with that statuesqe, goddess-like, piece of gorgeousness?  Napahinto siya.  Ano ba 'tong pinag-iisip niya?  Compete?  Seriously?  Why would she even want to do that?  Ikinuyom niya ang kamao, letting her nails dig hard in her palms.  Baka sakaling magising siya mula sa tinatakbo ng sariling isipan.

"Sasha, answer me, who is that... that freaky, sun-baked twig?"

Napabulanghit ng tawa si Parker sa sinabi ni Cameo.  Nasapo naman ni Sasha ang noo at napailing.  But Ley?  She was pissed.  No one ever called her that.  Kahit minsan ay hindi niya ikinahiya ang kulay ng kanyang balat.  It was her heritage from her tribal roots.  And she was proud being a Bulawanon.  HIndi siya papayag na basta na lang maliitin ng kung sino 'yon.

The Charmed ThiefWhere stories live. Discover now