CHAPTER FOUR (II)

1.7K 48 2
                                    

"DAPAT sinapak ko kahit man lang isang beses ang lalaking 'yon.  How dare he look at you in that way," wika ni Kohana nang makapasok na sila sa Kastelo.

Hindi maintindihan ni Leyneri kung bakit ganito na lang ang pagkainis ng kapatid niya.  Oo, kung tingnan nga siya nung lalaki ay parang pinag-aaralan nito ang bawat parte ng mukha niya.  As if he was looking at some kind of rare treasure.  Yes, it made her a little uncomfortable but it's not something that could make her that angry.  "I don't really mind."

Bumaling ito sa kanya.  "You should.  Nakita mo ba kung paano ka niya tingnan?  He's looking at you like some tasty morsel."  Nang tingnan niya ito ng may pagtatanong sa mga mata ay napabuntung-hininga na lang ito.  "He's looking at you like a man who's interested in a woman."  Nang magsalubong lang ang kilay niya sa sinabi nito ay naihilamos ng kapatid ang mga kamay sa mukha nito.  "Gusto niyang gawin sa 'yo ang mga bagay na nararapat lang gawin ng isang lalaki sa kasintahan niya.  He wants to kiss you and hug you and probably do some other inapropriate stuff to you."

Sa pagkakataong 'yon ay naunawaan na niya ng tuluyan ang gustong sabihin ng kuya niya.  Naramdaman niya ang pag-iinit ng buong mukha niya.  Walang duda na mas mapula pa siya ngayon sa kamatis.  Sa sinabi kasi ng kapatid ay agad na pumasok sa utak niya imahe nila nung lalaki na magkayakap.  Dali-dali niya 'yong pinalis. 

"I-ibig sabihin na may g-gusto siya sa 'kin?" hindi makapaniwalang wika niya.  "B-but he just saw me!  Paano naman mangyayari 'yon?"

Muling napabuntung-hininga ang kapatid niya.  "Dapat si Mama ang nagpapaliwanag sa 'yo ng mga bagay na 'to eh."  Humarap ito sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang balikat.  "Makinig ka sa 'kin, Ley.  May mga lalaki d'yan na interesado lang sa panlabas na anyo ng mga babae.  Kapag nakuha ng isang babae ang interes nila, magsasabi sila ng kung anu-anong papuri sa babaeng 'yon.  Kagaya nung ginawa nung lalaki kanina sa 'yo.  That's what people call 'flirting'."

"May mga lalaki talagang gano'n, Kuya?" tanong niya.  Hindi kasi niya kailanman naranasan ang gano'n dito sa isla.  Yung mga kaedad niyang lalaki hanggang ngayon ay parang mga kalaro lang niya.  At yung mga mas matanda naman ay parang bata lang ang trato sa kanya.

"Oo, madaming gano'n, ang tawag sa kanila mga lalaking hitad.  Tiyak na madami ka pang makakaengkwentrong gano'ng klase mga lalaki kapag nag-kolehiyo ka.  You need to start being vigilant.  Kapag may lalaking lumapit sa 'yo at bigla ka na lang nilandi-landi, birahan mo agad ng suntok para hindi na ulit magtangkang lumapit sa 'yo."

Napakamot siya sa ulo.  Kuya Kohana looked so gentle and yet violence is his first answer to every problem.  Napakalaking irony no'n para sa kanya.  "Pero Kuya, bakit naman magiging interesado sa 'kin 'yong lalaki kanina?"

"Because you are a very pretty girl, Ley.  Mas maganda ka pa nga do'n sa prinsesa ng Costradina eh.  At hindi ko sinasabi lang 'to dahil ikaw ang paborito kong kapatid."

Muntikan na siyang mapatawa.  Maniniwala na siya sa papuring binigay nito kung hindi lang siya nito ikinumpara sa prinsesa ng Costradina.  Hindi pa man niya ito nakikita ng personal - hindi kagaya ng mga Kuya niya na nag-aral ng kokehiyo doon - pero nakita na niya ang larawan nito.  And she was really beautiful, like an elven princess. 

"Akala ko ba si Kuya Shiriya ang paborito mong kapatid?" biro na lang niya dito.

Si Kuya Kohana ang pinakabata sa kanyang mga kapatid na lalaki.  Limang taon ang tanda nito sa kanya.  Isang taon naman ang tanda ni Kuya Shiriya dito.  At dahil ang mga ito ang may pinakamalapit na edad sa kanilang magkakapatid, sobrang malapit ang mga ito sa isa't-isa.

"Nagbago na 'yon nung magdesisyon siya maging motocross racer nang hindi man lang pinapaalam sa 'kin," paingos na sagot ng kapatid.

Bigla na lang kasing naisipan ni Kuya Shiriya na gusto nitong maging isang motocross racer.  Kaya ayun, nasa ibang bansa ito ngayon at sinusubukan ang kapalaran sa pangangarera.  "Wala din naman siyang pinagsabihang iba sa plano niya, kaya 'wag ka ng magtampo kay Kuya Shiriya."

"'Wag na lang nating pag-usapan ang isang 'yon.  Tandaan mo na lang 'yong lahat ng sinabi ko sa 'yo kanina.  At kapag pumunta ka na sa Constradina pagkatapos ng coming of age ceremony mo, sabihin mo kay Mama na ipaliwanag sa 'yo ang lahat ng dapat mong malaman sa relasyon sa pagitan ng mga babae at lalaki."

"Oo na po."

"Sige na, kakausapin ko lang si Kuya Tasunka tungkol sa nangyari."

Naglakad na ito paakyat sa silid na nagsisilbing opisina ng Kuya nila.  Siya naman ay naglakad palapit sa malaking bintana.  Kusang bumaling ang mga mata niya sa direksyon kung saan nando'n ang Zandana - ang kulungan kung saan dinadala ang mga tagalabas na walang pahintulot na pumapasok sa isla.  And her mind was immediately filled by the face of the handsome stranger and his eyes the color of liquid mercury.     

The Charmed ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon