CHAPTER NINE

1.6K 46 2
                                    

INILIBOT ni Leyneri ang mga mata sa paligid ng hotel suite ni Sasha.  Nang sabihin niya na kailangan nila ng mas pribadong lugar para pag-usapan ang patungkol sa detalye ng pagtulong nito sa kanya, agad nitong iminungkahi ang suite na tinutuluyan nito.  Hindi naman na siya nakatanggi dahil hindi naman nila pwedeng pag-usapan sa coffee shop ang tungkol sa pagkamatay ni Shane.  She can't possibly laid the pictures of the crime scene on the cafe's table.  Tiyak na makakatawag lamang sila ng pansin kapag ginawa niya 'yon.

She still thinks it's a bad idea to accept his help.  Bukod sa katotohanan na isa itong magnanakaw - isang magnanakaw na nagnakaw sa kanilang tribo - hindi rin siya sigurado kung mapagkakatiwalaan nga ba niya ito.  After all, she barely knew him.  Pero kung seryoso man ito sa pagtulong sa kanya, tiyak na malaki ang maitutulong nito sa paghahanap ng kung sinumang pumatay kay Shane. 

Isa itong master thief na kilala sa pagnanakaw ng mga kilalang art pieces.  If she can use his amazing skill set to her advantage, then hindi malabo na mabilis niyang mahanap ang kung sinumang dapat magbayad sa nangyari sa kaibigan niya.  Kung 'yon lang ang iisipin niya ay makikita niya na na magandang ideya na hayaan ito na tulungan siya.  But the problem was she has other concerns to think about.  Like her poor heart for example.

Napabuntong hininga na lamang siya.  Pero nandito na 'to, she has no choice but to go through with it.  Tiyak naman kasi niya na hindi rin siya hahayaan ni Sasha na bawiin ang pagpayag niya.  She'll just have to think of the pros instead of the cons and to separate this attraction she has for him from the much more important stuff.  At 'yon ay ang pagresolba sa kaso ni Shane.

Naupo siya sa upuang malapit sa kinatatayuan at hindi na naman niya napigilan na pagmasdan si Sasha.  Tinanggal na nito ang suot niting fedora at kasalukuyang nagsasalin ng inumin mula sa bar.  He really hasn't changed one bit these past five years.  Para ngang mas lalo pa itong gumwapo.  His hair was shorter now compared to the first time she saw him.  But it was still unrully na para bang wala itong oras na suklayin 'yon.  And weird as it may be  it matched his looks.  Nakadagdag pa nga 'yon sa charm nito.  And oh boy does he have one.  He was oozing with so much charm it should be illegal.  Add to that the confident way he moves and talks, he surely is one hell of a lethat weapon against women.  At wala siyang duda na madami nang babae ang nahumaling dito at nadala sa matamis nitong dila.

Kaya nga dapat ay hindi siya mapasama sa mahabang listahan nito ng mga babae.  Pero kahit pa anong gawin niyang tanggi, hindi niya maikakaila na attracted siya sa binata.  She has been then and she is still now.  Nang una niyang maunawaan ang concept ng attraction, si Sasha agad ang unang pumasok sa utak niya.  Bigla ay nagkapangalan ang damdamin na hindi niya maipaliwanag noong una silang magkita.  At ngayon nga na muli silang nagkita, hindi pa rin nawawala ang damdamin na 'yon.  The attraction she felt was still as strong as back then.  Maaari ngang mas tumindi pa dahil ngayon ay aware na siya sa kung anumang nararamdaman.  She just hoped that it will end with that.  Na hindi na 'yon lalampas pa sa simpleng attraction.  Attraction she could handle.  But beyond that?  She's not too sure.

"If you continue to stare at me like that, I might start having weird ideas.  Like the two of us without anything between us but the clothes on our back.  No, I think it would be better with our clothes off," wika nito na sinamahan pa ng mapaglarong ngiti sa mga labi.

Agad niyang naramdaman ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi.  Binawi niya ang tingin dito and tried to act as normal as she could.  Na para bang hindi biglang bumilis ang tibok ng puso niya.  "I'd rather have my clothes on and be as far away as possible from you."

Bigla naman itong tumawa.  "Spoilsport."

"Pag-usapan na lang natin ang dapat pag-usapan." 

Naglakad ito palapit sa kanya at naupo sa upuan na katapat ng sa kanya.  "Tell me every details of it."  Nawala na ang pagbibiro sa tinig nito and his tone became all business like.  A sign that he's really taking this seriously. 

The Charmed ThiefWhere stories live. Discover now