CHAPTER FIVE (I)

1.7K 54 2
                                    

NAKAUPO sa sanga ng isang puno na malapit sa bukana ng kweba ng Zandana si Leyneri.  Pinag-iisipan niya kung papasok ba siya do'n o hindi.  Pero kahit magdesisyon pa siyang tumuloy, wala din namang kasiguraduhan na papapasukin siya ng mga Sekki' shi na nagbabantay sa kweba.  Isang linggo na rin ang nakakaraan simula nung ikulong 'yong dayuhan sa Zandana.  Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito sinasabi ang dahilan kung bakit ito napadpad sa isla nila.  At ayon pa sa narinig niya, maski pangalan nito ay hindi nito sinabi sa mga nag-interoga dito.  He must have really high mental fortitude.  Pero hanggang kailan naman kaya ito tatagal?

Noong nakaraang linggo, maliban sa estrangherong dayuhan, ay may isa pang lalaki na ikinulong sa Zandana.  Pero kahapon ay pinakawalan na ito dahil pumayag na ito sa gustong mangyari ni Manong Ebhir - ang pinuno ng mga Sekki' shi.  Ngayon ay nag-iisa na lang sa loob ng madilim na kweba ang dayuhan.  Kung siya ang nasa kalagayan nito ay baka unang gabi pa lang niya sa kulungan ay bumigay na siya at sinabi na niya sa lahat kung ano ba talaga ang pakay niya sa isla.  Being alone inside a dark cave, na ang tanging liwanag ay nagmumula lamang sa apoy ng isang nagliliyab na kahoy, is another kind of torture altogether.

Gusto lang niyang malaman kung ano na ang kalagayan nito ngayon.  Certainly it's not because she's been thinking about him for the past week.  Napabuntong-hininga siya at napailing na lang.  Okay, so maybe that's one of the reason she's here.  Sa kung anumang dahilan kasi ay palagi na lang sumusulpot sa isipan niya ang mukha nito.  Especially those almost silver eyes.  Hindi niya magawang kalimutan ang mga titig na ibinigay nito sa kanya.  Kahit sa kanyang pagtulog pakiramdam niya ay pinagmamasdan pa rin siya ng mga matang 'yon.  Na labis niyang ikinaiinis.  Dahil hindi niya maintindihan ang sariling damdamin. 

Naisip niya na kung makakausap niya ito ay baka mas maintindihan niya ang nararamdaman.  Kaya naman nandito siya ngayon.  Alam niya na pinagsabihan na siya ng Kuya Kohana niya patungkol dito.  Pero hindi niya talaga mapigilan ang sarili.  She just really want to see him. 

Humilig siya sa punong inuupuan, pinag-iisipan kung anong dahilan ang pwede niyang ibigay sa mga nagbabantay sa kulungan para papasukin siya ng mga ito, nang makita niya sa may di kalayuan si Ate Milena.  May dala-dala itong basket at naglalakad ito patungo sa direksyon ng Zandana.  Sigurado siyang pagkain ang laman ng basket na dala nito.  Bukod kasi sa pagiging in charge sa pagkain na hinahain sa Kastelo, si Ate Milena rin ang naghahanda ng pagkain para sa mga tagalabas na ikinukulong sa Zandana.  Pamangkin ito ng Nanang Melda niya.  Pagkakita niya dito ay isang ideya kaagad ang pumasok sa isipan niya. 

Dagli siyang tumalon pababa sa kinauupuang puno at tumakbo para salubungin si Ate Milena.  "Ate, pwede bang ako na lang ang magdala ng pagkain na 'yan sa Zandana?" humahangos na wika niya nang makalapit siya dito.

Agad namang napuno ng pagtataka ang mukha nito.  "Ba't mo naman gagawin 'yon?  Teka- 'wag mong sabihing may binabalak kang gawing kalokohan?"

"Ate naman eh.  Hindi ba pwedeng gusto lang kitang tulungan?  Alam ko kung gaano ka kaabala sa Kastelo, tapos kailangan mo pang isingit ang pagdadala ng pagkain sa Zandana araw-araw.  Kung gusto mo, simula ngayon ako na ang gagawa nito para sa 'yo."

"Bakit di ko mapigilang maramdaman na may hidden agenda ka kaya bigla kang nagboboluntaryo?" 

"W-wala, Ate.  Seryoso," wika niya pero hindi naman siya makatingin dito.

"Hmm... may kinalaman ba 'to do'n sa dayuhang nakakulong ngayon sa Zandana?"  Napailing ito nang hindi siya sumagot at patuloy lang niyang tiningnan ang paanan niya.  "Kayo talagang mga bata kayo, hindi mapigilan ang curiosity.  Alam mo ba na hindi ko na mabilang kung pang-ilan ka na sa mga nag-boluntaryo na dalhan ng pagkain 'yong dayuhan?  Hindi ko maintindihan kung bakit masyado kayong curious sa itsura niya."

The Charmed ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon