CHAPTER SIXTEEN (I)

1.4K 44 3
                                    

DALA-DALA ang juice na tinimpla ng maid ni Francis, dumiretso si Leyneri sa may back garden kung saan nakaupo ngayon si Sasha.  Pagkatapos nitong sabihin kung maaari silang manatili dito ay agad na pinahanda ni Francis ang dalawang guest room.  Magkasama sila ni Parker sa isang kwarto at sa isa naman ay para kay Sasha.  Nasa may living room si Parker at nanonood ng TV.  Si Francis naman ay humiling na mapag-isa muna.

"Juice?" wika niya nang makalapit kay Sasha.  Inilahad niya dito ang hawak na baso ng juice.

"Thanks," wika nito na tinanggap ang juice at sinimulang inumin 'yon.

Naupo siya sa tabi nito.  "Natawagan mo na ba si Intel?"

"Yeah.  She will send the footages before night comes."

Napatango siya.  Nang may maisipan siyang itanong dito.  "Earlier, you sounded so sure na may kinalaman nga do'n sa mga nawawalang diyamante 'yong pagkamatay ni Shane.  May I know why?"

Inubos muna nito ang ibinigay niyang juice bago sumagot, "Because of the map and the location where Shane's body was found."

Nagsalubong naman ang kilay niya sa naging sagot nito.  "Anong ibig mong sabihin?"

Kinuha nito ang cellphone, then he clicked Google Maps.  Tinype nito doon ang Philex Road - malapit 'yon sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay ni Shane.  He zoomed it in.  "Shane's body was found somewhere here," wika nito na itinuro ang lugar sa tabi ng Philex Road.  "And the map in Roxas' journal pertains to this place."  Iginalaw nito ang mapa at pagkatapos ay itinuro ang Kias Forest na hindi gano'n kalayo mula sa Philex Road.  "The two places are basically just one drive away.  That couldn't be just a coincidence.  Especially if we think that Shane was killed somewhere in Kias Forest and then the criminal moved her body near Philex road to throw off the police's investigation."

Sa lahat ng sinabi nito ay isa lang ang nakakuha ng pansin niya.  "Paano mo nalaman na 'yong mapa sa journal ni Rogelio Roxas ay mapa ng Kias Forest?  I can't even understand the things written on that map."

"Printsessa, don't beat yourself up over it.  I'm just too amazing, that's why," puno ng pagmamayabang na wika nito.

"Sasha, just answer me, okay?"

"Fine, fine.  It was a code.  I deciphered it last night since hindi rin naman ako makatulog.  Ang bawat letra sa alphabet ay may kaakibat na ibang letra.  Like this," muli nitong kinuha ang cellphone at nagsimulang mag-type doon, "A=Y, B=P, C=L, D=T, E=A, F=V, G=K, H=R, I=E, J=Z, K=G, L=M, M=S, N=H, O=U, P=B, Q=X, R=N, S=C, T=D, U=I, V=J, W=F, X=Q, Y=O, and Z=W.  Kung isusulat mo ang pangalan mo gamit ang code na 'to, then you'll have 'Maohane' instead of 'Leyneri'.  So if you translate 'Geyc Vunacd' to normal alphabet, you will get 'Kias Forest'.  And the same applies to the instruction written at the side of the map."

HIndi siya kaagad nakapagsalita.  All she could do was stare at his phone then stare back at him.  Hindi siya makapaniwala na nagawa nitong ma-solve yung misteryo ng mapa ng gano'n lang kadali.  And it was all because he couldn't sleep.  "That- that's amazing," tanging nawika niya.

"Yeah, I know right?  It's really smart of him to think of a code like that.  Kung siguro isinulat niya 'yong buong journal gamit 'yong special alphabeth niya, I doubt anyone could decipher it."

Umiling siya.  "No, I mean, you're amazing."

Napatigil naman ito, then bigla na lang ngumiti ng nakakaloko sa kanya.  "Aww, Ley, are you perhaps falling for me?"

Bigla namang tumalon ang puso niya dahil sa tanong nito.  Pero agad din niyang kinalma ang sarili.  No, she won't go there.  She won't answer that question.  Pabiro na lang niyang sinuntok ang braso ng binata.  "Shut up." 

The Charmed ThiefOù les histoires vivent. Découvrez maintenant