CHAPTER EIGHTEEN (I)

1.2K 40 0
                                    

NAKASAKAY ng kotse patungong Pasig sina Leyneri.  Si Sasha ang nagmamaneho habang nasa backseat naman sina Parker at Francis.  Patungo sila ngayon sa condo unit ng taong hinahanap nila nitong nakaraang apat na araw.  None other than the heartless killer who ended her best friend's life.  Pagkatapos ng ilang araw na pangangalap ng impormasyon, nalaman na rin nila sa wakas ang katauhan nito.  And up until now, she just couldn't believe who it turned out to be.

Mas lalo lang nag-igting ang galit na nadarama niya nang malaman niya kung sino ito.  Hindi niya lubos maisip kung paano nito nagawa ang karumal-dumal na krimen na 'yon laban kay Shane.  No matter how hard she tried to came up with a reason why, she just ends up with nothing.  Pinatay ba nito si Shane dahil sa mga diyamante?  Dahil sa perang makukuha nito mula roon?  So that meant her friend died because of that bastard's greed?  Sa tuwing naiisip niya 'yon, pakiramdam niya ay sasabog siya sa matinding galit.  It's just slowly consuming her.

"Do you think he's still there?" biglang tanong ni Francis.  "Kung nasa kanya na 'yong mga diyamante, hindi malabong nakalabas na siya ng bansa para ibenta 'yon."

Nakuyom niya ang kamao.  "If that's the case, then I'll find him.  Hindi ako titigil hangga't hindi siya nabubulok sa bilangguan."

Napapitlag siya nang biglang hawakan ni Sasha ang kamay niya.  "'Wag kayong mag-alala, he's there.  Hindi gano'n kadali na mag-smuggle ng gano'n karaming uncut diamonds palabas ng bansa.  My guess is, naghahanap pa siya ng tao na pwedeng mag-fence no'ng mga diyamante sa black market.  Because that's the only way he could sell those without alerting the authorities.  Aside from that, I asked Intel to hack into the airlines database and check if he booked a flight out of the country.  And he didn't.  Kaya sigurado akong nand'yan siya."

Hindi naman nakabawas ang sinabi nito sa galit na nadarama niya.  Gusto niyang sumigaw hanggang sa wala nang boses na lumabas sa bibig niya.  Pero kahit na siguro gawin pa niya 'yon, hindi pa rin no'n maiibsan ang galit na ito.  The only thing that could is if she sees that son of a bitch behind bars.

"How about the police?  Maganda ba talagang ideya na hindi natin sabihin sa kanila ang mga nalaman natin?" muling wika ni Francis.

"Dude, you do know that we acquired those informations using illegal means, right?" wika ni Parker.  "Kapag tinanong nila tayo kung paano natin nalaman ang mga nalaman natin, sasabihin mo ba sa kanila ang totoo?  Baka mamaya tayo pang apat ang ikulong nila."

"We need a solid confession.  A recording of him directly confessing to his crimes.  Sa gano'ng paraan lang natin mapapakilos kaagad ang mga pulis nang hindi nila kinukwestiyon kung paano natin 'yon nakuha.  If they ask us, we could just lie and tell them that he went on a rampage and confessed everything," dugtong pa ni Sasha.

Ilang sandali pa ang lumipas at inihinto na ni Sasha ang sasakyan sa tapat ng isang condominium building.  Lumabas na sila maliban kay Francis.  Kailangan nitong maiwan dahil tiyak na maghihinala 'yong pupuntahan nila kapag nakita nito ang binata.  Baka hindi na nila makuha ang confession na kailangan nila kapag nagkataon.  Bukod pa do'n, halata din ang pagiging masyado nitong emosyonal.  He might seemed nervous and uncertain, pero hindi maitatago ng mga mata nito ang galit na nadarama.  Who knows what he will do kung sasama ito sa kanila?  Well, she's not really one to talk.  Pero sa tingin naman niya ay mas may kontrol siya sa emosyon niya kesa dito.

Magsisimula na sana siyang maglakad nang pigilan siya ni Sasha.  "Are you sure you want to do this?  It could get dangerous up there."

Muntikan naman niya itong sigawan.  Alam nito kung gaano niya inasam na mangyari ang pagkakataon na 'to and she was asking her if she was sure about it?  Pero napahinto rin siya dahil sa nakita niyang matinding pag-aalala sa kulay abuhin nitong mga mata.  "I'm sure.  I want to be there.  I want to look him in the eye and ask him why."

"I knew you' say that.  But I was still hoping that you'd say no.  Hindi ko gusto ang ideya na ako pa mismo ang magdadala sa 'yo sa isang mapanganib na sitwasyon.  Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa 'yo."

Isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi niya dahil sa sinabi nito.  "If that ever happened, then I'll forgive you if you can't forgive yourself.  Will that be enough?"

Napangiti naman ito at ipinatong ang noo sa noo niya.  "Yes.  But I'll probably be still angry at myself."

"Guys, ano ba, magtititigan na lang ba kayo d'yan?  Let's just get this done and over with, okay?" wika ni Parker na nauna nang maglakad sa kanila.

Humiwalay sa kanya si Sasha at napabuntung-hininga na lang.  Pagkatapos ay inilahad nito ang kamay sa kanya.  "Let's go."

Walang pag-aalinlangan naman niyang inabot 'yon.  "Yes."

Pumasok na sila sa building at sumakay ng elevator.  Habang papalapit sila ng papalapit sa destinasyon ay pabilis din ng pabilis ang tibok ng puso niya.  Nang makarating na sila sa tapat ng condo unit na sadya ay dagling pinindot ni Sasha ang doorbell.  Maya-maya pa ay bumukas na 'yon.

And they came face to face with Wesley Pascual.

The Charmed ThiefWhere stories live. Discover now