CHAPTER TWO (I)

2.1K 69 1
                                    

HINDI agad rumehistro sa utak ni Leyneri ang narinig.  Pero nang naunawaan na niya ang sinabi ng kausap, ang una agad niyang naramdaman ay galit.  This must be a prank call.  Because there's no way what's he's saying was true.  "Listen, you jerk, if this is your idea of a joke then hindi ka nakakatawa."

"Ma'am, hindi po ako nagbibiro.  Maari ko pong ibigay sa inyo ang badge number ko, pwede kayong tumawag sa kapitan ng station namin and you can have him check my identity," malumanay na wika nito sa tono na para bang nagpapaliwanag sa isang bata.  "Kung mako-contact niyo po ang pinsan ni Miss Pascual, magiging malaking tulong po 'yon.  Someone needs to come up here and indentidy the body, para ma-release na rin siya sa morgue."

Hindi siya makapagsalita.  Parang may malaking batong bumikig sa lalamunan niya.  What he said sounded so... true.  So... final.  Na para bang wala siyang ibang pagpipilian kundi paniwalaan ang sinabi nito.  Then it hit her like a raging wave.  The realization that what he said was the truth.  That Shane was really gone.  Her whole body shook.  Bigla ay hindi siya makahinga.  Waring tinutusok ng maliliit na karayom ang puso niya.

"Miss Metusela, nand'yan pa po ba kayo?" tawag pansin sa kanya ni SPO1 Gutierrez.   

"I- I will go.  I will go there immediately."

Hindi na niya narinig ang sunod nitong sinabi, pinindot na niya ang 'end' button.  Ilang segundo rin siguro siyang nakatayo lang do'n hanggang sa kusang bumigay ang mga tuhod niya at mapaupo siya.  Nanginginig pa rin ang buong katawan niya.  Ni hindi niya napansin ang pagdalo sa kanya ng kapatid.

"Ley, anong problema?" nag-aalalang tanong nito.

Tumingala siya dito at hindi na niya napigilan ang pagbuhos ng kanyang luha.  Dagli siyang niyakap ng kapatid.  "K-Kuya... Kuya... s-si S-Shane..."

"Sshh... kumalma ka muna, Ley," wika nito habang hinahagod ang likod niya at pilit siyang pinapakalma.

Hindi na siya nagsalita pa at hinayaan na lamang niya ang sarili na ilabas ang lahat ng kinikimkim na luha.  Hoping that it will at least lessen the pain and sadness she was feeling.  Pero kahit gaano pa karami ang iiyak niya, hindi pa rin 'yon nakabawas sa sakit na nararamdaman.  The pain was almost unbearable.

Pansamantalang humiwalay sa kanya ang kapatid.  Ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito at pinawi ang luhang patuloy na dumadaloy sa pisngi niya.  "Sabihin mo sa 'kin kung ano ang nangyari, Ley."

"A p-police from B-Baguio called.  S-sabi niya... sabi niya nakita daw nila ang b-bangkay ni S-Shane sa may Philex Road.  She- she's d-dead, Kuya."  At muli na namang bumuhos ang luha niya.  "Kausap ko lang siya sa phone nung isang araw.  T-tapos ngayon... ngayon..."

Muli siyang niyakap ni Tasunka.  "Alam ko na wala akong masasabi sa 'yo ngayon na maaaring makapagpagaan ng loob mo.  But you need to be strong, Ley.  Hindi lang para sa 'yo kundi para na rin sa kaibigan mo." 

Tama ang Kuya niya.  Hindi ito ang oras para mag-iiyak siya dito.  She needed to go to Baguio.  Hindi niya alam kung paano kontakin ang pinsan ni Shane at tiyak niyang hindi rin alam ng mga kaibigan nila ang contact number nito.  She was probably the first person the police called dahil siya ang nasa speed dial 1 ng cellphone ni Shane.  Ibig sabihin ay siya pa lang ang nakakaalam ng nangyari sa kaibigan.  All the more reason why she needs to go to Baguio as soon as possible.

Pinilit niyang ang sarili na tumigil sa pag-iyak.  Pinahid niya ang luha at humiwalay sa kapatid.  "Kuya, kailangan kong makarating sa Baguio sa lalong madaling panahon."

Mataman siya nitong tinitigan bago hinalikan ang noo niya at nagwika, "Ipapahanda ko ang chopper."  

The Charmed ThiefWhere stories live. Discover now