CHAPTER SIXTEEN (II)

1.3K 43 1
                                    

KATATAPOS lang nilang maghapunan nang dumating ang footage ng CCTV cameras mula kay Intel.  Nasa may study sila ngayon ni Francis at pinapanood 'yon.  Sinulyapan ni Ley si Sasha.  Seryoso itong nakatutok sa monitor ng laptop nito.  Hindi pa rin mawala sa isipan niya ang naging pag-uusap nila kanina.  And those damn realizations she had.  Marahas niyang ipinilig ang ulo.  So what?  Alam naman niya sa simula pa lang na walang patutunguhan ang kahit na ano pang relasyon na posibleng mabuo sa pagitan nila.  She was the one who started to have feelings on her own.  Wala siyang dapat na ibang sisihin kundi ang sarili niya.  Ang kailangan niyang gawin ngayon ay pigilan ang nararamdaman or at least put a lid on it.  Kapag naman siguro umalis na ito at hindi na niya ito nakikita at nakakasama, unti-unti na ring mawawala ang damdamin na ito.  Tama?  Well, it has to be.  Dahil kung hindi, wala siyang ideya kung ano ang gagawin niya.

Sa ngayon, kailangan muna niyang ituon ang lahat ng pansin sa paghahanap sa kriminal na pumatay sa kaibigan niya.  Saka na lang niya iisipin kung ano ang gagawin sa mga damdaming ito na hindi naman niya dapat maramdaman.  Ibinalik na niya ang tingin sa monitor ng laptop. 

Nag-uusap na ngayon sina Francis at Shane.  Sa pagkakaalam niya ay ito yung unang beses na nagkaharap ang mga ito.  Parang piniga ang puso niya nang makita ang nakangiting mukha ni Shane.  She really missed her.  She could tell by the way Shane laughed and looked at Francis na may espesyal din itong nararamdaman para sa binata.  Pero kagaya ni Francis ay hindi rin nito nagawang sabihin ang nararamdaman na 'yon.  Napuno na naman siya ng matinding galit.  Galit para sa taong may kagagawan nito.  Pero pinilit niyang pinakalma ang sarili.  Hindi siya makakapag-isip ng matino kung mapupuno lamang siya ng galit. 

She studied the footage closely.  She did that again for the next one and the next one after that, pero wala talaga siyang makitang kakaiba sa mga footage.  Ang tanging napapansin lang niya ay ang masayang pag-uusap nina Shane at Francis.  Ang sumunod na footage ay kuha sa tapat ng isang store.  Magkasabay na lumabas sina Shane at Francis.  Maya-maya pa ay nauna nang umalis ang binata.  Shane started walking to the opposite direction that Francis went.  Then pagkatapos no'n ay lumabas naman ng store ang isang lalaki.  Balbas sarado ito at nakasuot ng shades at saklob kaya halos hindi na makita ang mukha nito.  Tumingin ito sa direksyong dinaanan ni Shane at pagkatapos ay naglakad na patungo doon.  Sa kung anong dahilan ay kinutuban siya ng masama.

"This guy," mahinang wika ni Sasha bago ibinalik sa screen ang naunang footage.  He paused it and zoomed in on the right side.  Nagulat siya nang makita ang kaparehong lalaki na nakaupo di kalayuan sa inuupuan nina Shane.  Natatakluban pa rin ng salamin at saklob ang mukha nito.  But it was definitely the same guy.  They moved on to the next footage after the footage in front of the store at muli ay nakita na naman nila ang lalaki.

"That can't be a coincidence," wika ni Parker.

At sang-ayon naman siya do'n.  Hindi pwedeng sabihin na aksidente lang na tatlong beses itong nando'n sa kaparehong lugar na pinuntahan nina Shane at Francis.  Especially since the first footage he was in was taken in Manila and the second one was in Baguio. 

"Do- do you think he's the person who--" wika ni Francis na hindi maituloy ang nais sabihin.  Pero nakuha naman nila ang gusto nitong itanong.  Because they were probably thinking the same thing.

"We can't just jump into conclusions.  Kailangan natin ng mas konkreto pang ebidensiya.  Sa ngayon, we need to know first who this guy is.  Kapag nalaman na natin kung sino siya, then we'll do everything to find out if he really is the criminal," wika ni Sasha.

"How do you suggest we do that?  Kulang na magsuot ng maskara ang lalaking 'yan para lang hindi siya makilala," wika naman niya.

"Intel," simpleng sagot nito. 

Somehow, hindi na niya 'yon ikinagulat.  Basta yata may kinalaman sa technology, kay Intel agad ito nag-re-rely.  Pumunta ito sa desktop ng laptop nito at clinick ang icon na pinipindot nito sa tuwing kailangan nitong kontakin ang dalawa pang apprentice.  Ilang sandali pa ay lumabas na sa monitor ang mukha ni Intel, kagaya nung una niya itong nakita, mukhang naglalaro na naman ito ng kung anong online game.  At kagaya nung huli ay makailang beses na tinawag ni Sasha ang pangalan nito bago nito inalis ang head phones na nakapasak sa teynga nito.

Nang makita nito si Sasha ay isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan nito.  "Let me guess, you need me to do something.  Again."

Nginitian lang ito ni Sasha.  "Aww, Intel, you know me so well."

Napailing na lamang ang dalaga.  "So, what is it this time?"

"I need you to run this picture through your facial recognition software."  Ipinadala ni Sasha ang larawan ng lalaki na kuha mula sa footage.

Napatingin siya kay Francis, tahimik lang ito habang nakikinig sa usapan ng dalawa.  Hindi siya sigurado kung magandang ideya ba na makita nito si Intel.  Baka kasi magtaka ito kung bakit may kakilala si Sasha na isang genius na hacker.  Sana lang ay hindi ito magka-suspetsa na ang dalawa sa kasama nito ngayon, pati na rin 'yong babae na kausap nila sa monitor ng laptop, ay mga wanted na magnanakaw.  Pero malabo naman siguro na maisip nito ang posibilidad na 'yon.  Bukod sa hindi ibinigay nina Sasha ang buong pangalan dito, hindi rin naman siguro ito pumupunta sa web site ng Interpol o FBI para lang makita ang mga nasa most wanted list ng dalawang ahensiya.  And right now, the guy's sole focus was finding the criminal, tiyak na wala na itong pakialam sa iba pang bagay.

"How long would it take, before you know the identity of the guy?" tanong ni Sasha kay Intel.

"With that almost pixelated picture?  Probably tomorrow at noon or longer.  Depende kung gaano katagal ko siyang ma-re-recreate ng may mas mataas na definition.  Then I'll make a 3D model minus the beard and the glasses.  Tapos saka ko pa lang siya mailalagay sa facial recognition software ko," sagot nito bago napaungol.  "I just realized how much work that's going to be."  Tumingin ito kay Sasha.  "You're not paying me enough for this."

"Okay lang 'yan.  Mahal naman kita eh," nakangising wika lang dito ng binata.

Isang buntung-hininga lang ulit ang pinakawalan ni Intel.  "I'll send you the result tomorrow once I'm done."

"Thanks, Intel.  And say hi to Cameo for me."

"She won't accept your 'hi'.  She's still sulking," naiiling na wika ni Intel bago pinutol ang koneksyon.

Humarap sa kanila si Sasha.  "Then I guess habang hinihintay natin ang pagdating ng resulta ng facial recognition, let's look for other clues na makakatulong sa kaso na 'to."

"Kias Forest," wika niya.

"Yes.  We'll go there first thing tomorrow.  The criminal might have left some kind of trail that would lead us to him."

Napahawak siya sa laylayan ng suot niyang blouse at mahigpit na napakapit doon.  We're so close, Shane.  Mahahanap na rin namin ang walang puso na kriminal na 'yon.  We can finally give you the justice you rightfully deserve.

The Charmed ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon