CHAPTER TWELVE (I)

1.2K 47 0
                                    

LUMAPIT si Leyneri sa white board.  There were black and white pictures of men she doesn't know.  Mga lumang larawan ng mga gusali.  One looked like a hospital, the other looked like some kind of church or was it a convent?  There were even pictures of tunnels.  Inilipat niya ang tingin sa mga papel na may nakasulat.  It looked like Shane photocopied it from some journal dahil na rin sa mga date na nakalagay sa pinakatuktok ng papel.  Binasa niya ang unang papel na nakakuha ng atensiyon niya.  The date was blurry and she could only make out the year, 1961.

Isang mirakulo na sigurong maituturing na nakilala ko ang binatang si Fuchugami.  Anak siya ng isang sundalo na kasama sa hukbo ng mga Hapon.  Sa aming pag-uusap naikwento niya sa akin ang tungkol sa isang napakalaking kayamanan.  Pinakiusapan ko siya na sabihin sa 'kin ang lahat ng detalyeng nalalaman niya.  Matagal bago ko siya nakumbinsi na sabihin sa akin ang mga detalyeng 'yon.  Sa bandang huli ay isang mapa ang ibinigay niya sa akin.  Ngunit nagdududa pa rin ako kung totoo nga ang lahat ng mga nalaman ko.

Napakunot ang noo niya sa nabasa.  Tiningnan naman niya ang katabing papel no'n.

May nakilala ako ngayong araw na nagpatunay sa lahat ng sinabi ng binatang si Fuchugami.  Ngayon ay kumbinsido na ako na hindi nga imposible na totoo ang sinabi niya.  Pero kailangan ko pang maghanap ng mas madaming ebidensiya bago ako humantong sa konklusyon na 'yon.  Dahil kapag nagkataon, isa ito sa magiging pinakamalaking pagkatuklas na magaganap sa kasaysayan ng Pilipinas.

Lalo lang siyang naguluhan sa mga nabasa.  What the heck was this journal talking about?  And who the hell did it belong to?  Kinuha ni Sasha ang isa sa mga papel na nakadikit sa white board at binasa 'yon.

Bumaling siya dito.  "Sa tingin mo ba may kinalaman ang lahat ng 'to sa nangyari kay Shane?"

"We'll know for sure once we knew what all of these actually are."

"Hindi pa ba obvious?  The pictures, the maps, the diagram, that girl was looking for a treasure.  And she must have gotten killed because of it," parang wala lang na wika ni Parker.

"We need to make sure first before we jump to conclusions," wika naman ni Sasha. 

"What's there to think about?  I say we follow the map, then we'll find the killer."

Napaisip siya sa sinabi ni Parker.  At kung pagbabasehan niya ang mga nabasa niya kanina, she could only agree with her.  What was Shane doing chasing treasures?  But if she think carefully about it, she can easily see her friend doing just that.  Graduate ng Athropology si Shane.  She loves relics and all those old stuffs.  Kung makakahanap ito ng mapa na magtuturo dito sa isang kayamanan then she has no doubt that Shane would ran straight to it.  Especially if that treasure has some kind of historic value.  But was that really enough for her to get killed?

"Ley, ayos ka lang ba?" tanong ni Sasha sa kanya na marahil ay napansin ang pananahimik niya. 

"She must be in shock."

"Parker, can you shut up for a while?"

"It's fine," dagli niyang wika bago bumaling kay Parker.  "And I'm not in shock.  I'm not that sensitive.  So what are we going to do with all these?"

"Take a picture of everything.  Then we'll send it to someone who could find answers for us."

Nakapakunot naman ang noo niya sa sinabi ni Sasha.  "Who?"

"Intel.  She's one of my apprentices.  If there's someone who could piece all these information together in an instant, it's her."

"Okay," nawika na lang niya.  Parker was already helping them, adding another one won't hurt.

The Charmed ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon