CHAPTER 69: Sorry, Baby Wayne

723 12 0
                                    

Eirro Wayne's POV

"P-pat, bakit mo naman ginawa yon?" dinig kong sabi ni Thomson.

Ni hindi ko na nagawang sundan pa si Love sa labas dahil nag-iinit ang dugo ko sa mga kasama ko ngayon.

"Patrick! Bakit mo sinipulan si Feya?" tanong ni Kirro.

Hindi ako makapagsalita dahil baka hindi ko mapigil ang sarili kong masapak siya.

Lumapit sakin si Blue at kinalma ako na gumana naman. Nakayukong lumapit sakin si Pat.

"Sorry, pre. Ganito talaga ko e." nahihiya niyang sabi.

Huminga ako ng malalim.

"Nasabi ko naman sa inyo na sensitive si Feya sa mga ganong datingan ng lalaki di ba? Gusto mo bang lumayo sayo yung loob niya? Kada makakarinig siya ng mga ganon ay bumabalik sa alaala niya yung trahedyang muntik nang mangyari sa kanya. Sana naman iniisip mo yon... at kahit kayo. Sa totoo lang pinakikisamahan lang niya kayo pero may trauma na talaga siya sa mga lalaki. So please, don't do that again." mahabang paliwanag ko.

Niyakap ako ni Pat at humingi ng sorry.

"Wag ka sakin mag-sorry, sa kanya." usal ko.

Bumalik sa pagtulog ang iba at kaming dalawa naman ni Pat ay lumabas para hanapin si Love. Bitbit ko ang hinubad niyang jacket.

Ang dahilan kung bakit pinigilan ko siyang hubarin ito dahil naka-sando lang siya at malaking parte sa katawan niya ang expose, p-pero hindi naman nakakabastos. Nakaka-letse lang to si Pat dahil alam nang may boyfriend si Feya tas ginanon pa. 

"Asan kaya siya?" tanong niya pa.

"Pumunta ata siya sa bahay nung matanda kanina. Lika, subukan nating puntahan." wika ko.

Nakita ko pang lumabas ng kubo sina Kirro at Blue at nagtungo sa masukal na gubat. Ano kayang gagawin nila don? Mamaya ko na nga poproblemahin. Yung girlfriend ko nagtatampo pa sakin.

"Wayne, sorry talaga. Nakakahiya yung ginawa ko."

Napatingin ako kay Pat. Mukha namang nagsisisi talaga siya sa ginawa niya. Hindi ko naman siya masisisi dahil ganoon talaga ang ugali niya.

"Sa kanya ka na mag-sorry, mabilis siyang magpatawad." usal ko.

"Hindi ko talaga sinasadya... ang swerte mo kay Feya, napakaganda niya at mabait pa."

"Yeah. Kaya wag mo ng tangkain pang agawin siya sakin."

"Oo naman! Ayokong masira pagkakaibigan natin."

May napansin kaming usok na nanggagaling pa ata sa liblib nitong bundok. Sinundan namin kung saan ito nanggagaling at nakahinga kami ng maluwag dahil may nakita na kaming maliit na kubo mula sa malayo.

"Ayun si Feya Reigh oh!"

Bumaling ako sa itinuro ni Pat. Nakita ko ngang naroon si Feya, may hawak na sandok at nasa harapan ng isang kalan. Ayan ata yung sinasabi niya na tutulungan niyang magluto ang matanda.

Tahimik naming tinungo ang lugar niya. May ilang lalaki na nagsisibak ng kahoy at nag-iigib ng tubig.

Isang babae lang ang nakikita ko at kasama ito ni Love na nagluluto. Siya rin yung nag-aya kay Love na manguha ng kabibe.

"Grabe, di ko alam na may nabubuhay palang tao rito." manghang wika ni Pat.

Sumang-ayon ako sa kanya. Nakakabilib makita ang payak na pamumuhay ng mga tao rito. Kung ako ang tatanungin ay isang araw palang ay bagsak na ko. Hindi ko ata kayang mamuhay sa lugar na hindi ko nakasanaya. Sensitive pa naman ang balat namin ni Kirro at mabilis mamantal once na marumi ang paligid. Kainis Sila Dad dahil hindi kami sinanay sa buhay na to.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon