CHAPTER 22: Dexter Martinez, the Womanizer

3.4K 138 1
                                    

  Kylie's POV! 

 "Dexter! " malakas kong tawag sa kanya. 

Nagulat siya nang makita niya ako dito. Dali-dali ko siyang nilapitan para kausapin.

Aish! Dito ko lang pala sila makikita. Gala talaga ang dalawang to.Naupo ako sa bakanteng upuan sa harap niya. 

 "Dexter, anong nangyayari sa inyo ni Feya? Asan na siya, andito ba siya? "

Nagpalinga-linga ako para hanapin kung nasaang lupalop si Feya. Baka magkasama lang sila at umalis lang si Feya sandali para bilhan si Dex ng maiinom.

Tumingin ako sa kanya nang hindi siya sumasagot sa tanong ko.

"Sagutin mo yung tanong ko. Nasan si Feya? " naiinis kong sabi sa kanya.

Nakayuko lang siya habang hawak ang isang bote ng alak. Natawa ako, imposibleng sagutin ako ng maayos nito dahil lasing na lasing siya. 

Ngayon ko na nga lang siya nakita hindi ko pa siya makausap ng maayos. Pero wala namang masama kung magtatanong ako diba? Girlfriend niya yung best friend ko kaya may karapatan akong magtanong at kulitin siya. 

 "Bakit hindi na kayo pumapasok ni Feya? Masyado kayong nag-eenjoy ah. Hindi pa kayo nang-sama. " pagtatampo ko. 

"Hindi na pumapasok si Babe? " takang tanong niya. 

Dahil sa pag-angat niya ng mukha ay nakita ko ng tuluyan ang kabuuan niya.

Anong nangyari dito? Daig niya pa ang panda sa sobrang kapal ng eyebags niya. Gulo ang buhok at namumula ang mata na halatang walang tulog. Doon ako nagkaroon ng hinala. Siguro nga ay may nangyaring hindi maganda sa pagitan nila ni Feya.  

  Nakaramdam ako ng awa sa itsura niya. Isang beses ko palang ata siya hindi nakikita pero ang laki na ng pinagbago niya. Gusto kong malaman ang tunay na nangyari. 

"May nangyari ba? " direkta kong tanong sa kanya. Malayo lang ang tingin niya at parang may iniisip. "Answer me. " dagdag ko pa. 

"N-nakita ako ni Babe na may kasamang babae. " ramdam ko ang lungkot at pagsisisi sa boses niya. 

"Ano na naman? Hindi mababaw si Feya katulad mo. Hindi mabilis magselos yon, pwera na lang kung may ginagawa kayong hindi maganda ng kasama mong babae. " pagkilatis ko sa kanya. 

 Malungkot siyang tumingin sakin. Tama nga ang hinala ko. Kawawa ang nasa harapan ko ngayon pero mas naaawa ako sa kalagayan ng best friend ko. Hindi ko maimagine yung ganong pangyayari. 

 "Hindi ko sinasadya yon. Masyado ko lang siyang namiss. " paliwanag niya.

Namumuo na ang mga luha sa mata niya. Hindi ko kayang tumingin dahil mabilis akong maiyak sa mga taong mahina at umiiyak rin sa harapan ko. 

"Dapat pinigilan mo dahil may girlfriend ka. Kung ako si Feya ay hindi na kita papatawarin pa. Marumi ka na sa paningin ko. " naiinis kong sabi sa kanya.

Anong karapatan niya para pagtaksilan ang best friend ko. Siya pala ang dahilan kung bakit hindi na pumapasok si Feya. 

"Natatakot ako baka hiwalayan niya ko. " nanginginig niyang sabi.

 "Bakit ka natatakot? Sa pagkakakilala ko sayo ay sanay kang hiwalayan ng mga nakakarelasyon mo. Ano pa bang bago? " sarkastiko kong sabi.

Mas lalong lumala ang lungkot sa mukha niya.

"T-tulungan mo ko, please. Mahal ko si Babe hindi ko kayang mawala siya sakin. Di ko kayang iwan niya ko."

  Napapikit ako ng mariin nang makita kong humihikbi na siya dahil pinipigilan niyang umiyak. Wag kang maawa dyan, Kylie, maling-mali ang ginawa niya. 

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now