CHAPTER 9: No Exam

3.7K 66 0
                                    

FEYA'S POV! 

Hindi ako mapakali sa kwarto ko este namin ni Abby. Pari't-parito ako mabuti na lang at wala si Abby. Magtatanong na naman yun kung ano ang namamagitan samin ni Sir Eirro. Kesyo daw lagi kaming magkasama. Duh! PA kaya ako! Baka nakakalimutan niya. Natural lang na lahi kaming magkasama ni Imma!

 "Argh! Papasok ako ngayon at wala siyang magagawa don! " naiinis kong sabi sa sarili.

Iyon talaga ang pinoproblema ko ngayon.

 Sa ilang minuto kong paikot-ikot dito sa loob ay ngayon ko lang naisipang maligo. Ayaw ko talagang sumama sa kanya dahil may exam kami ngayon sa dalawang subject, Filipino at sa Business management. Grr!

Alam kong PA niya ako pero hindi ibig sabihin nun na hadlang na siya sa pag-aaral ko. Gusto kong makatapos noh! Tatakasan ko siya! 

 Nang makuntento na ako sa sarili ko ay napagpasyahan ko ng lumabas. Naka-tiptoe pa ako habang naglalakad para walang makarinig sakin. 5:30am palang at siguro nasa kitchen na yung mga cook nila.

Walang kaso kung makita nila ako dahil hindi naman nila alam na may usapan kami ni Sir Eirro. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Nakakakaba ang ginagawa ko. Para akong baliw! E sa ayokong mahuli! 

 "Good morning, hija. " 

 Napabalikwas ako sa gulat. Nasapo ko ang aking dibdib habang hinihingal.

Tinignan ko kung sino yon, si Manang Belen pala. Isa sa cook nila. Masarap siya magluto, pang world-class! 

 "Good morning po manang Belen. Nakakagulat naman ho kayo. " natatawa kong bati sa kanya.

Mukhang napansin niya ang pag-iingat ko sa paglalakad kanina dahil nakakunot ang noo niya. 

"Bakit hija? May problema ba? " tanong nito.

Iginiya niya ako papuntang kusina. Umupo ako sa high-stool at binalingan ang niluluto niya. Marami siyang niluluto at hindi ko masabi ang mga pangalan dahil yung iba ay ngayon ko lang nakita. Sinigang at adobong baboy lang ang nakaagaw ng pansin ko. Nakakagutom. 

"Manang, pinapasama ho ako ni Sir Eirro sa mall. Hindi po talaga ako pwede dahil may exam ako ngayon. Kailangan kong bumawi sa grades ko. Graduating pa naman ako." mahabang panimula ko.

 "Tsk! Tsk! Tsk! Kaya pala ang aga mong nagising kasi tatakasan mo siya. Ganun ba? " tanong niya na hindi nakatingin sakin.

Pinagpapatuloy niya ang kanyang pagluluto. Naaaliw ko naman siyang pinapanood. 

 "Ganun na nga ho. Mahirap pong basahin ang nasa isip niya. Hindi ko siya maintindihan minsan. Pero isa lang ang masasabi ko, napaka-bossy at immature niya po. " napapailing kong wika.

Natawa naman siya sa sinabi ko. 

"Kapag siya ang nagdesisyon ay wala kang magagawa. Mapapasunod ka na lang talaga dahil sa mga pagbabanta niya. " makahulugang sabi nito.

Biglang nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya. Yun na ata ang warning sakin ni Sir Eirro kahapon. Nagbanta siya sakin, no, he blackmailed me. 

 "M-manang... may PA po ba siya na nagtagal sa kanya? As in hindi sumuko sa kanya? Meron po ba? " 

"Meron. Matapang ang isang yon at hindi nagpapatalo sa kanya. "

Napakunot ang noo ko. Sabi sakin ni Madam Villa na walang PA ang nagtagal sa Imma na yon, kung meron man ay two weeks. Walang umaabot ng months. 

 'Bakit siya nagsinungaling?' 

"Pwede po bang malaman kung anong pangalan niya? Babae po ba o lalaki? " tanong ko.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon