CHAPTER 61: Awaited Day

2.6K 70 4
                                    

Feya Reigh.

Ito na ang araw na yon. Ang pinakahihintay ng lahat maliban sakin. Sabihin na nating dadalo ako pero dahil sa pilit lang. Alam niyong lahat ang dahilan ko kung bakit ayoko.

Pero at least makakapunta ako.

Hindi ako mapakali sa kwartong ino-okupahan ko. Kasama ang dalawang binabae na nag-aayos sakin. Sa katabing silid naman ay si Kylie. Mas pinili niyang magkahiwalay kaming ayusan para raw surprise. Tch.

"Yes naman! Napakaganda mong bata. "

"Bet kita kay Daniel Padilla. "

Kanina pa ang dalawang to na pumupuri sakin. Kung pwede lang lumaki ang ulo e. Haha.

"Salamat po sa inyo. Kayo ang dahilan kung bakit ako gumanda ng ganito. " pasasalamat ko.

Walang tigil sila sa pagsilip sa mukha at buhok ko. Pati na ang kabuuan ko. Kanina pa naman na ayos pero binabalikang muli nila. Hindi sila mapakali.

"Per. Fect! " masayang wika ng hairstylist.

Hindi mapigil ang ngiti ko. Nabubuhayan ako ng loob na magpakita sa ex ko. Ang sarap sabihin sa kanya na ako nga pala ang sinayang niya. Syempre joke lang.

Muli akong tumingin sa malaking salamin. Mula ulo hanggang paa ay pinasadahan ko. Napangiti ako nang makitang hindi halata ang galos at pasa ko. Ang galing naman nila.

Isa pa sa pinoproblema ko ay ang kaba ko. Hindi na natanggal sakin ang kaba simula pagkagising nung umaga. Parang ako yung ikakasal dahil kinakabahan ako ng sobra. Magkikita na ulit kami.

"Okay Feya, inihanda namin ang napakagandang pares ng heels para sayo. Two inch lang siya para makaya mo. "

Inabot niya sakin ang nakakahon pang sapatos. Nakaupo ko itong binuksan at namangha ako sa ganda nito.

Kulay gray ito at makinang ang kulay dahil sa glitters. Nagmumukha siyang transparent sa malayo. Ang ganda, wala akong masabi kundi maganda.

"Baka mahal to ah. " natatawang sabi ko.

Umalingawngaw ang halinghing nilang dalawa at nag-apir pa.

"Ano ka ba girl! Sayo na yan dahil ang ganda mo ngayon! "

"Wait, kukunan kita ng picture baka sakaling mapasama ka sa magiging model na ipapasok ko.  "

Sinuot ko muna ang heels bago nag-pose. Ipinakita ko ang pinakamatamis kong ngiti sa camera. Naka-ilang shots pa bago niya ako tinigilan.

"Oh pano, tapos na ang trabaho namin dito. Gumora na kayo! "

Niyakap ko sila pareho at muling nagpasalamat. Ang bait nila sakin at thankful ako dahil don.

*Tok tok tok!

"Feya! Aalis na tayo! " boses ni Kylie yon.

Lumabas na ko ng kwarto. Muntik pa kong matumba dahil sa gulat. Nasa may pintuan pa pala si Kylie.

"Wow Feya! Is that you?! " gulat niyang tanong.

Hindi lang naman siya ang nagulat nang makita ang isa't isa. Miski ako ay namangha sa taglay na kaganda at kasexyhan nitong si Kylie. Maganda na nga lalo pang gumanda. Ako kasi ganda lang.

"OH MY G! MAPAPANGANGA LAHAT NG MAKAKAKITA SAYO. " usal niya.

Natawa ako.

"Nako! Baka nga ikaw ang maging center of attraction dun e. "

"Pa-humble! Tch! "

"Umalis na nga tayo! Late na oh! "

Sa baba ay may naghihintay saming magarang sasakyan. Nakaayos din pati ang driver nito. Sa isang kilalang church ang kasal nina Dex. Doon kami didiretso para hintayin ang bride.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon