CHAPTER 13: Alzheimer's disease

3.6K 77 0
                                    

Eirro Wayne's POV! 

Mabuti na lang at nakatulog si Alien sa buong byahe. Hindi ako gaanong narindi sa tining ng boses niya.

Nakaidlip rin ako kanina sa byahe kaya may energy ako ngayon. Nandito na kami sa front desk ng hotel ng Sierra Wanca para kumuha ng room. 

 "Wayne, yung pustahan natin ah, baka makalimutan mo. " bulong sakin ni James. 

 Siniko ko naman siya ng malakas dahil sa inis. 

 "Hindi ko yun makakalimutan hangga't nasa akin si Alien. " banas kong sabi sa kanya. 

"Sinisigurado ko lang. Alam naman nating may alzheimer ka diba? " 

 "Isa pa makakatikim ka na! " Inis akong iniwan siya at dumiretso na sa room ko. 

Papasok na sana ako sa loob nang maalala ko si Alien na nasa lobby pa pala ng hotel. Kung hindi ko lang siya kailangan ay hindi na ako mag-aaksaya ng oras para sunduin siya doon.

Naabutan kong nag-uusap sila ni James. Mukhang sabik na ang mokong na makasama ang alalay ko. 

"Alien! Come on! " tawag ko sa kanya na agad namang bumaling sakin.

 Walang salita siyang sumunod sakin. 

 "Iisa tayo ng kwarto? "

Di makapaniwalang tanong niya nang makarating kami sa tapat ng pinto.  

"Maraming rapist dito, bahala ka. " 

"Isa ka na don. " alam kong bulong lang yon pero rinig ko pa rin. 

Nag-init na naman tuloy ang ulo ko. 

 "Kung gusto mo kumuha ka din ng room mo pero ikaw rin ang magbabayad. Daming arte. " naiinis kong sabi sa kanya. 

 "Hindi na! Kaya kitang pagtiisan. " banas niyang sabi.

Tahimik akong pumasok sa loob ng kwarto ko. Nakasunod naman siya sa likod na manghang-mangha sa ganda ng mga kagamitan. Iba talaga kapag hindi ka sa earth nakatira. 

Tch! Alien! 

Tanging athlete lang talaga ang pwede dito pero nakiusap ako sa organizer na may kasama mahirap na at baka may magawa na naman akong hindi maganda sa sarili ko. Matagal ko ng kilala ang sarili ko at alam kong may mga bagay akong nagagawa at hindi ko iyon mapigilan, napipigilan. 

"Wala akong personal hygienes. Hindi ko ata kayang magtagal dito ng kahit isang oras lang kung wala akong sariling gamit. " reklamo niya.

Napapikit na lang ako ng mariin sa inis. Ano bang akala niya sakin, tanga? Alam ko naman ang kailangan niya , hindi niya na kailangang pagsigawan pa.

 Letse! 

 Ilang oras ko ding inayos ang mga gamit ko. Habang si Alien naman ay nasa veranda. Mabuti na lang at hindi niya ako kinulit habang nag-aayos ako ng mga gamit. Baka hindi ko na siya matansya at sa labas ko siya patulugin mamayang gabi. 

Pagkatapos kong magbihis ay pinuntahan ko na si Alien sa veranda. Nagtaka ako dahil wala akong nadatnan. Kinuha ko muna ang wallet at susi ng kotse ko bago lumabas ng kwarto. 

"Asan ba ang babaeng yon? " bulong ko habang pasakay ng elevator. 

Nakasabay ko pa ang mga sikat ring swimmers na dito din napiling mag-ensayo para sa nalalapit nang laban.

Pagkahinto ng elevator sa ground floor ay nagmamadali akong hinanap si Alien sa lobby ng hotel. Alam kong pagala-gala lang siya dito. 

Nagpatuloy lang ako sa paghanap hanggang sa marating ko ang pinaka-swimming area ng hotel. Hindi nga ako nagkamali. Nakaupo pa siya sa gilid ng jacuzzi habang ang paa niya ay nakalublob sa tubig. 

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now