CHAPTER 56: Rescue

2K 64 0
                                    

Feya Reigh's POV



"Maganda ba dyan sa Dubai? "

[Mas maganda pa rin sa Pilipinas. ]

"Ingat ka dyan palagi ah! Clumsy ka pa naman! " asar ko.

Narinig ko ang hagikgik niya sa kabilang linya. Medyo maingay pero mas rinig pa rin siya.

[Baka ikaw yung clumsy! Kotong ka sakin pagbalik ko dyan! ]

Kotong agad yung gagawin niya sakin pagbalik? How sweet right?

"Hindi ako magpapakita sayo. "

[Hahanapin kita. ]

"Ewan ko sayo! "

[By the way, may gusto ka bang pasalubong? ]

Umiling ako kahit na alam kong hindi niya makikita. Siya nga tumatawa don kahit di ko kita e.

"Di ba nga sabi ko sayo bumalik ka lang ay okay na. "

[Suuus! Namimis mo na ko noh? ]

"Sinong makakamiss sayo e palagi kang tumatawag sakin. " singhal ko.

[Syempre para hindi mo ko mamiss. ]

"Oh edi sinagot mo rin yung tanong mo. "

[Ray! May naghahanap sayo sa lobby! ]

Mukhang daddy niya ang tumawag sa kanya.

"Hoy! Pumunta ka na! Uuwi na rin ako baka naiinip na sakin yung boss ko! "

[Aish! Bitin naman! ]

Anong bitin? May kalahating oras na nga ang usapan namin! Aba! Sumosobra naman ata siya.

"Sige babye na. "

[Bye, tawag ulit ako mamaya. ]

"Mm. "

Ako na ang nagpatay ng tawag. Pinasok agad yung phone ko sa bulsa at nagmadaling bumalik dun sa bench kung saan ko iniwan si Imma.

Nako naman! Napatagal ata ko ng sobra. Mainipin pa naman yon. Ayaw niya sa lahat ay yung pinaghihintay siya. Paniguradong sisigawan niya na naman ako.

Nanghina ako nang wala akong naabutan. Baka dumiretso na siya sa kotse niya at doon na ko hinintay. Tinakbo ang kahabaan ng SWF patungong parking lot. Dahil hindi niya ko sinama kanina sa pag-park ng kotse ay nahihirapan akong hanapin ito ngayon. Asan na ba?

Lakad-takbo na ang ginawa ko pero wala akong pamilyar na kotse na nakikita.

Hindi kaya iniwan niya na ko? Pinuntahan ko yung guard para itanong kung nakalabas na ba yung kotse ni Imma. Siguradong alam niya dahil regular dito si Imma.

"Kuya, umuwi na po ba si Eirro Wayne? "

"Oo hija, kanina pa. "

Bumagsak ang balikat ko sa narinig ko. Nagawa niya na naman akong iwan? Hindi pa rin siya nagbabago.

"S-sige ho, salamat. "

Nanghihina akong naglakad palabas ng tuluyan sa SWF. Pero hindi pa man ako nakakalimang hakbang nang may tumawag sakin at hawakan ako sa balikat.

"Hi Feya. "

Napapikit ako ng mariin nang marinig ang boses na yon. Yung makulit na si Kel na naman.

"Uuwi na ko, Kel. Gabi na. " malamig kong sabi.

Hindi ako nag-abalang humarap sa kanya. Tinanggal ko rin ang pagkakahawak niya sakin.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon