CHAPTER 74: Knowing the Truth

1.8K 59 6
                                    


Eirro Wayne's POV

"Mainam nang malipat sa magandang ospital yan si Feya Reigh. Ayokong manatili siya sa ganitong ospital na kulang sa kagamitan. " mataray na sabi ni Lola.

Nandito silang lahat ngayon sa kwarto ni Love. Lalabas na ngayong araw si Kirro kaya dumiretso sila rito para dalawin si Feya.

Kanina pa pinipilit ni Lola na ilipat na ng ospital si Feya. Kahit pa sinabi na ng doctor na kumpleto naman sila ng kagamitan.

Hayss.. hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ang gulo masyado.

"Akala ko ako ang dadalawin ng Alien mo, ako pala ang dadalaw sa kanya. " malungkot na sabi ni Kirro.

"Ikaw pala ang may kasalanan e! " biro ni Thomson.

Kumpleto ang barkada ngayon dahil pagkauwi nila sa bahay ay magcecelebrate raw sila dahil nakalabas na si Kirro. Natural lang na hindi ako sasama dahil nandito pa sa ospital ang mahal ko. Ayokong magpakasaya kung nahihirapan naman siya dito.

"Nandito na pala si Feya Reigh sa dyaryo. Ang bilis talaga ng balita. " usal ni Dad, may hawak na naman siyang dyaryo at nakadekwatro pa.

"Natural lang na malagay agad si Feya Reigh sa dyaryo dahil sikat siyang model. Baka nga magulat na lang tayo paglabas natin ay may mga reporter na sa labas. " sambit naman ni Lola.

"Wow! Edi makikita kami sa TV? Magiging artista na ko? " sigaw ni Patrick. Binatukan siya ni Dave para manahimik.

Hindi nila alam na ang ginagawa nilang ingay ay maaaring makagising kay Love. Tsk! Nagpapahinga pa ang mahal ko e!

"Eirro Wayne, mauwi ka muna at maligo. Tatlong araw ka na dito. " utos ni Lola.

Umiling ako. "Ayokong umalis dito, baka hanapin ako ni Feya. " pagtanggi ko.

Halata ang pigil na inis sa mukha niya pero pinipigilan niya lang na ilabas. Alam ko naman na kapakanan ko lang ang iniisip niya. Dapat hindi na siya mag-alala dahil kumakain naman ako dito sa tamang oras.

"Pahahatiran na lang kita ng damit sa isa nating kasambahay. " buntong hininga niya na lang na sabi.

"Oh pano, aalis na kami. Mag-ingat ka dito. Tumawag ka na lang kung may problema. " bilin ni Dad.

"Wala ng magiging problema. " bigla kong nasabi.

"Ahm of course, wala na talaga. " nasabi niya na lang.

Lumapit si Kirro at niyakap ako ng mahigpit kahit pa ang kabilang braso niya ay may benda. Bakit kaya bigla na lang siyang naging malambing? Pero okay na rin atleast alam ko na hindi ako nag-iisa.

"Ipagdarasal namin ang mabilisan niyang paggaling. " malalim na sabi ni Dave.

"Oo nga, pupunta ulit kami dito bukas. " si Blue.

"Kung may magic lang ako matagal ko ng pinagaling yan si Feya Reigh. " naiiling namang sabi ni Patrick.

Nailing na lang ako sa kanya. Kahit kailan talaga, kahit anong sitwasyon hindi niya nakakalimutang magpatawa.

"Eirro Wayne, ako na ang bahalang kumausap sa mga pulis about her case. " presinta ni Dad.

Nangiti naman ako. Okay din yon para wala na akong masyadong iisipin.

"Mauna na kami. "

"Sige po, la. " bumaling ako kila Kirro. "Wag kang gagawa ulit ng kalokohan ah! " bilin ko sa kanya at binatukan pa siya.

"Aray! Gusto mo bang magka-brain cancer ako? " reklamo niya.

"Arte nito! Sige umalis na kayo! "

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now