CHAPTER 37: No More Alalay

2.1K 56 0
                                    

Halos hindi ako nakatulog kagabi. Buong magdamag akong kanakabahan, kahit ngayon ay hindi pa rin nawawala ang kaba ko.

Ano ba kasing ginawa ko? Hindi ko naman sinasadya na magulat siya e.

Natatakot rin ako dahil baka makaabot kina Madam Villa ang nagawa ko. Nanlalamig ang mga kamay ko. Natatakot ako baka makaapekto iyon sa kalagayan niya. Kakatapos niya lang maka-operahan. Sana hindi magkatotoo ang iniisip ko.

Pero isa pa sa iniisip ko ay bakit tila hindi niya ako nakilala?

Hayss... baka madilim lang at hindi niya napansing ako to na alalay niya.

"Abby, kamusta na pala kayo ng kano mo? "

Nandito kami ngayon sa hideout namin. Walang magawa dahil kakatapos lang sa gawaing mansion.

"Ayun, hindi na nagparamdam sakin. " wika niya na ang tingin ay sa phone niya.

"Ayy? Akala ko pa naman kayo na. " naiiling kong sabi.

Naupo siya mula sa pagkakahiga at masinsinan akong tiningnan.

"E ikaw? Kamusta naman kayo ng jowa mong labanos? "

Nabigla ako.

Pilit ko na ngang hindi inaalala yung lalaking yon pero pinaalala niya pa. Sabagay... wala pa pala siyang alam sa paghihiwalay namin. Wala pa siyang alam sa lahat-lahat.

Sasabihin ko pa ba? Baka maiyak ulit ako. Sige kokontian ko na lang.

"Wala na kami... kahapon lang. " malungkot na wiko.

Sumikip na naman ang dibdib ko nang maalala ang paghihiwalay namin. Iniwan ko lang siya doon sa parke na nakaluhod. Sana ay maayos na siya ngayon.

May concern pa rin ako sa kanya kahit papano. Naging parte siya ng buhay ko at hindi basta-basta ang pinagsamahan namin.

"Awww... sorry, Feya. Okay ka na ba ngayon? " malungkot ding tanong niya.

"Mm. Hindi ko siya kakalimutan pero gusto kong malimutan yung mga ginawa niya. "

"Makakahanap ka rin ng mas higit pa sa kanya. "

"Maghahanap muna ko ng work. "

Sabay kaming natawa sa sagot ko. Totoo naman kasi. Mas uunahin ko pang maghanap ng kompanyang papasukan ko kesa sa mga lalaki na yan. Marami niyan sa mundo at free pa.

"Nga pala... nagkita na ba kayo ni Sir Eirro? "

Kinabahan na naman ako. Bakit ba kapag naririnig ko ang pangalan niya ay tumitibok ng ganito ang puso ko? May nagawa nga pala ko sa kanya.

"Kung alam mo lang! Nahulog siya sa pool nang tawagin ko siya. Nakakahiya grabe! " namumulang sabi ko.

Nanlaki naman ang mata niya at hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Hala ka! Patay ka na naman dun! " nababahalang wika niya.

Nasapo ko ang noo ko sa kaba. Imbis na i-cheer ako ng babaeng to ay mas tinatakot pa ko e.

"Hihingi na lang ako ng sorry pag nagkita kami. "

Lumabas akong hideout namin at dumiretso sa labas. Nandun kasi si Copper malapit sa garden. Dinalhan ko lang siya ng dog food. Paniguradong gutom na to.

"Hello baby boy. Maayos ka bang nakatulog kagabi? " bati ko sa kanya.

Kinalong ko siya sa lap ko. Dinilaan niya ang pisngi ko nang yakapin ko siya.

Eww.. haha.

"Kain ka na. "

Pinapanood ko lang siyang kumain nang maghabulan sa harapan namin sina Silver and Gold. Lalong lumusog ang mga ito.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon