CHAPTER 58: I'm so Sorry, Alien

2.6K 83 2
                                    

Eirro Wayne's POV

Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na ito. Hindi pa rin siya gumigising. Nagkaroon ng mga pasa ang kanyang mukha at mga braso.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nangyari ang bagay na ito. Hindi ko lubos maisip na mauuwi kami sa ganito.

Gusto ko lang naman malaman niya na nagseselos ako dahil sa Rayvick niya. Hindi ko intensyon na ipahamak siya. Kung alam niyo lang kung gaano ako nagsisisi.

Isa at kalahating araw na rin siyang hindi gumisiging. Sabi ng doctor na nagpapahinga lang daw ang katawan niya dahil sa labis na trauma. Anytime ay pwede na siyang magising at iyon ang inaabangan ko ngayon.

Lumapit ako sa kama niya at tinitigan ang mukha niyang himbing sa pagtulog. Naupo ako sa upuan na katabi ng kama niya at hinawakan ang kanyang kamay.

Naiisip ko palang na ako ang dahilan kung bakit ito nangyari sa kanya ay hindi ko na mapigil na magalit din sa sarili ko. Nagpabaya ako. Napakasama kong boss sa kanya.

"I'm so sorry, Feya... Tatanggapin ko lahat ng galit mo sakin basta magising ka na. "

Naramdaman kong namumuo na naman ang luha sa aking mata. Tumingala ako upang hindi ito tumulo. Ayokong nakikita niya kong umiiyak. Pakiramdam ko ay napakahina kong tao pagdating sa kanya pero yun naman talaga ang totoo.

Kahit anong pigil ko sa nararamdaman ko para sa kanya ay mas lalo lang itong lumalala. Sa bawat araw na hindi ko siya nakikita ay parusa na sakin. Pano pa kaya kapag umalis na siya at iwan niya na ko dahil hindi na siya makatagal sa ugali ko.

Hindi ako karapat-dapat sa kanya.

"Alien... gumising ka na please... "

Suminghot ako at pinigilang humikbi. Hindi ko na kaya yung ganito. Dapat ako yung nasa kalagayan niya ngayon dahil hindi niya deserve yan.

Marahan kong hinawakan ang pisngi niya. Alam kong labis siyang nasaktan sa kamay ng mga hayop na yon. Parang hindi pa rin ako payag na makulong lang sila, gusto kong bugbugin sila araw-araw dahil sa ginawa nila kay Feya.

"Pangako magbabago na ko... basta gumising ka lang dyan. "

"Hindi kasi ako matahimik kapag hindi kita nakikitang gising. Parang awa mo na, Feya. "

Huminga ako ng malalim ay pinunasan ang luhang tumulo sa aking pisngi. Ang hirap magpigil ng paghinga.

"Nga pala, may kasalanan ako sayo. Sinabi ko sa kanila na girlfriend kita... don't worry, babawiin ko yon once na magising ka na. Inaasar kasi ako palagi ni Kirro e. "

Natawa ako sa sarili ko. Para na kong baliw dito. Pero okay lang at least para malaman niya na hindi siya nag-iisa sa kwarto na to.

Naramdaman kong gumalaw ang kamay niyang hawak ko. Napatitig ako sa kanya at pinanood siya kung gigising na ba siya.

Unti-unting dumilat ang mga mata niya at nagpalinga-linga sa paligid bago ako binalingan. Inalis niyang muli ang tingin niya sakin at pinagmasdan ang sarili.

"Sir Eirro... " humihikbi niyang wika.

Mas lumapit ako sa kanya at inalo siya.

"Sshh.. sorry. Sorry, Feya Reigh. Fuck! Sorry. "

Wala akong ibang marinig sa kanya kung hindi hikbi. Umiiyak siya ng labis.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hinahanda ko ang sarili ko para sa pagsigaw at pagsisi niya sakin. Gusto kong ako ang sisihin niya dito dahil ako naman talaga ang may kasalanan.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon