CHAPTER 81: Kirro's Confession

2.1K 57 26
                                    

Kirro Zayne's POV

"Feyaaaa! Wake up! "

Sa mga oras na ito ay hindi namin alam ang gagawin namin sa sobrang pagkabigla. Purong kaba at takot lang ang nararamdaman namin sa mga oras na ito. Takot na baka mawala samin ang mga bata.

"Ano pang tinutunganga niyo?! D-dalhin niyo na siya sa ospital! " umiiyak na sabi ni Lola na panay ang haplos sa pisngi ni Feya Reigh.

Masama akong tumingin kay Wayne. Di ko inexpect na magagawa niya ang bagay na to sa pinakamamahal niya. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya ngayon at halata sa mukha niya na binabagabag siya ngayon ng takot at konsensya.

"La, maiwan na kayo dito. " sambit ko at maingat na binuhat si Feya na naliligo na sa sariling dugo. Walang malay at namumutla na.

"Wayne! Ano pang ginagawa mo dyan? Paandarin mo na yung kotse! " sigaw ko na nakapagpabalik sa katinuan niya.

Mabilis siyang tumakbo palabas ng bahay at tinungo ang garahe. Nilabas ko na si Feya habang nakasunod pa rin si Lola na walang humpay sa pag-iyak. Naiintindihan ko siya. Miski ako ay natatakot na mawalan ng pamangkin na dati ko pa pinapangarap.

"Mag-iingat kayo! " sigaw samin ni Lola nang makapasok kami sa loob ng sasakyan.

Natataranta kaming lahat. Nanginginig at parang hindi mo makakausap. Sobrang nag-aalala kami sa kalagayan ngayon ni Feya Reigh at ng triplets. Kinakabahan akong harapin ang doktor at ibalita ang mga komplikasyon. Daig ko pa ang ama ng mga bata.

"Wayne! Faster! Mauubusan na siya ng dugo! " singhal ko.

Hindi siya nagreklamo sa pagsigaw ko sa kanya at sinunod na lang ang gusto ko. Wala siyang karapatang magreklamo ngayon dahil siya ang may kasalanan ng lahat ng ito. Napaka-iresponsable niyang boyfriend kay Feya.

Pagkarating namin sa tapat ng ospital ay kaagad bumaba ng kotse si Wayne at nagmadaling binuksan ang back door kung saan kami nakaupo. Siya na ang pinagbuhat ko kay Feya na hindi na nag-inarte kahit puno ito ng dugo. Ang mahalaga ay madala na agad siya sa emergency room.

"What happened? " tanong ng doktor nang mailagay siya sa stretcher. Maraming nurse ang tumitingin na sa kanya niya ngayon.

"Doc, she's pregnant at nahulog siya sa hagdan. Maraming nawalang dugo sa kanya doon palang sa bahay. Please doc, save them. " pakiusap ko.

Tumango lang siya bago sinuri si Feya. Dahil hindi na kami pwedeng pumasok sa loob ng ER ay naghintay na lang kami dito sa labas. Pareho kaming hinihingal ni Wayne at tagaktak din ang pawis namin. May mantsa ng dugo ang parehong puti naming damit.

Tumabi siya sakin at nakita ko kung paano manginig ang tuhod at kamay niya na kakapit sa dingding. Takot na takot talaga siya sa pangyayaring yon kaya marahil ay hindi siya agad nakakilos ng mabilis para tulungan si Feya dahil nasa panahon siya ng pagkabigla.

"Pray for your triplets, Wayne. " habol hininga kong sabi.

Nagbaba siya ng tingin. May kung anong tubig sa mata niya namumuo. Naiiyak ba siya? Dapat lang. Dahil sa kanya ay nalagay sa peligro ang buhay ng mga anak at mahal niya. Baka patayin niya pa ang sarili niya kung sakaling hindi siya nakalimot kay Feya. Dahil ang alam kong Wayne na wala ng sakit ay mahal na mahal ang girlfriend niya.

"H-hindi ko sinasadya... " nauutal niyang sabi.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Ganito kami magdamayan. Kapag siya ang yumayakap sakin ay gumagaan ang pakiramdam ko, sana ay siya rin.

"Tama na. Nangyari na ang nangyari. " kalmado ko ng banggit.

Kahit gaano pa kademonyo ang isang tao ay may tinatago pa rin silang konsenya. Napatunayan kong may feelings pa rin siya kay Feya kahit wala itong naaalala. Ibig sabihin ay may pag-asang mahalin niya ito ng sobra kung sakaling hindi na nga bumalik ang memorya niya.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora