CHAPTER 63: Twin Brothers Bonding

635 19 0
                                    

Eirro Wayne's POV

"Baby Wayne! Nakita mo ba yung cudberry ko? "

Binato ko siya ng throw pillow dahil sa inis. Nakasanayan niya nang tawagin akong Baby Wayne! At naiinis ako dahil don. Sinisira niya palagi yung araw ko everytime na tinatawag niya ko non. Damn and bullshit!

"Umalis ka nga sa harap ko, Kirro! Konti na lang hindi na kita matatansya! " sigaw ko sa kanya.

Umikot siya sa hinihigaan kong sofa at hinulog sakin yung apat na unan.

"Fuck you! "

Dahil sa inis ko ay hinabol ko siya na kaagad namang tumakbo rin ng mabilis.

Pumunta siya sa garden kaya mabilis ko siyang pinuntahan. Nang hindi ko siya maabutan ay tumakbo naman siya papuntang swimming pool. Nagkaroon ako ng pagkakataon na mas bilisan pa ang takbo at ihulog siya sa tubig.

One down!

Hinihingal ko siyang pinanood.

"Pinagod mo kong hangal ka! "

Hinubad niya ang damit niya at binato sakin kaya nabasa rin ako. Nagtiim ang bagang ko sa galit. Ubos na ang pasensya ko.

Inis kong hinubad din ang damit ko at lumusong sa tubig.

Lumangoy siya palayo pero dahil mabagal siya ay naabutan ko siya. Baka nakakalimutan niyang magaling akong magswimming.

"Baby Wayne! Sorry na! Hindi na kita tatawaging baby Wayne kahit kailan. "

Dahil narinig ko na naman ang tawag niya sakin ay nilublob ko siya sa tubig ng matagal at muli siyang inahon. Sunod ay binatukan ko siya.

"Hindi na kita kapatid. " banas kong sabi.

"Sorry na nga e! " natatawa niyang sabi.

"Hindi ako tumatanggap ng sorry galing sayo! Hangal ka! " banas kong sabi.

"Okay fine! "

Muli ko siyang nilublob ng matagal pero sinigurado kong hindi siya malulunod.

"Magpakalbo ka bilang bayad a sakin. " utos ko.

"WHAT THE! Edi hindi na tayo magkamukha! " inis niyang sabi.

Sabay pa kaming napahilamos dahil lumalabo na ang paningin ko sa tubig.

"Magpakalbo ka na kasi! Tignan natin kung bagay. " natatawa ko ng sabi.

Inalis niya ang kamay ko sa batok niya at lumangoy palayo. Hindi ko na siya sinundan dahil napapagod na ko.

"Ayoko nga! Hindi bagay sakin! "

"Magpapakalbo rin ako kapag bagay sayo. "

Wala na! Huminahon na ang boses ko. Kapag nangyayari kasi yon it means bati na kami. Aish!

"Naiinggit ka lang sa kagwapuhan ko kaya gusto mo kong magpakalbo! " sigaw niya.

Sumandal ako sa pader ng pool at dinantay ang kamay ko sa edge ng pool.

"Baliw ka na. Mas gwapo ako sayo. "

Umahon na ko dahil nakaramdam na agad ako ng lamig.

"Hoy baby Wayne! Don't leave me! "

Hindi ko na siya pinansin. Kahit basang-basa ako ay pumasok pa rin ako sa loob ng mansion. Bahala na ang mga katulong na magpunas ng mga tulo ko hanggang sa labas ng kwarto ko.

Dapat dito kay Kirro Zayne ay hindi pinapansin ng ilang araw e. Pero kapag ginanon ko naman siya ay mas lalo siyang lumalala. Nakakapagod na siya.

"Baby Wayne! Sabay tayong maligo! "

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon