CHAPTER 40: Imma's Rule

2.8K 81 0
                                    

Feya Reigh's POV

Maaga akong nagising. Papasikat palang ang araw ay nakaayos na ako.

Sinilip ko si Abby na himbing pang natutulog sa kama niya. Lumabas na ako ng kwarto namin at dumiretso sa kusina para mag-almusal.

"Good morning, nay Belen. " bati ko.

Kasalukuyan siyang nagluluto ng hot cake. Sa kabilang stove naman ay may sinangag at fried eggs.

"Good morning sa iyo. Gusto mong timplahan kita ng gatas? " tanong niya.

Mabilis akong umiling, nakakahiya.

"Wag na po, ako na po ang gagawa. " wika ko.

Tumungo ako at nagtimpla ng sarili kong gatas. May nakita rin akong toasted bread kaya kumuha ako ng dalawa. Pagkatapos ay umupo ako sa mataas na upuan dito sa counter ng kusina.

"Ang aga mo atang nagising, anong meron? " tanong nito.

Busy siya sa kaliwa't kanan niyang niluluto.

"Mm.. maaga kasi akong natulog kagabi. "

"Mabuti naman at maaga ka ng natutulog, pansin ko kasing hindi ka na tumatangkad e. "

Napatanga ako. Hala! Di nga? Nakakahiya naman. Pero sa tingin ko naman ay sakto lang ang tangkad ko para sa edad ko. Okay na ko dito. Just imagine hanggang balikat lang ako ni Imma. Tsk! Tangkad kasi ng kapreng yun e.

"Iinom ako ng pampatangkad. " wala sa sariling sabi ko.

Natawa si Nay Belen sa tinuran ko.

"Bata ka, wag na. Kulang ka lang sa vitamins at tulog. Wag ka ring magpa-stress. " bilin nito.

Tumango-tango ako habang kinakain ang pagkain ko.

Naalala ko bigla ang usapan namin ni Imma. Sabihin ko kaya kay Nay Belen? Hindi naman siya bago sakin at hindi naman sikreto ang sasabihin ko.

"Nay Belen... alalay na ulit ako ni Sir Wayne. " balita ko sa kanya.

Sandali siyang napatingin sakin bago ulit bumalik sa ginagawa.

"Pumayag ka? " takang tanong niya.

Tumikhim ako.

"Kailangan po e. Papalayasin niya kasi ako kaya sinabi ko sa kanyang gagawin ko lahat ng ipag-uutos niya. " paliwanag ko.

Bumuntong hininga siya at umiling.

"Ayaw mo pa bang magtrabaho, hija? May pangarap ka di ba? Kung ako sayo ay hindi ko sasayangin ang panahon ko sa loob nitong mansion. Mas pipiliin kong pakinabangan ang kursong natapos ko kesa manatili dito. " malalim na sabi niya.

Napaisip ako dahil don. Sa totoo lang yun din ang iniisip ko. Parehas kami ng iniisip pero mas nangingibabaw talagang gusto kong mag-stay dito sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

"Siguro po magtatrabaho ako kay Sir Wayne at the same time ay sa kompanya nila. Balak kong mag-ipon dahil gusto ko ring magkaroon ng sariling kompanya. "

"Oh ayun naman pala e. Maganda yang hangarin mo pero sana wag kang makalimot kung saan ka nagmula. " tugon nito.

Bahagya akong napatango.

"Yun na nga lang po ang magagawa ko. Kailangan ko ring makaahon sa hirap kahit papaano. "

Matagal pa kaming nag-usap ni Nay Belen. Tinulungan ko rin siyang ihanda ang mga pagkain sa dining table.

Nang matapos kami sa paghahanda ay saktong may mga yabag na kaming naririnig mula sa itaas. Mukhang gising na ang mga Ejercito.

"Hija, dumito ka. "

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now