CHAPTER 49: Because of the Keychain

2.6K 70 1
                                    

Eirro Wayne's POV

Naggising ako nang may maramdaman akong malikot sa tabi ko. Gising na ang diwa ko pero ayaw pa ring dumilat ng mga mata ko. Sumasakit ang ulo ko.

Tuluyan na kong dumilat nang may gumalaw ulit sa tabi ko. Magkasalubong ang kilay kong tinignan ito.

"WHAT THE FUCK? "

Nakangiwi akong nakatingin sa babaeng natutulog sa kama ko. Mabilis na uminit ang ulo ko nakadagdag pa ang mahinang hangover na nararamdaman ko.

Tinapik ko ang braso niya para gisingin siya.

The hell! Wala pang natutulog dito sa kama ko even Kirro Zayne! Bukod sa ayokong may pumapasok dito ay ayoko ring may nangingielam ng gamit ko. The worst thing is, ayokong may natutulog sa kama ko. Kahit na sino!

"Hey! Wake up! " iritado kong sabi.

Bakit ba ang tagal niyang magising? Parang mantika kung matulog. Tss!

Dahil nawawalan na ko ng pasensya ay malakas ko na siyang niyugyog.

Nagising siya at nag-inat. Mukhang hindi niya pa alam na nasa ibang kwarto siya natulog.

"Hoy. "

Dahan-dahan siyang tumingin sakin at nanlalaki ang mga matang inilibot ang tingin sa buong kwarto ko.

"Why are you here in my room? "

Nagmadali siyang bumangon at nahihiyang tumingin sakin.

"Sorry sir, nakatulog ako. " mabilisan niyang sabi at sabay takbo palabas.

Napabuntong hininga ako at tuluyan nang bumangon sa kama ko. Nagtungo ako sa banyo upang mag-ayos. Nang matapos ako ay tsaka ako bumaba.

"Tch! Second day of being alone. " bulong ko sa sarili ko.

Nagtungo ako sa kusina para magtimpla ng hot chocolate. Kumuha rin ako ng bread and strawberry jam tsaka ako nagtungo sa sala.

Binuksan ko ang TV at inilipat ito sa sports channel. Papanoorin ko yung huling laban ng favorite kong basketball team.

"Sir Eirro. "

Nabaling ang paningin ko sa babaeng nakitulog sa kama ko. Masabi nga agad sa katulong na palitan yung bedsheet ko and also my comforter. Baka may kung anong sakit tong babaeng to, mahawa pa ako. Hindi ako maarte, sensitive lang.

"Sir Eirro! " muli niyang tawag sakin.

Nagsalubong na naman ang mga kilay ko. Ilang beses ko ba sasabihin sa kanya na Wayne ang itawag niya sakin. Nakakairita ang Eirro!

"Bakit ba?! " banas kong sabi sa kanya.

Pumunta pa siya sa harapan ko at inilagay ang kamay niya sa kanyang bewang. Parang sinisermonan ako.

"Magluluto ba ako? Kakain ka di ba? "

"Mag-oorder na lang ako kesa kainin yung iluluto mo. " mataray kong sabi.

Napanguso siya at tumabi sakin. As in tabi talaga! Ano bang problema ng babaeng ito?

"Can you please stay away from me? " iritado kong sabi.

Umusog siya ng kaunti at ginawang busy ang sarili sa panonood ng tv. Itinaas niya pa ang kanyang dalawang paa sa center table. What the hell?

"Hoy! Wag ka ngang mag feeling boss dito! " singhal ko.

"Nagtaas lang ng paa, feeling boss na agad?! " mangha niyang sabi sakin.

Nainis ako sa tono niya. Binigyan ko siyang ng masamang tingin pero hindi niya ito pinansin. The worst ay ngumisi pa siya sakin.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon