CHAPTER 24: Where is She?

3.6K 100 0
                                    

Eirro Wayne's POV!

Nagising ako nang may bahagyang gumalaw sa tabi ko. Nagmulat agad ako ng mata para tignan kung gising na ba siya.

Nakita kong didilat na ang mata niya kaya mabilis kong tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kanya.

Tumayo ako at pinaghalukipkip ang mga braso ko. Kailangan kong umacting na galit ako sa kanya.

"How was your feeling? " tanong ko nang tuluyan na siyang dumilat.

Nagpalinga-linga siya na wari'y tinitignan kung nasaan ba siya. Tss.

"Hihintayin kong gumaling ka bago kita balingan ng galit... pero ito lang ang masasabi ko ngayon.... di ko gusto ang ginawa mo. "

Umirap ako sa kanya bago tumungo sa nakahandang lamesa. Pinuno ko ito kagabi ng mga prutas at nag-utos din ako na maglagay dito ng water dispenser.

"Sir... " nabasag ang boses niya kaya mabilis ko siyang nilingon.

Nakita kong mabilis na nangilid ang mga luha sa mata niya. Fuck.

"What? May masakit ba? " nag-aalala kong tanong sa kanya.

Sinubukan niyang umupo kaya kaagad akong dumulog para tulungan siya. Sinandal niya ang likuran niya habang pinagmamasdan ang mga aparato sa katawan niya.

Nabaling ang tingin ko sa mga luhang tuluyan ng bumagsak sa kanyang pisngi. Parang tanga lang akong nakatayo rito at hindi man lang siya malapitan.

"N-nahanap mo ko? " seryoso niyang tanong sakin.

Nag-iwas ako ng tingin nang diretso na siyang tumingin sakin. Damn! Kailan pa ko naging hindi komportable sa tingin niya.

Tumikhim ako bago nagsalita.

"Your friend, Kylie told me. "

Tumango siya. Naglakbay ulit ang mga luha sa pisngi niya. Napapikit ako at tumalikod sa kanya. Hindi ko siya kayang makitang ganyan. Nasasaktan din ako.

"I'll go outside... umiyak ka lang kung yan ang magpapabuti ng kalagayan mo. " buntong hininga ko.

Naglakad na ko papuntang pinto.

Narinig ko siyang humikbi bago ko ito isara. Damn that asshole! Dapat pala ay pinatay ko na siya nung nagpakita siya dito. Habang naiisip kong buhay pa siya at nagpagala-gala lang ay naghuhumerantado na ang kalamnan ko.

I hate this feeling to the point na kahit may kumalabit lang sakin ay baka maging paralysed sa sasapitin niya sakin.

Naupo lang ako sa bench na malapit sa kwarto niya. Huminga ako ng malalim sa mga naiisip ko.

Hayss.. after 30 minutes siguro ay pwede na kong bumalik sa loob. Gusto ko lang na mapag-isa muna siya dahil tingin ko ay nahihiya siyang magbuhos ng emosyon sakin.

Hinayaan ko lang siya na mailabas lahat ng sakit sa puso niya para maginhawaan siya. Hinilig ko ang ulo ko sa sandalan ng upuan.

*Kruuuuuuk~~

Napahawak ako sa tiyan ko nang malakas itong kumulo. Napatingin pa ko kung may tao dahil nakakahiya kung marinig nila.

Kaunti lang kasi ang kinain ko kagabi dahil wala akong gana sa hindi ko malamang dahilan. Tatayo na sana ako para pumasok sa loob nang may isang kamay na pumigil sa braso ko.

It was Omar, wearing his big smile. Tch.

"Good morning, sir. " magiliw niyang bati sakin.

Tinaas ko ang isa kong kilay.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon