CHAPTER 72: Good News and Bad News

2K 58 13
                                    

Feya Reigh

Normal na araw lang ngayon. Wala namang mga espesyal na nangyari. Hindi muna ako pumasok sa opisina dahil dadalawin ko yung mga magulang ko sa puntod. Araw ng mga kaluluwa ngayon... ang bilis ng araw.

"Ma'am, dadalhin niyo po ba yung pinagawa niyong sandwich?"tanong ni Pia, isang kasambahay.

"Yes, please. Pakilagay na lang sa tupperware."

Bumalik ako sa ginagawa kong paglagay ng mga kandila sa loob ng bag. Nag-order na rin ako ng bulaklak sa kakilala kong flower shop. Dadaanan ko na lang mamaya.

"Ma'am, okay na po." wika ulit ni Pia, dala niya na ang tupperware.

"Thanks."

Maayos na ang lahat at hinihintay ko na lang si Love. Sasamahan niya raw akong bumisita kina Mama't Papa.

Inaliw ko lang ang sarili ko habang naghihintay. Ilang minuto na kasi ang nakalilipas ngunit wala pa rin siya. Ngayon lang siya na-late sa tinagal naming pagsasama. Ano kayang nangyari don?

*Phone ringing

Kinuha ko sa pouch yung phone ko. Si Love ang tumatawag.

"Asan ka na?" tanong ko.

"Love, hindi kita masasamahan ngayon. May nangyari kay Kirro, nasa ospital siya ngayon. Sorry hindi kita natawagan agad." natataranta niyang sabi.

Kinabahan naman agad ako sa binalita niya. Napahawak pa ako sa dibdib ko.

"Anong nangyari sa kanya? Malala ba?" nag-aalala kong tanong.

"Hindi naman serious sabi ng doktor. Nahulog kasi siya sa veranda sa hindi ko malamang dahilan."

"Ha? Ah-eh, okay na ba siya?"

"Yap, nasa loob si Dad, binabantayan siya. Aalis din si Dad kaya walang magbabantay kay Kirro. Tatawagan ko na lang sina James para may bantay siya at nang masamahan kita." suhestyon niya.

Oo nga pala, speaking of walang kasama.

"Wag na, kaya ko naman. Bantayan mo na lang si Kirro dyan. Mas kailangan ka niya." mahinahon kong sabi.

Sandaling natahimik sa kabilang linya kaya kinabahan na naman ako.

"Hello?" muli kong tawag.

"Sorry, kinausap lang ako ni Dad. Sigurado ka bang kaya mo? Baka mapano ka ah."

"Ano ka ba! Kaya ko ang sarili ko noh. Magpapasama na lang ako kay Pia." paliwanag ko.

Narinig ko siyang bumuntong hininga.

"Samahan na kaya kita? Papuntahin ko na lang si Blue o kaya si James. Nag-aalala ako sayo e. " Nangangamba nga ang boses niya.

"Kaya ko nga.. promise. Wag ka ng mag-alala, bantayan mo na si Kirro. Bye na." mahinahon kong sabi.

Hindi na siya nakapalag nang patayin ko na ang tawag. Mahaba akong napabuntong hininga.

Kaya pala siya matagal, may nangyari pala. Si Pia na lang ang isasama ko.

"Piaaaa!" tawag ko sa kanya.

Tumatakbo siyang nagtungo agad sakin.

"Bakit ma'am?"

"Samahan mo ko sa sementeryo."

"H-ha? Bakit ma'am? Wala si sir Wayne?" takang tanong niya.

"Binabantayan niya si Ki---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla akong nakaramdam na parang nasusuka ako. Kaagad akong tumungo sa sink, sinundan naman ako ni Pia.

Hawak ko ang tiyan ko habang sumusuka ako. Humihilab ang tiyan ko, panay naman ang hagod ni Pia sa likod ko. Ang sakit ng tiyan ko at parang mga bituka ko na ang maisusuka ko.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now