CHAPTER 29: Dare Me Again

2.9K 98 8
                                    

Feya Reigh's POV!

Umaga na nang magising ako. Nakabawi naman na ako ng tulog. Hindi ko pa rin talaga makalimutan yung mga nangyari samin sa Batanes, kahit na wala namang masamang nangyari sakin. Inaalala ko pa rin yung mga kaibigan ko. Sana ay magaling na sila. Pati si Sir Zayne ay napuruhan. Ano kayang magiging reaksyon ni Sir Dennis dito.

"Feya! Wala ba talaga kong pasalubong? " nagdadambog na sabi ni Abby.

Nandito kami ngayon sa garden. Sinamahan ko lang na maglinis itong si Abby. In fairness, ang sayang maglinis dito lalo na't nakakatuwa ang mga alagang rabbit ni Imma. Sina Gold and Silver .

"Sorry talaga, Abby. Hindi ko naman kasi inakalang ganun ang mangyayari samin. Halos hindi nga namin nalibot ang buong Batanes e. " malungkot kong wika.

Nakwento ko naman sa kanya yung buong pangyayari. Natakot dim siya dahil baka sundan kami dito sa Laguna. Sana hindi na.

"Baliw naman kasi yang si James e. Bakit ganun yung dare niya. " inis niyang sabi.

Pinagpatuloy ko lang ang paggupit ng halaman. Siya naman ay nagdidilig.

"Abby, wala ngang may alam na ganun ang mangyayari. Hindi namin ginusto yon, okay? " paliwanag ko sa kanya.

Nangako pa naman ako sa kanya. Pero anong magagawa ko, hindi kami nagtagal dun sa Batanes. Super worst outing ever!

"Okay fine. Sa susunod na lang. " umiiling niyang sabi.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Papasok na ako bukas. " pag iiba ko.

Tumingin siya sakin nang nakataas ang kilay.

"Grabe! Hindi ko alam kung makakapasa ka pa. Umabsent ka dahil sumama ka sa Sierra tapos nawala ka dahil broken ka. Sa tingin mo makaka graduate ka pa? " natatawa niyang sabi.

Napaisip ako. Oo nga naman, ang dami ko ng absent. Graduating pa naman ako. Sobrang nahuhuli na ako sa klase.

Ano na bang mangyayari sa buhay ko? Gusto kong mag business. Argh! Anong gagawin ko?

"Pano yan? Sana pagbigyan ako ng mga prof ko. " malungkot kong wika.

"Kumuha ka ng special test. " suhestyon niya.

"Susubukan ko. "

Nang matapos kaming maglinis ay pumasok na agad ako sa loob. Dumiretso ako sa kwarto para kuhanin ang mga gamit ko sa pag-aaral. Gagawin ko yung mga hindi ko natapos na projects at assignment.

Oo nahuhuli na ko pero hindi ibig sabihin na hindi ko na gagawin yung mga responsibilidad ko bilang estudyante.

Nakaligo naman na ako kaninang umaga. Pagkatapos kong makuha lahat ng gamit ko ay dumiretso ako sa swimming area. Nilapag ko lahat ng gamit ko sa isang bilog na lamesa. Nag-umpisa na akong gawin ang una kong assignment.

"Hoy Alien! "

Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Imma, nagsu-swimming. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy na lang ang ginagawa ko.

"Hoy Alien! Tinatawag kita a! " inis niyang wika.

Bumaling ako sa kanya at tinaas ang kilay ko.

"Bakit ba? Kita mong may ginagawa ako diba? " iritadong tanong ko.

Lalong nainis ang itsura niya sa sinabi ko.

"What the fuck? Hoy baka nakakalimutan mong amo mo ko! " sigaw niya sakin.

Pumikit ako ng mariin at galit siyang tinitigan.

"Okay fine! Ano bang maipaglilingkod ko? BOSS? " in-emphasized ko talaga yung salitang boss sa kanya.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now