CHAPTER 71: Wild and Free

2.2K 52 6
                                    

Feya Reigh

Nagising ako nang may maramdamang naglalaro sa mukha ko. Dahan-dahan kong minulat ang mata at nakita ko nga ang natatanging gwapong nilalang na nakilala ko. Abot-tenga ang ngiti niya habang hinahaplos ang pisngi ko.

"Good evening, love. It's time to eat." sabi niya.

Kinusot ko ang mata ko at nag-inat tsaka ako bumangon.

"Anong oras na ba?" tanong ko.

"It's already 7 o'clock in the evening."

"Bakit ngayon mo lang ako ginising?" kunot-noong tanong ko.

Bumangon din siya at naupo sa tabi ko.

"Kakagising ko lang din." malambing niyang sabi.

Marahan lang akong tumango. Tumayo ako at nagtungo sa loob ng banyo. Matapos kong gawin ang dapat gawin din ay nagtungo na ko sa labas. Naiwan naman si Love sa loob na gumagamit pa ng banyo.

"Feya Reigh!" napalingon ako sa tumawag sakin. Si Blue, kasama niya si Kirro at James, lumapit ako sa kanila.

"Nagugutom na ko." reklamo ko habang nakahawak sa tiyan.

Tumawa sila pareho na lalong nakapagpasimangot sakin.

"Nandon na sila lahat sa resto na katapat lang nitong hotel." si Blue.

"Sumama ka na samin, sabay na tayong pumunta don." si James naman.

"Asan ba yung, baby Wayne ko? " tanong naman ni Kirro at sumilip pa sa likuran ko.

"Nasa loob pa, nag-aayos. Kakagising lang naming pareho e." sagot ko.

Nanunuya nila kong tinignan. Sinamaan ko naman sila ng tingin. Kung ano-ano na naman pumapasok sa utak ng mga yan.

"Oh Wayne, lets go."

Humarap naman ako kay Love na naniningkit ang mata sakin.

"Iniwan mo ko." seryoso niyang sabi.

"Anong iniwan? Nandito pa naman ako ah!" banas kong sabi.

"Dapat kasi sabay tayong lumabas!" singhal niya.

Natawa naman ako na sinabayan nina Kirro.

"Wag ka ngang isip-bata, pre! Di na uso yung linyahang yan ngayon!" banat ni James.

"Tch! Umalis na nga tayo! Baka masapak ko kayo ng wala sa oras."

Inirapan niya pa kami bago nagpatiunang maglakad. Nagkatinginan naman kaming apat na may ngiti sa labi. Ito yung gusto ng mga yon e, ang masira ang gabi ni Wayne.

Nang makarating kami sa resto na katapat lang ng hotel ay nakita kong puno na agad ang mahabang lamesa ng mga pagkain. Nakakagutom. Paniguradong marami akong makakain ngayong gabi.

"Naka-order ka, Patrick?" tanong ni James.

Nakita kong naghaharutan sa tabi si Troy at Kylie habang may kung anong pinagkakatuwaan ang dalawang mokong.

"Oo naman! Dalawang case pa yon! Later ibibigay after nating kumain."

"Kulang pa ata satin yon, dagdag ka pa isang case."

"Sige, mamaya."

Mukhang may magaganap na inuman mamaya ah.

Nagsimula na kaming kumain. Katulad nung nakaraan ay sinusubuan pa rin ako ni Love kahit na may tampo siya sakin. Napapansin kong bumababaw na ang dahilan ng pagtatampo niya, baka sa susunod agawan ko lang siya ng panyo, umiyak na siya. Haha.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon