CHAPTER 15 : The Truth Untold

3.6K 76 6
                                    

  EIRRO WAYNE'S POV!

 Mabilis na lumipas ang mga araw. Ito na ang huling araw namin sa Sierra Wanca at kinabukasan ay laban na para sa Summer Game Olympic.

Puspusan ang mga ginawa naming pagsasanay nung mga nakaraang araw. Hindi maiwasang sumakit ang katawan ko dahil istrikto ang coach namin at kailangan ng seryosong training. 

 Tungkol naman doon sa nangyari kay Alien. Ayun, pagkatapos lang ng tatlong araw lang ay kinalimutan niya na rin. Naging hyper, makulit at mapang-asar na naman.

Wala akong magawa kundi ang gamitin ang salitang 'boss mo ko, alalay ka. Know your limitations. '

Kahit pa na may pagbabanta sa boses ko ay hindi niya pa rin ako tinitigilan. Mas lalong tumigas ang ulo at mas lumala ang pagiging pilosopo. Iniintindi ko na lang siya at palaging iniisip na may pinagdadaanan at katatapos lang na manyakin. 

Tsk! Tsk! Tsk! 

 "Wayne! " napalingon ako kay James na tumatakbo palapit sakin.

Nakaupo lang ako sa gilid ng pool at pinapanood ang mga nagte-training.

"Wayne! Lika na magbihis na tayo! " hiningal niyang wika. 

 Kakatapos lang kasi naming magtraining at magbibihis na kami para makapaghanda ng umalis dito sa Sierra Wanca. Mamayang gabi na ang flight namin. 

"James, let's have a race. " seryoso kong sabi sa kanya. 

 Nung mga nakaraang araw ko pa ito pinag-iisipan. Gusto ko ulit makipag-karera sa kanya. Araw-araw na lang akong nalulungkot kapag naiisip ko na malapit ng mawala sakin si Alien.

Inaamin ko na napamahal na siya sakin. Inaamin ko na naging parte na siya ng buhay ko ay parang ayoko ng mawala pa siya sakin. Kinakain ko na yung mga sinabi kong sana ay bumilis ang araw at tuluyan na saking kunin si Alien ni James. 

Pero habang lumilipas ang araw ay nare-realize ko na hindi na pala siya pwedeng kunin sakin. Siya langang bumubuo sa araw ko. Siya lang ang alalay ko.

Natatakot ako na baka iba na tong nararamdaman ko. Susubukan kong limitahan ang sarili ko dahil alam kong may boyfriend na si Alien at mahal na mahal niya yun. 

"Wayne ano bang sinasabi mo? " naguguluhan niyang tanong.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at hinarap siya. 

 "Magkarera tayo ulit. Pag nanalo ako akin pa rin si Alien at kapag nanalo ka, malaya kang makuha ang lahat ng gusto mo. " seryoso ko siyang tinitigan. 

 "Bakit? " natatawa niyang tanong.

Hindi ako sumagot at hinintay lang siya na ipagpatuloy ang pagsasalita niya.

"Mahal mo na ba siya? Hah! Grabe ka, Wayne. Kaya pala iba na ang tingin mo sa kanya at mas lalo pa kayong napalapit sa isa't-isa. " namamangha niyang wika. 

 Hindi ako nakasagot dahil iyon din ang nakikita kong dahilan kaya ko ginagawa to. 

"C'mon, James! Lets have a deal. " naiinip kong sabi sa kanya. 

"Easy, Wayne. Naguguluhan kasi ako e. Parang nung dati lang ay parang panyo lang kung ipusta mo si Feya pero ngayon gusto mo na siyang bawiin. Nagagawa nga naman ng pag-ibig. " nandoon pa rin ang nakakalokong ngiti sa labi niya. 

Pag ako nainis itutumba ko to. 

"Seryoso ko, James! Umayos ka! " naiinis kong sigaw sa kanya.

 "Wait, ano namang gagawin mo kapag hindi ako pumayag? " nang-aasar niyang tanong. 

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon