CHAPTER 20: New Friend

3.2K 68 3
                                    

  Eirro Wayne's POV! 

 Madaling araw na nang makauwi ako sa mansion. Hindi ko na maramdaman ang nasa paligid ko sa sobrang kalasingan.

Umiikot ang paningin ko. Pagewang-gewang akong umakyat sa kwarto ko. Pinilit kong mag-shower para mahimasmasan ako. 

 "Letseng babae yon! Akala niya ata hindi ko siya papatulan! " nanggagalaiti ako dahil bumalik ulit sa alaala ko yung nangyari kanina sa bar. 

Flashback... 

Nakaupo lang ako sa highstool habang pinapakiramdaman kung kaya ko pa ang ilang bote na nasa harapan ko ngayon.

Medyo nakainom na ko at umiikot na rin ang paningin ko. Siguradong namumula na ang buo kong mukha sa pagkalasing. 

 "Hi Kirro. " napatingin ako sa babaeng tumabi sakin.

Nainis ako dahil hinawakan niya yung balikat ko. 

Parang sine-seduce niya ko. Tss! Feeling niya ba papatulan ko siya sa kama? Kahit lasing ako alam ko pa rin tumingin ng pangit sa maganda. E etong nasa harapan ko ngayon ay tinalo pa yung ibig sabihin ng salitang panget. Kung ako may ganitong mukha ay magbibigti na ako.

Panira ng mood ang mga katulad niya. Tinawag pa talaga kong Kirro? Malinaw na narinig ko iyon kaya mas lalong umusok ang ilong ko sa babaeng ito.

Hindi niya ba ko kilala dito? Pinapatulan ko lahat ng babaeng nangungulit sakin kapag wala akong sa mood. Umuuwi lang namang luhaan at nakakalimutan ang lasing nila dahil sa sakit ng mga ginagawa ko physically.

Naalala niyo ba yung ginawa ko dati sa nambwisit sakin? Pwes alalahanin niyo! 

 "Umalis ka sa harap ko miss, hindi kita type. " 

"Grabe ka naman Kirro, parang kahapon lang ang bait-bait mo pa sakin. " muling nagpaawa ang mukha niya na lalo kong ikinabwiset.

Hindi bagay sa kanya magpaawa. Nakakasuka. Nawawala hilo ko sa babaeng ito e! Pasalamat siya at nakakapagtimpi pa ko. 

"Tangina! Kailan pa ko naging si Kirro?! Kung may natitira ka pang awa sa sarili mo, mabuting umalis ka na sa harapan ko! " sigaw ko sa kanya. 

 Hindi siya nagpatinag at mas lalo pang idinikit yung katawan niya sakin.

Gagong to! Naisip ko tuloy kung pinapakisamahan ba talaga to ni Kirro. Pwe! Nakakadiri! 

 "So... you are Eirro Wayne Ejercito, the famous athlete. " maarte niyang sabi.

Nalukot na ang mukha ko. Ano bang gusto niyang mangyari? Bakit ayaw akong tigilan ng babaeng to? Babaeng mukhang bakla. 

"Kilala mo si Satanas? " seryoso kong tanong sa kanya.

"Oo naman, sugo niya nga ko e. " mas lumandi ang boses niya. Ang sakit sa tenga. 

"I'm Satan's living proof, turn back and walk if you love your fucking life. " ipinakita ko sa kanya ang nakakatakot kong aura. 

 Tignan ko lang kung hindi pa siya papaawat. Hindi niya ko madadala sa malalaki niyang dibdib noh. Tss! Useless. 

 "Wahahaha.. nice to meet you Satan. I'm your lost queen. It's nice seeing you again. " nakakarindi siyang tumawa. 

Dahil sa inis ko ay itinulak ko siya sa lamesa na puno ng baso at bote ng alak. Nagkabasag-basag ito at sumugat sa kanyang pangit na balat. Hindi pa ako nakuntento at ibinuhos sa kanya ang pitcher na may lamang malamig na hard drink.

Nang hindi pa rin ako nakuntento ay dinala ko siya sa isang crowded na lugar at pabagsak siyang inihagis doon. Nagkagulo sa lugar at wala man lang umawat sakin.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now