CHAPTER 32: Goodbye

3K 120 17
                                    

Kasalukuyan akong nakaupo dito sa veranda. Gabi na at malamig ang hangin. Nakatungo lang ako sa mga bituin sa langit. Nag-iisip ng mga bagay bagay. Nililinis ang isipan ko dahil marami ng nakabara.

Makakatulong sakin ang ganitong uri ng tanawin. Nakakagaan ng loob. Mawawala ng panandalian ang mga gumugulo sa isipan mo.

Sa sobrang gulo ng isip ko ngayon ay hindi ko na nagawa ang mga dapat kong gawin. Nakalimutan kong may mga assignment akong kailangang tapusin. Nakalimutan ko nga ring kumain, mabuti na lang at hindi ako nakaramdam ng gutom.

Pumasok na ako sa loob matapos kong mag-unwind. Nakatulong naman ito kahit papano.

Bumaba ako at dumiretso sa maid's quarter. Naabutan kong may kausap si Abby sa telepono. Malawak ang ngiti nito at halatado mong kinikilig. Siguro ay yung kanong sinasabi niya ang kausap niya sa phone. Wow! May improvement.

"Bye! Next time ulit. Thanks for today. " kinikilig nitong wika.

Nakanguso akong naupo sa couch na malapit sakin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong balita? Mabait ba? " tanong ko.

Hindi ko na kailangang magtanong kung gwapo ba ito. Wala pa naman kasi akong kano na nakitang panget.

"Super bait! As in! Ang gentleman niya pa. Kyaaaaah! " malakas niyang sabi.

Napangiwi naman ako. Okay fine, hindi ko na siya pagsasabihan na huwag mag-ingay. Minsan lang naman kasi siyang mag-ingay ng ganyan. Magpaparaya na ko kahit masakit sa tenga ang tili niya.

"Wag mo munang sagutin agad. Kilalanin mo muna. " seryosong sabi ko.

Tumingin siya sakin. "Mabait siya at nakakaintindi ng tagalog. " usal niya.

"Mabuti kung ganon. Wag kang magpapasakay sa mga salita niya. Basta bilin ko sayo na kilalanin mo muna ng lubusan. " sambit ko sa kanya.

Tumango siya. "Opo.. siguro tama na yung two weeks then after that sasagutin ko na siya. "

"Bakit? Nanligaw na ba? " tanong ko.

Sumeryoso bigla yung mukha niya.

"Hindi pa nga e. Pero sure naman na type ako non. Grabe kaya kung makatingin sakin kanina. " malawak na naman ang ngiti niya.

"Bahala ka. "

Bumaling ako sa mga gamit ko sa study table. Tumayo ako at lumapit dito. Makalat na naman ang table dahil sa mga paperworks ko. Ang hirap maging estudyante at graduating pa.

"Labas muna ko. Gusto mo dalhan kita ng merienda pagbalik ko? " alok sakin ni Abby.

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Kahit papano ay sweet naman siya sakin bilang kaibigan. Kulit nga lang.

Nang lumabas siya ay pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Malapit na rin naman akong matapos sa mga ito kaya makakatulog ako ng maaga ngayon.

*Phone ringing...

Mabilis kong kinuha ang phone ko sa kama at walang tinging sinagot ang tawag.

"Hello? " bati ko.

[Babe.. I miss you already.] malungkot ang boses nito sa kabilang linya.

Napasinghap ako ng hangin.

"Magkikita naman tayo bukas. Don't worry. " pilit akong ngumiti kahit na hindi niya kita.

[Bukas, after class labas tayo ah. May alam akong bagong bukas na resto. ] sumigla ang boses niya. Nanatili lang ako sa reaksyon ko.

"Sure. " tanging nasabi ko.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now