CHAPTER 44: Wounded

2.7K 77 0
                                    

Feya Reigh's POV



Sabado ngayon at napagpasyahan kong pumunta sa apartment ko para maglinis. Wala namang espesyal na nangyari nitong mga nakaraang araw.

Binilinan lang ako ni Imma na wag raw masyadong humilata. Porket daw na wala siya madalas sa mansion dahil panay ang skateboarding niya. Ni hindi pa nga niya ko naisasama kahit isang beses sa pinagpapraktisan niya e! Tsk! Damot.

"Bespar, nagdala ako ng makakain natin. "

Pinapasok ko si Troy nang dumating siya. Kanina niya pa ako tinutulungang maglinis dito sa apartment ko. Siya ang nagtatapon ng mga mabibigat na gamit at siya rin ang naglilipat ng mga cabinet na trip ko lang iiba ng pwesto. Lumabas lang siya saglit para magluto. Nagugutom na raw kasi siya.

"Anong dala mo? " tanong ko habang inaayos ang pagkakainan namin.

"Menudo, lumpiang shanghai, adobo at kanin. " wika niya.

"Wow! Favorite ko lahat ah! Kain na tayo! " excited kong sabi.

"Tch! Lahat naman ng pagkain favorite mo e! " asar niya.

Napairap na lang ako. Naupo na ko para kumain. Bahala siyang lumapit dito, hindi ko siya tatawagin. Ininis niya ko e.

"Tsk! Grabe ka talagang babae ka! " banas niyang sabi.

Padabog siyang naupo sa katapat kong upuan at kumuha ng pagkain niya. Di ko siya pinansin at tinuon lang ang atensyon ko sa pagkain ko.

"Yung secretary ko, gustong magpa-paint sayo. Babayaran ka raw niya. "

Nakuha niya ang interes ko kaya nag-angat ako ng tingin.

"Di nga? Baka niloloko mo lang ako ah! Ang panget kaya ng painting ko na yon! "

"Alam ko namang panget pero gusto niya pa rin daw na magpagawa sayo. Sabi ko nga na wag na kasi baka magsisi lang siya. " seryoso niyang sabi.

Uminit agad ang ulo ko sa asar. Loko tong si Troy ah! Gusto niya talagang nakikitang naiinis ako ha!

"Yabang mo! Bilisan mo na ngang kumain dyan tapos umalis ka na! " bulyaw ko.

Nanggigil kong nginuya ang pagkain ko. Nakita ko siyang nagpipigil ng tawa kaya mas lalo akong nainis.

"Joke lang! Napakapikunin mo talaga! " natatawa pa niyang sabi.

Nakanguso lang ako sa kanya at masama siyang tinitignan.

"Hindi ka na kasi nakakatuwa! " pagtataray ko.

"Joke nga lang di ba? Asan na ba ang sense of humor mo? "

"Duh? Always akong may sense of humor noh! Di ko lang trip sumabay sa humor mo. "

"Tsk! Bahala ka. "

Nanahimik na siya pagkatapos non. Pinagpatuloy ko na lang yung pagkain ko. Pero may biglang pumasok sa utak ko na gusto kong itanong sa kanya.

"May girlfriend ka na ba? Or nililigawan? "

Napaangat siya ng tingin sakin at diretso akong tinignan. Naningkit pa ang mga mata niya.

"Not interested. " tamad niyang sabi.

Napabuga ako ng hangin sa narinig ko. So wala pa? Grabe naman! Ang tanda na neto e! Gusto niya atang tumandang binata.

"Kahit ex wala ka pa? "

"Busy ako sa company. "

"Eh may crush ka ba? "

"Wala. "

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon