CHAPTER 34: New Pet

2.3K 70 0
                                    

Linggo ngayon at walang pasok. Naisipan kong magsimba dahil ilang buwan na rin simula nung huling simba ko. Baka makatulong rin na maging malinis ang utak ko. Masyado na kasing okupado ng maraming bagay.

Aaminin kong nahihirapan na ako sa bawat araw. Parating may kulang hindi ko naman alam kung ano. Basta ang hirap lang gumalaw sa bawat araw.

"Amag, tignan mo yung couple sa dulo. Ang panget ng boy. " utas ni Kylie.

Mabilis na tumaas ang isang kilay ko. Grabe talaga ang babaeng to kung makapang lait.

"Bakit? Kailangan ba parehas silang maganda? " inis na tanong ko.

"Hindi naman. Ang unfair lang kasi. Yung babae ang ganda tas pagdating naman sa boy--- ughh! Never mind! "

Umirap pa siya sa couple bago ibalik ang tingin sakin. Binigyan ko naman siya ng pamatay na tingin.

"Sana mainlove ka sa panget. " wika ko.

Lumaki ang mga mata niya. Mabilis siyang naghanap ng makakatukan para ba hindi ito magkatotoo. Tch.

"Ang sama mo! "

"Bakit? Sinabi ko lang naman yung gusto kong mangyari para sayo. " tamad kong wika.

"Argh! May sa demonyo pa naman yang bibig mo at lahat ng lumalabas ay nagkakatotoo. " iritado niyang sabi.

Umirap ako sa kanya.

"Tss! Equality kasi par! E.QUA.LI.TY. " madiin kong sabi.

"Kung ako magkakagusto sa panget dapat ikaw din! " bulyaw niya sakin.

Napa-woah ako.

"Hindi patas yon. Ikaw lang ang nanglait so may karapatan akong sabihan ka. "

"Bahala ka! Magbibigti ako pag nangyari yon. "

Nagmamaktol siyang naglakad palayo at dumiretso sa mga bilihan.

Ang daming bagong bilihin dito. Nakaka-engganyong bumili pero wala akong kailangan dito e.

"Psst! Inaamag! " tawag ni Kylie sakin.

Nakisingit siya sa tumpok ng mga tao na pinagkakaguluhan ang isang produkto.

"Bakit? " tanong ko.

"Halika dito, bilis! "

Hinatak niya ako at pilit na isiniksik sa magugulong tao. Humingi naman ako ng pasensya sa mga nababangga ko.

Lintek na Kylie to! Brutal masyado.

"Ano bang meron dyan? " bulong ko kahit pa maingay ang tao.

"Gusto ko nito oh! Ang cute! "

Bumungad sakin ang iba't-ibang klaseng stuffed toy, key chain, dream catcher at iba pang merchandiser.

Kinuha ni Kylie ang isang stuffed toy na baboy. Kulay blue ito at malalaki ang mata. Tss! Iba talaga ang taste niya sa mga bagay. Baduy.

"Pumili ka na! Libre ko. " sabi niya.

Tumango lang ako at nakisingit na rin sa nga taong naririto. Maiingay sila at nagkakagulo. Minsan pa ay nag-aagawan sila sa isang gamit.

Tahimik lang akong pumipili nang may maagaw ang atensyon ko. Muling nanumbalik ang lahat.

Nung time na binili ko ito at naalala ko siya. Yung keychain na panda. Ang cute niya at kamukha ni Imma. Hindi ko dapat iyon ibibigay sa kanya dahil para sakin iyon. Naaalala ko siya sa tuwing makikita ko ang mga panda. Dahil siguro iniisip ko palagi na kahit malaki na ang panda ay isip bata pa rin ito. Tsaka mabilis na mangitim ang mata ni Imma kapag hindi nakakatulog ng isang gabi. Parang panda talaga.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now