Chapter 48-Pizza

30 0 0
                                    

Summer POV

Kanina pa ako nahihilo kay Autumn.Panu pa naman kanina siya pabalik-balik ng paglalakad sa harapan namin.

"Autumn can you please set down.Nahihilo na kame sayo." Saway ko sa kanya.

"Hoy si Win daw pumasok na ngayon."

"Totoo?"

"Oo,nakasabay ko siya kanina sa parking lot."

"So hindi pala talaga siya nagtransfer?"

"Gaga! Kaya nga nandito kase hindi siya lumipat."

Bulungan ng mga kaklase namin na kakapasok lang.Nandito na pala si Win.Bakit hindi manlang siya nagpakita sa'kin?

"Kung makapag-chismis kayo parang wala kame sa harapan niyo ha?" Mataray na sabi ni Autumn sa kanila.Yung mga babae naman napatungo agad.

"Alam mo ba?" Tanong ko kay Autumn.Tumango lang siya sa'kin.

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin?" Nagsisimula nang namumuo yung luha sa gilid ng mata ko.

"Sam nabigla din ako.Nakita lang namin siya kahapon sa mall." Sagot niya.

"Escuse me." Sabi ni Thun at lumabas na nang room.

"Nung nangyari dun?" Nagtatakang tanong ni Ellah.

"Ewan." Sagot ni Autumn at umupo.

Hindi na ulit ako nagtanong.Bakit ganito? Dapat maging masaya ako na nandito na siya pero bakit nasasaktan ako?

................

Natapos yung klase namin na wala akong naintindihan.Yung utak ko si Ky ang iniisip.

"Sam tara lunch tayo."

Nabigla pa ako nang magsalita si Autumn."Ahh..o-oo..tara." Wala sarili kung sagot.

Tumayo ako at naglakad na palabas ng room.

Pagdating namin sa cafeteria.Napatingin agad ako kina Ky.Yung lalaking mahigit isang buwan hindi ko nakita nasa harapan ko na ngayon.

Napansin niyang nakatingin ako sa kanya kaya napatingin din siya sa'kin pero nag-iwas din agad siya.

"Sam tara order na tayo." Boses ni Ellah.

Wala na naman ako sa sariling naglakad patungo sa kanila.Pancake at softdrinks lang yung inorder ko.

"Nag-dadiet ka ba Sam?" Tanong ni Autumn.

"Hindi.Hindi pa rin naman kase ako nagugutom kase napadami yung breakfast ko." Pagsisinungaling ko sa kanya.

Wala lang talaga akong ganang kumain.Ewan! Ang alam ko lang ngayon nasasaktan ako.

"Sam,may plano ka pa ba'ng kumain?"

Napatingin agad ako sa pagkain.Sh*t! hindi ko pa pala nagagalaw yun.

"Kakain na." Sagot ko at agad na kumain.

"Sam ok ka lang?" Napatingin agad ako kay Autumn.Nakikita ko ngayon ang pag-aalala sa mukha niya.

Ngumiti ako."Oo naman."

"Oo pero yung mukha mo,hindi naman."

Kung ok lang siguro ako ngayon.Kanina ko pa inalaska si Autumn.Pero hindi eh.Nasasaktan talaga ako.

"Excuse me." Sabi ko saka tumayo at tumakbo papunta sa cr.

Pagdating ko sa cr.Pinakiramdaman ko yung puso ko ang bilis ng tibok.Nakikita ko nalang ang reflection ko ngayon na umiiyak.

HATERS (on going)Kde žijí příběhy. Začni objevovat