Chapter 35-Stranger

16 0 0
                                    

Winter POV

Two weeks.Two weeks na kameng hindi nagpapansinan ni Sam.Hindi na rin ako nagpupunta sa kanila.

Palagi na silang magkasama ni Mark.Tuwing may practice kame sa basketball palagi siyang nanonood.Kame naman ni Ellah.Patuloy pa rin sa pagpapanggap.Walang ibang nakakaalam nito kundi kameng dalawa lang.

Tulad ngayon may practice na naman kame.Nandito na naman si Sam kasama si Mark.

"Sobrang pawis muna Win." Sabi ni Ellah habang pinupunasan ako.

Napatingin naman ako kina Mark.Nagtatawanan lang sila kasama sina Autumn at Spring at yung Thunder.

"Ako na magpupunas." Sabi ko at kinuha sa kany ang face towel.

Umupo sa bleacher.Tumabi naman sa'kin si Ellah.

"Pwede mo naman silang lapitan kung gusto mo."

"Ok lang ako dito." Sagot ko.

"Sure ka? Kanina ka panay ng tingin sa kanila eh."

"Ok lang nga ako dito.Bakit ba ang kulit mo?!" Sigaw ko sa kanya at tinapon ang towel.

Nakita ko naman silang napatingin sa'min.

"Anong nangyayari dyan?" Tanong ni Spring habang naglalakad palapit sa'min.

"Wala." Sagot ko sa kanya.Agad din naman siyang bumalik kina Sam.

Nagpatuloy kame sa practice namin.May laban kase kame next week.Yung Vanse Academy ang makakalaban namin.

"Win,ayusin mo ang paglalaro mo! kanina ka pa wala sa sarili."

Tang*na.Napagalitan pa ako ng coach namin.

"Yes coach." Sagot ko nalang.

Panu ako magfofocus sa laro kung iba yung iniisip ko ngayon.Sh*t! Ano ba'ng nangyayari sa'kin.Tang*na talaga.

..........

Spring POV

"Win may problema ka ba?" Tanong ko sa kanya.

Kanina pa kase balisa.Nung practice namin napagalitan pa siya ni coach kase wala siya sa sarili niya.

"Ok lang ako." Sagot niya at pumasok sa kotse niya.

Pumasok ako sa kotse ko at sinundan siya.

Putik! Bakit dito siya dumiritso sa bar? Tang*na.Hapon pa lang ha?

Pinark ko yung kotse ko at pumasok sa loob.Nakita ko naman niya naka-upo sa bar counter.Umupo ako sa tabi niya.

"Bakit dito ka dumiritso?" Tanong ko.

Napatingin naman siya sa'kin na parang hindi makapaniwala na nandito ako.

"Bakit ka nandito?" Tanong niya at tinungga ang alak niya.

"Sinundan kita." Sagot ko.

"Isang hard drink." Sabi ko dun sa bar tender.Agad naman niya akong binigyan.

"Bakit mo naman ako sinundan?"

Ininum ko yung alak kovat tumingin sa kanya."Alam kong may problema ka Win.Bakit hindi mo sabihin sa'kin?" Seryoso kung sabi sa kanya.

"Wala akong problema." Sagot niya at tumungga na naman.

"Hindi ako tanga Win." Pinukulan naman agad niya ako ng isang masamang tingin.

"Bakit ba ang kulit mo? Pagsinabi kung wala...wala." Sabi niya at naglapag ng pera at umalis.

..............

Summer POV

Nandito ako ngayon sa bahay nila Ky.Panu ba naman nagtext lang naman sa'kin si Spring na nagpunta daw kanina si Ky sa bar.Grabe hapon palang pero nagpunta na siya dun.May balak ba siyang patayin ang baga niya?

Ilang minuto naman may narinig ako sa labas na may dumating na kotse.Siguro si Ky na yun.

Hindi nga ako nagkamali.Si Ky nga.Pagpasok niya sa loob ng bahay nila tiningnan lang niya ako at naglakad papunta sa taas.Mabuti nalang at nahawakan ko siya.

"Ky mag-usap tayo." Sabi ko.Naglakad naman siya pabalik at nagtungo siya sa poolside nila.Sumunod nalang ako sa kanya.

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong niya.

Hindo agad ako nakapagsalita dahil kinakaban ako.Ano ba'ng sasabihin ko?

"Kung wala kang sasabihin,aakyat na ako."

Aalis na sana siya pero hinawakan ko siya sa braso pero tinabig niya yun.

"Wag na wag mo akong hahawakan.Mamaya makita pa ni Ellah."

Bigla nalang kumirot ang puso ko dahil sa sinabi niya.Nakaramdam naman ako ng panunubig ng mata ko kaya agad akong kumarap.

"Sorry.Nandito lang naman ako dahil nagtext si Spring na nagpunta ka daw sa bar."

"Ano naman ngayon kung nagpunta ako dun?" Galit niyang tanong.

"Gu-gusto mo ba'ng magsira ng baga mo?" Tumawa lang siya sa sinabi niya.

"Ang OA mo! Pwede ba layuan muna ako! wag kang umasta na parang sino.Hindi kita kailangan sa buhay ko." Natulala nalang ako sa sinabi niya."Let be strangers Sam." Dugtong niya.

Pagkatapos niyang sabihin yun naglakad na siya papasok ng bahay nila.Ako.Ito tulala habang umiiyak.Ang saklap noh? Hindi niya pala ako kailangan sa buhay niya.

"Ikaw naman kase Sam eh.Napaka-pakialamera mo.Tingnan mo yung nangyari sayo.Nasaktan ka lang."

Sabi ko sa sarili ko habang umiiyak.Alam niyo yung masakit? Yun yung nararamdaman ko ngayon.Sobrang sakit.

Pinunasan ko yung luha ko at umalis na sa bahay nila.

Kung hindi niya pala ako kailangan sa buhay.Mas mabuti pa'ng magkalimutan nalang kame.

Strangers? Ilang-taon naming pagkakaibigan.Ngayon gusto niya maging strangers nalang kame? Ano 'to lokohan?

Pagpasok ko sa bahay nanlaki nalang ang mata ko.

"Mark anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Nakita ko lang naman si Mark na kausap ang Daddy at kuya ko.

"Nagpaalam ako sa kanila Sam na liligawan kita." Sagot niya at naglakad palapit sa'kin at pinaupo niya ako sa couch.

Tiningnan ko naman sina Kuya at Dad.Hindi ko alam kung anong nasa mukha nila ngayon.Ang seryoso kase nila eh.

"Pumayag kame ng kuya mo Sam na ligawan ka niya.Pero oras na malaman namin na niloloko ka lang niya.Hindi niya gusto ang gagawin ko." Seryosong sabi ni Dad."Hindi ko hahayaang masaktan ang anak ko." Dugtong ni Dad.

Hindi niya ako hahayaang masaktan pero nasasaktan na ako ng palihim ngayon.

"Wag po kayong mag-alala Sir.Baka nga po ako pa ang saktan ng anak niyo." Pabirong sagot ni Mark at tumingin sa'kin."Mahal na mahal ko po ang anak niyo.Kaya hindi ko po hahayaang masaktan siya."

Bigla nalang kumabog ang puso ko sa sunod niyang sinabi.Ganyan mo b talaga ako kamahal Mark? Kung na una ka lang sana.Siguro ikaw yung minahal ko.

Napatingin naman ako kay kuya.Ang seryoso ng mukha niya habang nakatingin sa'kin.

"Excuse me." Sabi niya at umalis sa living room.Bakit ganun nalang umakto si Kuya?

Sinundan ko siya ng tingin hanggang papunta siya sa taas.Tumingin ulit ako kay Mark at ngumiti.

Bakit pakiramdam ko hindi masaya si Kuya? dahil ba alam niyang si Ky ang gusto ko.May girlfriend na yung tao.Kaya kelangan kung kalimutan na siya.

HATERS (on going)Where stories live. Discover now