Chapter 44-Double Celebration

14 0 0
                                    

Dex POV

"Hoy kuya laro niyo na pala ngayon laban sa Vanse Academy,sama ako kuya." Sabi ng kapatid ko habang nag-aayos ako ng gamit.

Hindi ko siya pinansin at sinukbit yung bag ko at lumabas ng kwarto ko at bumaba.

"Hoy kuya sama ako!" Sigaw niya habang sumunod sa'kin pababa.

Pagbaba ko nilagay ko yung bag ko sa living room at dumiritso sa dining area.

"Morning Ma,Dad." Bati ko sakanila at umupo.

"Ma,ayaw ako isama ni kuya sa laro nila." Pagsusumbong ng kapatid ko.

"Sabihin mo lang kase gusto mo sumama dahil alam mong sasama si Lexter." Pang-aasar ko sa kanya habang naglalagay ako ng rice sa plato ko.Binilatan lang ako ng kapatid ko.Si Lex yung kapatid ni Spring.Magkasing-edad lang sila.

"Asa! Palagi ko nga nakikita yun sa school eh." Pabulong niyang sabi pero narinig ko pa rin.

"Ikaw talaga Dex,tigilan mo yang kapatid mo." Saway ni Dad sa'kin.

"Busog na po ako,alis na ako Ma,Dad." Paalam ko.Nakita ko naman yung kapatid ko nakasimangot habang nakatingin sa'kin.

"Bilisan mo,isasama na kita."

Sabi ko sa kanya.Bigla naman nag-ningning sa tuwa ang mata niya.

.................

Pagdating namin sa Vance Academy ang dami nang tao.Hawak-hawak ko naman ang kapatid ko habang naglalakad kame papunta sa locker room ng Vance nandun kase sila dun.

"Wahhh..ang po-pogi ng mga taga-Estpad."

"Number 11 idol na kita."

"Kuya pahingi ng number."

Sigaw ng mga babaeng nadadaanan namin.

"Ang sikat naman ng kuya ko." Narinig kung sabi ng kapatid ko.

Pagdating namin sa locker room nakita ko naman sa labas sina Sam,Ellah at Autumn.

"Oy Dex,kapatid mo?" Tanong ni Sam ng makita niya kame.

"Hi Ate.Girlfriend ka po ba ni kuya?"

Langyang kapatid 'to.Sa dami ng tanong.Yun pa ang napili niya.

"Hindi,kaibigan lang ako ng kuya mo." Sagot ni Sam sa kanya.

"Ok kana Sam?" Tanong ko sa kanya.Tatlong araw din kase siyang hindi pumasok dahil nagka-lovesick ay iste.Nagka-lagnat pala.

"Oo.Ang cute ng kapatid mo Dex." Sabi niya at pinisil ang mukha ng kapatid ko.

"Ang sakit Ate." Reklamo naman ng kapatid ko.

"Oh Spring kakarating mo lang?" Bungad ko kay Spring kasama ang kapatid niya.

Tiningnan ko naman ang kapatid ko ang sama ng tingin nila sa isat-isa ni Lex.Problema ng mga batang 'to?

"Oo,tara magpalit na tayo." Yaya niya sa'kin.Bumaling ako kina Sam.

"Sam favor naman oh,pwede pakibantay muna 'tong bubwit na 'to." Sabi ko sa kanya.

"Yeah sure." Sagot niya at hinawakan ang kapatid ko.

Binalingan ko naman ang kapatid ko."Be a good girl to your Ate Sam,okay?" Bilin ko sa kapatid ko at hinalikan siya sa noo.

Tumango naman siya sa'kin kaya pumasok na ako sa loob.Si Lex naman binilin ni Spring kay Autumn.

...........

HATERS (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon