Chapter 47-Cold

12 0 0
                                    

Spring POV

"Ito pa Spring,bilhin mo 'to."

Napakamot nalang ako sa ulo ko.Pagkapos ng klase namin dumiritso kame ni Autumn dito sa mall.Parang lahat yata nang gusto niya,ipapabili niya sa'kin.

Tulad nalang ngayon may nakita siyang mickey mouse na stuff toy.Pinapabili na naman niya sa'kin.Mukhang hindi na tama 'to ha.

"Autumn hindi porki nililigawan kita,lahat ng gusto mo bibilhin ko." Reklamo ko.

Sinamaan niya agad ako ng tingin at binalik sa lalagyan yung stuff toy.

"Tara na,uwi na tayo." Yaya niya sa'kin.Yung mukha niya parang nalugi.

Kinuha ko yung stuff toy at nagtungo sa cashier.

"Hoy anong ginagawa mo ha?"

"Nagbabayad." Pilosopo kung sagot.

Pagkatapos kung magbayad sa cashier.Naglakad na ako palabas dala yung stuff toy.Sumunod naman siya sa'kin.

Paglabas namin tinapon ko agad sa kanya yun.Buti nalang nasalo niya.

"Binili ko na,pero bakit ganyan pa rin ang mukha mo?" Iritado kung tanong sa kanya.

Panu ba naman kahit siguro Dad ko,hindi kayang ipinta yung pagmumukha niya.

Tinapon niya pabalik sa'kin yun."Hindi kita pinilit na bilhin yan,kusa mo yang binili." Sabi niya at naglakad.Sumunod naman ako sa kanya.Nang maabotan ko siya agad kung hinawakan ang kamay niya.Nabigla naman siya sa ginawa ko kaya napahinto siya sa paglalakad.

"Bitawan mo nga ako." Mataray niyang sabi.

Kung kanina galit ako.Ngayon naman natatawa ako.Ganito ba talaga yung mga babae pagna-iinis? Nagiging pula yung mukha?

"You're blushing." Sabi ko at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya.

Tang*na.Kalalaki kung tao pero kinikikig ako.Hindi na siya nagsalita pa at nagsimula nang maglakad.Hawak ko yung kamay niya kaya nahila niya ako.

...........

Autumn POV

Wahhh...nakakahiya!!! Nakita ako ni Spring na namumula.Kase naman eh.Bigla nalang niya hinawakan ang kamay ko.

Ngayon naglalakad kame habang magkahawak-kamay.Hindi ko alam kung san ang distenasyo namin.Nahihiya na kase akong magtanong.Ang ackward.Yung kabog ng dibdib ko grabe.Daig pa yung mga kabayong naghahabulan.

Nangliligaw pa lang sa'kin si Spring pero may HHWW na kameng nalalaman ngayon.

"Namimihasa kana kakahawak sa kamay ko."

Tinaasan ko agad siya ng kilay pagkasabi niya nun.Sino kaya ang unang humawak sa'min.

"Hoy mister! baka nakakalimutan mo,ikaw ang humawak sa kamay ko." Pagtataray ko sa kanya pero tumawa lang siya.

Tumalikod ako at naglakad na ulit.Nakalimutan ko palang nakahawak pa rin siya sa kamay ko kaya na tangay ko na naman siya.

Spring naman kase eh! Bakit ang higpit ng pagkakahawak mo sa kamay ko.

"Autumn wait lang!"

Huminto agad ako sa paglalakad.Nakit kung may tinitingnan siya kaya tiningnan ko rin yun.

"Diba si Win yun." Sabi ko.

"Tara bilis." Sabi niya at hinila ako.

"Win!"

Lumingon naman sa'min si Win ng tawagin niya 'to,pero naglakad din agad palayo sa'min.

Hinabol namin siya pero hindi na namin makita.Nagpalinga-linga kame pero wala na talaga.

"Si Win ba talaga yun,baka kamukha lang niya." Sabi ko.

"Alam ko si Win yun."

"Pero bakit hindi niya manlang tayo nilapitan?"

"Hindi ko alam." Sagot niya at hinila na naman ako.

.....................

Pagkatapos namin dun sa mall dumiritso na kame dito sa bahay nila Win.

"Spring bakit tayo nandito?" Tanong ko sa kanya nang makapasok kame.

"Manang si Win po?" Tanong niya sa katulong.

"Nasa taas po,tatawagin ko lang." Sagot ni manang at pumanhik sa taas.

Nagkatinginan nalang kame ni Spring.So nandito na talaga siya?

Ilang minuto naman nakita namin si Win na pababa.

"Anong ginagawa niya dito?" Tanong niya nang makalapit siya sa'min.

"Kailan ka lang dumating?" Tanong ni Spring.

"Kahapon lang." Cold niyang sagot.

"Mabuti naman at umuwi kapa." Galit na sabi ni Spring.

"I heard nililigawan mo daw si Autumn,congrats sa inyong dalawa." Pag-iiba ni Win.

"Wag mong ibahin yung usapan Win." Sagot ni Spring at tumayo.

Si Win naman hindi ko mawari kung anong nasa mukha niya ngayon.Ang cold niya.

"Pwede na kayong umalis.Pagod ako at ayoko makipagtalo." Sagot niya.

Tumayo si Win at tumalikod sa'min. Pero agad siyang hinawakan ni Spring sa balikat at pwersahang pinaharap at sinuntok.

Tumayo naman agad ako at lumapit kay Spring."Tama na!" Sigaw ko at hinawakan ang braso niya.

Tumayo lang si Win na parang walang nangyari.Pinunasan niya lang yung dugo sa labi niya at naglakad papunta sa taas.

"Gag* ka Win!" Sigaw ni Spring at lumabas na kame sa bahay nila.

......................

Spring POV

"Putik! Bakit hindi siya nagsabing nandito na pala siya." Sabi ni Mark.

Pagdating ko sa tambayan namin.Sinabi ko agad sa kanila na nandito na si Win at yung nangyari kanina sa'min.

Kanina nung sinuntok ko siya.Ganun na ganun ang Win nung nawala si Hanna.

Ang cold niya.Parang hindi manlang siya nasaktan kanina sa suntok ko.

"Ano na naman ba'ng nangyayari kay tag-lamig?" Tanong ni Dex.

"Hindi ko alam.Parang bumabalik na naman siya sa dati." Agad nilang binatawan ang beer na hawak nila at seryosong tumingin sa'kin.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong nila.

"Yung Win na nawala si Hanna.Ganun na naman siya ngayon." Sagot ko.

"Anak ng tupa." Bulalas ni Mark.

"Mabuti pa puntahan natin siya." Sabi ni Dex at tumayo.

"Ipagpalipas na muna natin 'to.Kilala natin si Win.Hindi tayo nun kakausapin." Sagot ko.Umupo na rin pabalik si Dex.

Paksh*t talaga.Hindi na maganda 'to.Ayokong bumalik ang ganung Win.Minsan na nangyari yun at muntikan na siya makapatay nun.

HATERS (on going)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant