Chapter 29-Mahal ko siya.

15 0 0
                                    

Summer POV

Day two namin sa Sitio Antonio.Kanina paggising ko nagtext lang ako kay Dad ng good morning at inoff ko agad ang phone ko.Wala din naman kaseng nagtetext.Tapos na rin akong maligo.Ang aga ko kaseng nagising kanina.

*tok tok*

"Sam." Boses ni Spring.

Lumapit ako sa pinto at pinagbuksan siya.

"Baba na,mag-bebreakfast na tayo." Sabi niya.

Teka bakit nakasoot siya ng apron? Dont tell me.

"Tinulungan kung magluto ng almusal si manang." Sabi niya.Parang nabasa niya yata ang iniisip ko.

Tinitingnan ko naman siya habang nauunang naglalakad pababa.Sexy.Natawa nalang ako sa iniisip ko.

"Why are you smiling?" Tanong niya sa'kin pagtingin niya.

"Nothing." Sagot ko at tumakbo pababa.

"Hey Sam,careful!" Narinig kung sigaw niya pero hindi ko na siya pinansin.Eh kase eh.Baka kung ano pa ang isipin niya.

.................

Hapon na,ang bilis ng oras.Naglalakad lang kame ngayon ni Spring sa tabing-dagat.

"Ang tahimik mo yata Sam?" Tanong niya.

"Panu ako magsasalita kung ang tahimik mo rin." Sarcastic kung sagot.

"Pilisopo! Come here let's watch the sunset." Sabi niya at umupo sa buhanginan.Sumunod naman ako sa kanya at tumabi.

"Ngayon nalang ulit ako makakapanood ng sunset."Sabi niya.

"Ako rin."Sagot ko.

"Bakit pagtayo ang magkasama Sam,hindi tayo nag-aaway?"

"I dont know Spring,siguro kase hindi mainit ang ulo natin." Natatawa kung sagot.

"Tomorrow will be our last day here." Napatingin agad ako kay Spring pagkasabi niya nun.

"Bakit ang lungkot mo?"

"Kase babalik na naman tayo sa real world natin."

"Wag mo nalang muna isipin yun." Sabi ko at tumingin ulit sa harap."Wow ang ganda talaga ng sunset Spring!" Sigaw ko.Natawa naman siya bigla sa sinabi ko.

"Para kang bata,tara na." Yaya niya.

"Wait lang,palubugin muna natin ang araw." Sagot ko habang nakatingin pa rin sa yellowish na ulap.

...............

Naglalakad na kame ngayon pabalik sa bahay nila Lola.

Napadaan naman kame sa isang tindahan na maraming tambay at may naglalaro ng cheese.

"Diba kapatid ka ni Aldin?" Tanong sa'kin nung isang lalaki.Panu niya ako nakilala?

"Opo,bakit?"

"Sabihin mo punta siya dito,maglalaro kame ng chess." Sagot niya.Sikat pala dito si kuya ha?

"Sige po,pagdating ko sa bahay sasabihin ko kay kuya."

"Eh baka kamo,marunong ka maglaro ng chess,laro tayo." Yaya niya sa'kin.

"Naku po,hindi po ako marunong eh." Tanggi ko.

"Ako po marunong po ako." Sagot ni Spring.

"Hoy lagay niyo dito sa gitna yung chessboard,lalabanan ako ni mistesong-hilaw!" Sigaw ni kuya sa mga kasama niya.

Agad naman nilang nilagay sa gitna yung chessboard.

"Sure ka na marunong ka?" Tanong ko kay Spring." Umupo siya sa upuan na kaharap ng makakalaban niya at hindi ako pinansin.

HATERS (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon