Chapter 31- Insecurities

15 1 0
                                    

Summer POV

Sabay kameng pumasok ni Spring ngayon.Sinundo niya kase ako kanina sa bahay.

Kahapon lang kame bumalik dito sa Manila.Wala naman kameng ibang ginawa kahapon kundi ang magpahinga.

"Hatid na kita sa room niyo Sam." Yaya sa'kin ni Spring.

Hindi na ako tumanggi pa kaya naglakad na kame papunta sa room ko.

Pinagtitinginan naman kame ng mga tao.Yung iba naman nagbulong-bulungan pa habang nakatingin sa'min.

Ano naman kaya ang pinagchichismisan nila? Ngayon lang ba sila nakakita sa'min ni Spring na sabay naglalakad sa hallway.

"Pasok na Sam." Sabi ni Spring ng huminto kame sa room ko.

"Salamat sa paghatid." Sabi ko at umalis na siya.Pumasok na rin ako sa room.

"Sam,musta na?" Bungad sa'kin ni Thun.

"Oy Sam,na miss kana namin." Ellah at lumapit sa'kin.

Umupo muna ako sa upuan ko."Ok lang.Namiss ko rin kayo." Sagot ko sa kanila.

Si Autumn naman tahimik lang.Mukhang galit pa rin siya sa'kin.

"Good morning class."

Bati ng teacher namin pagpasok niya.

"Miss.Rodriguez,manghiram ka nalang ng notes sa mga classmate mo para makahabol ka lessons natin."

"Yes Ma'am." Sagot ko sa kanya.

................

Lunch break na.Lumabas agad ako ng room.Sakto namang paglabas ko nakasalubong ko si Spring.

"Oy Spring,bakit nandito ka?" Tanong ko sa kanya.

"Sabay na tayong maglunch." Sabi niya at nagsimula nang maglakad.Sumunod naman ako sa kanya.

"Hindi ka ba sasabay kina Ky?"Tanong ko ng maabutan ko siya.

"Hindi.Alam kung hindi pa kayo magkaayos ni Autumn kaya sasamahan nalang muna kitang maglunch." Sagot niya.

Pagpasok namin sa cafeteteria ganun pa rin yung mga tao.Tinitingnan pa rin nila kame ni Spring.Psh!

"Ako na magbabayad." Sabi niya at nagtungo kame sa cashier.Mukhang galante ngayon si Reyes ha.

Pagkatapos naming magbayad.Naghanap agad kame ng mauupuan.

"Spring,san tayo uupo?" Tanong ko sa kanya.

"Sumunod ka lang." Sabi niya kaya sumunod nalang din ako.

Nakita ko siyang umupo sa pinakagilid ng cafeteria.

"Spring,baka may uupo dito." Sabi ko.Ganun kase dito eh.Parang may designated na mesa.

"Upo na,ano pa ang hinihintay mo?" Sabi niya.Nag-aalinlangan naman akong umupo.

"Baka may magalit Spring." Sabi ko ulit sa kanya.Pero hindi niya ako pinansin at nagsimula ng kumain.

Kumain na rin ako.Bahala na nga.Ilang minuto naman nakita ko sina Ky,kasama si Ellah.Kasunod nila si Autumn at Thun pero humiwalay agad sina Thun at Autumn.Si Ellah naman sumama kina Ky.

Pagkatapos nilang umorder umupo na sila sa upuan nila.Close na ba sila ngayon ni Ellah.Parang ang saya kase nila tingnan.Minsan ngumingiti sa kanya si Ky.

"Kung nasasaktan ka,may choice ka naman na wag silang tingnan." Narinig kung sabi ni Spring.

"Hindi ako nasasaktan noh." Sagot ko sa kanya at kumain na ulit.

HATERS (on going)Where stories live. Discover now