Chapter 10- Christmas Gift

31 1 0
                                    

Summer POV

Nagmamadali akong lumabas ng campus.Niyaya pa ako ni Thunder na sumabay sa kanila ni Autum pero tumanggi ako.

Paglabas ko pumara agad ako ng taxi.Wala pa kase akong sasakyan dahil under age pa ako.

Ilang minuto naman may humintong taxi kaya agad akong sumakay.

"Manong sa pinakamalapit po na mall." Sabi ko kay manong driver.

Pupunta akong mall dahil ngayon ang opening nung NBA World.I'm sure may Nowitzki stuffs sila.Sorry! Adik lang talaga ako kay Nowitzki.

"Nandito na tayo Ma'am." Sabi ni manong driver at huminto siya sa gilid.Binigyan ko siya ng pera at bumaba na agad.Hindi ko na hinintay yung sukli ko.

"Ma'am sukli mo!" Narinig kung si sigaw ng driver pero di ko na siya pinansin at pumasok sa mall.

Nag-elevator ako para madali akong makarating dun.Nasa third floor pa kase yun.

*ting*

Lumabas agad ako ng elevator at tumakbo papunta dun.

"Good afternoon Ma'am,welcome to NBA World." Sabi nung lalaking staff.

Pagpasok ko dun.Namangha nalang ako sa design ng store,para talaga akong nasa NBA  world.

May mamalaking poster pa nila Kobe Bryan,Steve Nash,Shawn Marion,Dwayne Wade,Keevin Garnett,Rey Allen,Lebron James,Carmelo Anthony.Basta marami.Pero napako ang mga mata ko sa pinakamamahal kung Nowitzki.Lumapit agad ako dun.

Kukunin ko na sana yung bolang nasa box na may nakalagay na Nowitzki ng may ibang kamay pa ang humawak nito.

"Kuya na-una po ako,kaya bitawan niyo na po 'to." Sabi ko sa kanya.Hindi ko siya makita kase nasa likod ko siya.Haba ng kamay niya ha.

"Miss na-una ako,kaya ikaw ang bumitaw." Sabi niya kaya humarap ako sa kanya.Pagtingin ko.

"Mark?!"

"Sam?!"

Sabay naming sigaw.Kalain mo yun sa dami ng taong makaka-agaw ko.Si Mark pa.

Ngumiti ako sa kanya at hinigpitan ang paghawak sa bola."Mark ako ang nauna dito." Sabi ko at tiningnan yung bola.

"Nauna ako Sam." Nakangiti niyang sagot.Akala ko pagbibigyan niya ako.Psh!

"May problema ba Ma'am,Sir?" Tanong sa'min nung lumapit na staff. Kaya nabitiwan ko yung bola.

"May iba pa ba kayo nito?" Tanong ni Mark sa kanya.

"Ay sorry Sir,wala na po eh,marami po kaseng bumila ng ganyan kanina,pero pwede po magpa-reserve nalang po kayo,maybe next week po dadating na yung stock namin." Magalang niyang sagot.Grabe sold out agad.Dami talagang fans ni Nowitzki.

"Ahh..ganun ba?" Sagot ni Mark.Tumango lang kanya ang staff.

Tumingin siya sa'kin."Panu Sam,nauna ako dito eh,bumalik ka nalang dito next week." Sabi niya at nagtungo sa cashier.Ako ito.Tulala.Wala na.Wala na ang pinakamamahal kung Nowitzki.Grghh!!! Nakakainis ka Mark!! Bwesit!!! Lamunin mo yang bola mo!! Saksak mo pa yan sa baga mo!!!

Nakasimangot akong lumabas sa NBA World.Nagmamadali pa naman akong pumunta dito.Tapos yung gusto kung bilhin,hindi ko nabili dahil sa malaking epal na yun.

"Sam!"

Kilala ko kung kaninong boses yun kaya hindi na ako nag-atubiling tingnan yun.Pagkatapos niya akong bwesitin kanina,may gana pa siyang pansinin ako.Manigas siya dyan.

"Sam!" Tiningnan ko siya ng masama.Pagsigawan talaga ang maganda kung pangalan.

"May sunog Mark? Makasigaw ka wagas ha?" Mataray kung tanong  sa kanya.Ang gag* nakangiti lang.

HATERS (on going)Where stories live. Discover now