Chapter 27-Wala na siya!

21 1 0
                                    

Mark POV

"Yes i love him......"

Bigla kung nabitiwan ang hawak kung ice cream sa sagot niya.Bakit pa kase ako ng nagtanong eh.

"I love him as a friend." Ulit niya.

Napatayo nalang ako sa sunod niyang sinabi.

"Ano ulit yun Sam?"

Tumayo siya at nagtakang tiningnan ako.

"Mahal ko siya bilang kaibigan.Bakit?"

"A-akala ko kase mahal mo siya in a romantic way." Sabi ko at napakamot sa batok.

"Sos.Hindi noh."

Natawa nalang din ako sa sarili ko.Nahiya naman ako bigla dun.Hindi ko alam bakit sobrang kaba nalang yung naramdam ko sa sagot niya kanina.

"Tara Sam,hatid na kita sa inyo." Yaya ko sa kanya.

Tumango naman siya sa'kin kaya naglakad na kame pabalik sa kotse ko.

Pagdating namin sa kotse ko pinagbuksan ko agad siya ng pinto.

"Thank you." Sabi niya at pumasok na.Naglakad naman ako sa kabilang side saka pumasok na rin.

......................

"Mark,salamat ha,nag-enjoy ako ngayon." Sabi niya.Nandito na kase kame sa tapat ng bahay nila.

"No problem basta ikaw." Nakangiti kung sagot.Ngumiti naman siya sa'kin at lumabas na nang kotse.

.................

Summer POV

"Nandun sa garden si Win,kanina pa yun naghihintay sayo." Bungad agad sa'kin ni kuya pagpasok ko sa bahay namin.

"Ano namang ginagawa niya dito kuya?" Tanong ko.

"I dont know,puntahan mo nalang siya."

Napapa-iling nalang ako habang naglalakad patungo sa garden.Pagdating ko nakita ko agad siyang naka-upo.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya.

Tumayo siya at tumingin sa'kin.

"Ganyan na ba talaga katigas ang ulo mo?" Galit niyang tanong.

Agad namang kumonot ang noo ko sa tanong niya.Here we go again.Talking about his sh*ts!

"Alam mo,ang labo mo eh!" Sagot ko.

"Hindi ako malabo Sam,i just want you to stay away from Mark,mahirap ba sundin yun!"

Natawa nalang ako sa sinabi niya.Pero isang pekeng tawa yun.

"Oo mahirap intindihin,mabait naman si Mark ha? and i'm happy being with him,he's a nice guy,palaging nakangiti,hindi kagaya mo.Tuwing ikaw ang kasama ko,palagi lang tayong nag-aaway.Para kang binagsakan ng buong mundo eh." Galit kung sagot sa kanya.

"Alam mo naman kung bakit ako nagkaganito diba?!"

Napabuga nalang ako ng hangin sa sinabi niya.

"Hindi mo pa rin ba matanggap na wala na siya? Wala na si Hanna Ky,kahit anong gawin natin hindi na siya babalik.Kailan mo ba matatanggap yun ha?!"

Napasuntok nalang siya sa hangin.Alam ko magagalit siya tuwing pinamumukha ko yun sa kanya.Pero kelangan eh.He needs to accept the fact na kahit anong gawin niya hindi na babalik si Hanna.Ang babaeng mahal na mahal niya.Hanna is his first love.

"Sa tingin mo ba matutuwa si Hanna sa nangyayari sayo ngayon? Hindi Ky.Ang cold mo.Minsan ka nalang tumatawa.Nagiging pakialamero kana!" Sabi ko habang tumutulo ang luha ko.Hindi ko na mapigilan ang hindi umiyak.Nakakinis na eh talaga

"Ang selfish mo! kung anong gusto mo kelangan kong sundin,Ky hindi ako robot,may isip rin ako."

Tahimik pa rin siya habang nakatingin sa'kin.Pinunasan ko yung luha ko habang nakatingin sa kanya.

"Isang rason lang Ky.Bigyan mo ako ng isang rason kung bakit mo ako pinapalayo kay Mark."

"Ayokong mangyari sayo ang nangyari kay Hanna!"

Bakit naman ako matutulad kay Hanna?

"Ayokong pati ikaw mawala sa'kin.....sa'min.Kaya ako nagkaganito dahil sa pagkawala ni Hanna.Ako yung dahilan kung bakit siya namatay.Dahil sa pagiging basagulero ko namatay si Hanna." Sagot niya.

Nakita kung may namumuong luha sa mata niya pero agad siyang kumurap kaya nawala yun.

Alam ko naman na sinisisi niya ang sarili niya sa pagkawala ni Hanna.Pero hindi ko pa rin maconnect kung bakit niya ako pinapalayo kay Mark.

Bigla nalang nanlaki ang mata ko ng may mag-sink sa utak ko.

"Gangster ba si Mark? i mean kayo?" Tanong ko.Agad din naman siya nag-iwas ng tingin sa'kin.

"Hindi ko alam." Sagot niya at umalis na.

Pagbabawalan niya ako pero wala naman siyang mabigay na exact reason kung bakit.

"Sam,bakit nagmamadaling umalis yun si Win?" Nagtatakang tanong ni Kuya.

Umupo ako sa inuupuan kanina ni Win."Tinopak lang yun kuya." Sagot ko.Umupo naman si kuya sa upuan sa harapan ko.

"Pupunta ako sa province nila Lola tomorrow,sama ka?" Napatingin ako kay kuya.

Sasama ba ako? Mas maganda siguro kung makalanghap muna ako ng fresh air.Makisalamuha sa ibang tao.

"Ano Sam?" Ulit ni kuya.

"Sige kuya,sasama ako." Sagot ko.

Ginulo lang ni kuya ang buhok ko at umalis na siya.Maybe i just need to unwind.Palagi nalang kase kameng nag-aaway ni Ky.

Pati si Autumn magka-away kame.Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.Letseng buhay naman 'to.

Kinuha ko yung phone sa bag ko at tinawagan si Spring.

[Yes Sam] Sabi niya sa kabilang linya.

"Pupunta kameng province bukas ni kuya,gusto mo sumama?"

[Oh sige sasama ako] Sagot niya.

Pinatay ko na agad ang tawag.Mas mabuti nang isama ko na rin si Spring para naman makapag-isip kame.

Hindi pa rin kase sila ayos ni Autumn.Pareho lang ang magpinsan na yun.Ang taas ng pride.Akala nila makakain nila yun.

Tumayo na ako at naglakad papasok ng bahay.Dumiristo agad ako sa kwarto ko.

Pagpasok ko sa loob agad kung tinapon sa kama ang phone ko at nilagay yung bag sa couch na nandito sa loob at nagbihis ng pambahay.

*bep bep*

Agad kung kinuha yung phone ko at tiningnan kung sino ang nagtext.Pagtingin ko si Ky lang pala at walang ibang sinabi.Stay away from Mark daw.

Tinapon ko pabalik sa kama yung phone ko pagkatapos kung basahin ang walang kwenta niyang text.

Bahala siya sa buhay niya.Daddy ko nga hindi ako pinapakialaman kung sino yung mga friends ko.

Ang ayoko sa lahat yung pinapakialaman ako kung anong gusto kung gawin.

Sumalampak ako sa kama.Grabe kakapagod ang araw na'to.

See you tomorrow Sitio Antonio.....

HATERS (on going)Where stories live. Discover now