Chapter 37-Five Minutes

8 0 0
                                    

Ellah POV

"Sam pwede ba tayo mag-usap?" Tanong ko kay Sam,agad naman siyang tumingin sa'kin.

Inagahan ko talagang pumasok ngayon dahil gusto ko siyang maka-usap.

"Anong pag-uusapan natin?"

"About kay Win."

"Anong tungkol sa kanya?"

"Sam pwede ba'ng ibalik niyo yung dating kayo?" Malumanay kung sabi sa kanya.

"Ok naman kame ni Ky ha." Sagot niya.

Kahit sabihin niyang ok lang sila alam kung hindi.Napapansin ko yun sa mga ikinikilos nila.Tuwing magkikita sila.Parang hindi sila magkakilala.

"Sam wag na tayong maglokohan dito."

"Hindi naman kita niloloko ha?" Sagot niya at tumingin sa books niya pero agad ko yung kinuha sa kanya.Nakita ko naman ang pagkairita sa mukha niya.

"Ano ba Ellah?!" Sigaw niya.

"Sam alam kung hindi kayo ok ni Win.Nakikita ko yun." Tumawa naman siya ng isang pekeng tawa.

"Look Ellah.Si Ky dapat yung kausapin mo,hindi ako.Siya yung may problema dito eh." Sagot niya at kinuha ang libro niyang hawak ko.

"Mahal mo ba si Win?" Pinukulan niya agad ako ng isang masamang tingin.

"Bakit mo naman natanong yan?" Iritado niyang tanong.

"Wala.Gusto ko lang malaman."

"Hindi.Bakit ko naman siya mamahalin.Wala na siyang ibang ginawa kundi ang awayin ako.Pagbawalan.Kung anong gusto niya kelangan masunod.Now tell me.Anong magugustuhan ko sa isang tulad niya ha?" Galit niyang asik sa'kin.

"Wag kang mag-alala.Hindi mo ako karibal kay Ky.Kaibigan lang ang turing ko sa kanya.Sana alagaan mo nalang siya." Sabi niya at tumingin ulit sa libro niya.

...............

Autumn POV

"Anong ginagawa dito ni Win kanina?" Tanong ko kina Sam at Ellah.Nakita ko naman ang pagkabigla sa mga mukha nila.

Nung naglalakad kase ako kanina patungo dito.Nakita ko si Win na nakaabang sa pinto at nagmamadaling umalis

"Hoy natameme kayo dyan?!"

Sigaw sa kanila.Panu ba naman.Nanlaki lang yung mga mata nila habang nakatingin sa'kin.

"Alam kung maganda ako kaya hindi niyo kailangang tingnan ako ng ganyan." Sabi ko at umupo sa upuan ko.

"San nagtungo si Win?" Biglang tanong ni Ellah.

"Patungo sa room nila.Bakit"

Hindi na ako sinagot ng gaga at tumakbo palabas.Ano ba'ng nangayayari?Tiningnan ko naman si Sam.Nakatingin siya sa may bintana.

"Sam anong nangyari dun?" Nagtataka kung tanong.

"Hindi ko alam." Sagot niya habang nakatalikod sa'kin.

..................

Winter POV

"Win ok ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Ellah pagdating niya dito sa room namin.Medyo hinihingal pa siya kaya pina-upo ko naman agad siya sa isang upuan.

"Oo." Tipid kung sagot.

"Sure ka?"

Bakit ba ayaw niyang maniwala? Ok lang naman ako ha.

"Oo nga sabi eh." Iritado kung sagot.Ang kulit kase.

"Ok." Tipid niyang sagot.Tumayo na siya at naglakad na palabas ng room namin.

HATERS (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon