Chapter 32- Wierd feelings

16 2 0
                                    

Summer POV

"Totoo ba talaga na sila?"

"Yun ang sabi nila eh."

"Ang swerte naman nang Ellah na yun."

"Tama ka girl.Ano kayang nagustuhan sa kanya ni Win?"

"Siguro ginayuma niya si Win."

"Hahaha...siguro girl."

Yun ang narinig kung conversation nang magkakaibigang naka-upo sa kabilang bench.

Totoo kaya yun? Parang ang bilis naman.Tumayo ako at pupunta na sana sa room namin.Pero napahinto ako sa nakita ko.So the rumor is true.Nakita ko lang naman sina Ellah at Win.Magkahawak-kamay habang naglalakad.

"Ka-kayo na pa-pala,kailan lang.Bakit hindi ko alam?" Nauutal kung tanong.

"Kahapon lang Sam." Nakangiting sagot ni Ellah.

Ngumiti ako sa kanila."Congrats....si-sige alis na ako ha." Sabi ko.

Pero bago pa ako makaalis.May humila na sa'kin.

"Ano ba Spring,bitawan mo nga ako!" Sigaw sa kanya habang kinaladkad niya ako.

Oo tama ang narinig niyo.Si Spring lang naman ang humila/kaladkad sa'kin.

Nang makalayo kame pwersahan naman niyang binitawan ang kamay ko.

"Diba sabi ko sayo pag-nasasaktan ka sa nakikita mo,may choice kang wag tingnan yun!" Sigaw niya rin.

Ano naman ba'ng pinagsasabi niya? Hindi naman ako nasasaktan ha? Hindi nga ba?

"Hindi naman ako nasasaktan Spring." Mahina kung sabi sa kanya.

"I'm not that stupid Sam." Sagot niya.

"Bakit ba pinagpipilitan mo'ng nasasaktan ako ha?!"

"Kase nasasaktan ka! Tang*na Sam,alam ko nasasaktan ka." Natawa nalang ako sa sinabi niya.

"Buti ikaw alam mo na nasasaktan ako,pero ako hindi." Pilisopo kung sabi sa kanya.

"Bakit ayaw mo tanggapin na nasasaktan ka?"

"Kase hindi naman talaga ako nasasaktan.Bakit naman ako masasaktan?Hindi ko naman siya mahal. Masaya nga ako kase bumabalik na sa dati si Ky."

"Hindi mo siya mahal? Pero bakit nung nasa Sitio Antonio tayo inamin mo sa'min na mahal mo si Win?"

Bakit wala akong matandaang sinabi ko yun.Nag-iimbento lang 'to si Spring.

"Thats not true.Wala akong matandaan na sinabi ko yun." Pailing-iling kung sagot sa kanya.

"Inamin mo Sam.Lasing ka nun kaya mo nasabi yun.Pero lahat ng tao pagnalalasing nagsasabi ng totoo."

Bigla nalang tumulo yung luha ko sa narinig ko mula sa kanya.

"Kaya ba bigla ka naging cold nun?" Tumango lang siya sa tanong ko.

Wala na.Nasabi ko na eh.Hindi pala insecirities yung nararamdaman ko.Kundi selos.Kaya ako nasasaktan dahil nagseselos ako.

"Spring....hi-hindi ko naman sinasadyang mahalin si Ky eh." Sabi ko habang umiiyak.

Niyakap naman niya ako."Shhhh....tahan na.Nandito lang ako." Pag-aalo niya sakin.Naramdaman ko namang hinahaplos niya ang buhok ko.

................

Winter POV

Tang*na.Ilang araw ko siyang hinintay pero nasayang lang ang paghihintay ko sa kanya.

Hindi pa rin maalis sa utak ko yung mga photos na nakita ko sa facebook ni Spring.Having a good time pala ha.

"Win." Tawag sa'kin ni Ellah.

"What?" Iritado kung tanong sa kanya.

Isa pa siya eh.Tang*na.Bakit naman kase pumasok sa utak na gawin siyang fake girlfriend.Ang clingy niya masyado.Putik talaga.

Balak ko sanang sundan sina Sam at Spring pero pinigilan niya ako.Tang*na talaga.Pero bakit ba ako naiinis.Picture lang naman yun.Sh*t.Ang gulo.Patingin kaya ako sa doctor.Para malaman ko kung ano talaga 'tong nararamdaman ko.

"Bakit ang sungit mo na naman?" Tanong niya.Tiningnan ko lang siya at hindi sinagot ang tanong niya.

Bahala siyang magdadakdak dyan.

..........

Uwian na pero pakingtape talaga.Hanggang ngayon kase hindi pa kame nagkaka-ayos ni Sam.Himala nga kanina at kina-usap niya kame.Pero ang bwesit ko namang dila hindi nakapagsalita kanina.

Bakit ba kase ang daming umaaligid na lalaki kay Sam.Una si Kuya Andrie.Pangalawa si Mark.Ngayon naman si Spring.Putik na buhay talaga.

"Win ok ka lang?" Tanong ni Dex.Kasabay ko siyang naglalakad ngayon papuntang parking lot.

"Oo." Tipid kung sagot.

"Ang labo ng mga tao.Pagtinatanong kung ok lang sumasagot ng oo pero yung mukha,halatang hindi." Sabi niya at tumakbo papunta sa kotse niya.Sinundan ko nalang siya ng masamang tingin.

Pumasok ako sa kotse ko at pinahuhurot agad yun.

Pagdating ko sa bahay namin.Dumiritso ako sa bar counter.Bahala na kung makita man ako ni Mama na umiinum.Tang*na naman kase eh.Ang wierd ng feelings ko ngayon.

Kumuha ako ng alak at naglagay sa baso.Umupo naman ako sa mataas stole na nandito.

"Hapon pa lang umiinim kana?" Tiningnan ko yung nagsalita.Nakita ko si Dad na papalapit sa'kin at umupo sa isa pa'ng stole."May problema ba?" Tanong niya.

"Wala Dad." Sagot ko.Pero nakita ko lang na tumawa siya.

"Anak kita.Kaya hindi mo ako maloloko Kylex." Sabi niya.

"Dad ano'ng nararamdaman niyo dati pagnakikita niyo si Mom na may ibang kasamang lalaki?" Tang*na ang korni ng tanong ko.

"Masakit." Tipid niyang sagot."Bakit may mahal kana ba'ng iba ngayon?" Tanong niya.

"Nothing Dad." Sagot ko.

"If you love someone,tell her.Hindi mo alam,marami ka palang karibal dyan." Seryosong sabi ni Dad.

"Wala naman po akong mahal Dad." Sagot ko pero tumawa lang ulit siya.

"I think,you're still indenial stage kaya nasasabi mo yan.Sabi nga nila ang pag-ibig daw ay parang sugal yan.Kelangan mo'ng tumaya.Manalo o matalo."

Napatingin agad ako kay Dad sa sinabi niya.

"Nung kabataan pa namin ng Mama mo,marami kameng pinagdaanan.Walang-wala pa yang pinagdadaanan mo ngayon."Huminto si Dad at tumingin sa'kin.

"Kylex i want you to enjoy your life again.Dont let your past ruin your life right now.Gawin mo kung ano sa tingin mo ang tama." Pagkatapos sabihin yun ni Dad tinapik niya ako sa balikat at lumabas na siya ng bar counter.

Ano nga ba sa tingin ko ang tama?

HATERS (on going)Where stories live. Discover now