Chapter 17- Friends

43 0 0
                                    

Mark POV

Nakita ko kanina sa mukha ni Sam ang sobrang pag-alala niya kay Win.Tang*na kinabahan din kame kanina.

Mabuti nalang at nadala agad namin si Win sa hospital at mabuti nalang talaga na Doctor ang Tito ko kaya madaling nagamot yung sugat niya.

"Magbabayad sila sa pangdadaya nila." Galit niyang sabi.

"Wag mo munang isipin yun Win,magpagaling ka muna." Sabat ni Spring.

"Mabuti nalang at hindi nila nahalata ang sugat mo." Dex

"Sasabihin mo ba kina Tita?" Tanong ko.

"Hindi,mag-aalala lang yun." Sagot niya.

Hindi alam ng pamilya namin na lumalaban kame.Pero hindi naman kame pumapatay.Parang laro lang 'to sa'min.Ang daya lang talaga ng nakalaban kanina ni Win.

Isang folding knife ang ginamit ng kalaban niya kaya hindi namin napansin yun.

Hindi kame gumagamit ng mga deadly weapon.Lumalaban kame ng patas.Suntok at sipa lang yung ginagawa namin hanggang sa kusa ng sumuko ang kalaban namin.

..................

kinabukasan......

Winter POV

Hindi na muna ako papasok ngayon.Tang*na kanina pa ako nandito sa loob ng kwarto ko.

*tok tok*

Bumangon ako at binuksan ang pinto.Bumungad agad sa'kin ang mukha ni Mama.

"Hindi ka ba papasok?" Tanong niya.

"Hindi na muna Ma,hindi maganda ang pakiramdam ko." Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko dahil sa sugat.

"Wala ka namang lagnat." Sabi niya habang nasa noo ko ang kamay niya."Take a rest,maghahanda lang ako ng pagkain." Tumango lang ako kay Mama.Hinintay ko muna siyang makababa bago ko isara ang pinto.

Dahan-dahan akong umupo sa kama ko dahil sa sugat ko.Medyo may kirot pa kase.

Magbabayad sila sa ginawa nila.

...............

Mark POV

"Mark hindi ba pumasok si Ky?" Tanong ni Sam.Habang naglalakad kame sa hallway.Uwian na kase.

"Hindi eh,bakit?"

"Wala lang,sige Mark salamat,alis na ako." Sabi niya.

"Ahh..Sam wait lang."

"Bakit?"

"Uuwi ka na ba?"Tanong ko.

"Oo,bakit?"

"Ihahatid na kita." Yaya ko sa kanya.

"Wag na Mark,susunduin naman ako ni kuya,una na ako sayo ha?" Tumango nalang ako sa kanya.

...........

Pagdating ko sa bahay dumiritso ako sa bar counter.Mga katulong lang yung kasama ko dito.Minsan lang umuuwi yung parents ko.Nandun kase sila sa ibang bansa para i-manage  yung business namin dun.

Kumuha lang ako ng alak at umupo sa malaking stool na nandun.Naglagay ako sa baso at uminum.

This fast few days hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko para sa kanya.Nagiging wierd na yata 'tong puso ko.

Kailangan kung pigilan ang nararamdaman kung 'to dahil alam ko masasaktan lang ako.

...............

HATERS (on going)Where stories live. Discover now