Chapter 5-Ngumingiti siya!

79 1 0
                                    

Sam POV

"Autumn." Tawag ko sa kanya.Kanina pa kase siya nakatingin kina Spring kasama yung babaeng ngayon ko lang din nakita.

"Autumn!!" Napaigtad siya sa sigaw ko at tumingin sa'kin.

"Bakit ka ba ninigaw Sam?" Iritadong tanong niya.

"Autumn,yung utak mo lumilipad,kanina pa kita tinatawag." Litanya ko.Napatingin ako sa gawi nila Spring,sino ba ang babaeng yun.

Ngayon ko lang yata sila nakitang may kasamang babae,kahit nga kame na kaibigan nila,hindi sumasama sa kanila.

Tumayo ako at hinila siya.

"Sam,san mo ba ako dadalhin ha?" Tanong niya habang nagpupumiglas,pero hinigpitan ko lang yung hawak ko sa kanya.

"Sam,pag hindi mo ako binitawan sasabunutan talaga kita." Pagbabanta niya.Edi sabunutan niya..kung kaya niya.

"Hi guys." Bati ko kina Spring nang makalapit kame sa kanila.Pwersahan kung pina-upo si Autumn na tabi ni Spring at umupo naman ako sa tabi ni Mark.

Nakita kung napatingin sa'kin si Ky,kaya nginitian ko siya.Nalipat naman ang tingin ko kay Autumn.Pucha!ang sama ng tingin niya sa'kin.

"Bakit kayo nandito?" Maangas na tanong ni Ky.

"Bakit masama ba?" Sinamaan lang niya ako ng tingin sa sinabi ko.

"Hi Sam!" Bati sa'kin ni Dex.Ngumiti lang ako sa kanya.

"Himala yata,lumipat kayo dito sa mesa namin." Sabi ni Mark.Si Autumn,himala..ang tahimik.

"Eh sa gusto namin eh! Pakialam mo ba?!" Kakasabi ko lang na tahimik siya,pero binabawi ko na.Lumabas na naman yung pagiging megaphone niya.

"Walking megaphone,ang sakit sa tenga ng boses mo,pakihinaan naman." Reklamo ni Spring.Natawa naman kame sa sinabi ni Spring.Walking megaphone,ganda ng palayaw niya kay Autumn ha.

"Shuttap walking dead." Dun na ako natawa ng malakas.

"Hahaha...ganda ng tawagan niyo ha! Walking megaphone at walking dead,tang*na.sh*t! Sakit ng tiyan ko."

Napahinto nalang ako kakatawa dahil sobrang talim na talaga ng tingin sa'kin ng dalawa.

"Sh*t! Bat ganyan kayo kung makatingin sa'kin?" Inosinte kung tanong.

"Seriously Sam,hindi mo alam?" Mataray na tanong ni Autumn.

"Eh sa nakakatawa naman talaga kayo eh!" Sagot ko.Mas lalo pang tumalim ang tingin sa'kin ni Autumn.Napansin ko naman na parang ang tahimik ng babaeng kasama nila.

"Hi!" Bati ko.Tang*na,ngayon ko pa siya binati,kanina pa kame dito.Ngumiti lang siya sa'kin na parang nahihiya.

"Bago ka dito?" Tanong ko.

"Oo,galing akong Vanse Academy." Ahh..kaya pala ngayon ko lang siya nakita.Tumango lang ako sa kanya.Nabaling naman ang tingin ko kay Ky.Bakit ang sama makatingin ng isang 'to.Problema niya?

"Nakakadagdag ba ng talino yang pagmumura mo Sam?" Bakit niya naman natanong? Bipolar na naman ngayon si Tag-lamig.

"Bakit?"

"Kanina kapa mura ng mura,akala mo ba,magandang pakinggan." Ay ang lolo niyo ang strict.Sasagot pa sana ako ng basta-basta nalang niya ako hilain.

"Ano ba Ky,problema mo?" Nakakainis,basta-basta nalang ako hinila.Anong akala niya sa'kin bato na hindi nasasaktan.Ang higpit kase ng paghawak niya.

Pwersahan niyang binitawan ang kamay ko at tiningnan ako ng masama.

"Sa susunod,wag kang magmumura sa harap ko,naiintindihan mo ba ako ha Sam?" Galit niyang sabi.Ano namang masama kung magmumura ako.Nagmumura din naman siya ha?

HATERS (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon