Chapter 14-Marimar Isprikitik

40 1 0
                                    

Jel/N:Dedic 'to sa kanya kase idol ko siya sa pagpapatawa eh.Dami niyang alam na kalokohan.Tawa ako nang tawa nun sa GFFH.

Winter POV

"Tumawag sa'kin ang Tita Juls mo kagabi,sinampal daw ni Spring si Autumn,ano ba'ng nangyayari sa inyo?"

Hindi ko pinansin ang tanong ni Dad."Dad late na po ako,aalis na po ako."

"Kylex!" Ma-otoridad niyang tawag.Kaya huminto ako.

Hinarap ko si Dad."Away po nila yun,wag na kayong makisali." Sagot ko at lalakad na sana ng magsalita ulit siya.

"Bawas-bawasan niyo yung pag-aasaran niyo ni Sam,ayoko pati sa inyo mangyari yun." Tumango nalang ako kay Dad sa sinabi niya.

"Alis na po ako." Paalam ko at lumabas ng bahay namin.

...........

Pagdating ko sa school dumiritso na ako sa room.Pagdating ko dun wala pa si Spring.

"Anong nangyari kagabi kay Spring?" Tanong ko kay Dex.Sila kase yung magkasama kagabi dahil may pinuntahan kame ni Mark.

"Nagpakalasing ang gag*."

"Bakit?"

"Pinapalayo siya ni Tita kay Autumn,nalaman kase ni Tita yung nangyari sa kanila." Kasalan din naman kase ng gag*."Anong nangyari sa inyo kagabe?" Tanong niya.

"Tinuruan lang namin ng leksyon ang mga gag*." Sagot ko.

"Walang ka dala-dala ang mga kumag." Sabat ni Mark.

"Pero kailangan pa rin nating mag-ingat,alam kung hindi sila basta-basta susuko,ngayon pa'ng may alam na silang malapit sa'tin." Nakita kung may pag-aalala sa mukha ni Dex.

.........

Summer POV

"Sam pwede ba tayong mag-usap?"

"Ano naman ang  pag-uusapan natin?" Iritado kung tanong sa kanya.

"Pwede mo ba paki-usapan si Tita Juls."

Actually naaawa ako sa kanya.Pero kasalanan din naman niya kung bakit bawal na siya ngayon lumapit kay Autumn.Hindi nga muna ngayon pinapasok ni Tita si Autumn dahil dun sa nangyari.

"Spring gustuhin ko man tulungan ka,pero kilala mo naman si Tita diba?" Nagbuntong hininga nalang siya.Nakakaawa tuloy siyang tingnan."Bakit hindi mo nalang kausapin si Tita?" Suhestyon ko.

"Ginawa ko na yun Sam,pero hindi na ako pwede pumasok sa bahay nila." Sagot niya.

Nandito pala kame ngayon sa cafeteria.Wala nga akong kasama ngayon kung hindi lang nakipag-usap sa'kin si Spring.Hindi rin pumasok ngayon si Thun.In short loner ako ngayon.

"Kung gusto,maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan." Sabi ko.Nakakunot-noo naman siyang tumingin sa'kin.

"Sam tulungan mo ako." Masigla niyang sabi.Aba ang lolo niyo bipolar lang.

"Lapit ka,ibubulong ko sayo ang plano ko." Lumapit naman ako sa kanya.

..................

"Ano Sam,ok na ba?" Natatawa ako sa hitsura niya ngayon.Gusto niyo ba malaman kung anong binulong niy kanina sa'kin?

flashback......

"Lapit ka,ibubulong ko sayo ang plano ko." Lumapit naman agad ako sa kanya.

"Magpapanggap akong babae,samahan mo ako sa mall bibili ako ng pang disguise."

Yun ang binulong niya.Nakakaawa na rin kase siya kaya pumayag na ako.Pero tang*na,natatawa talaga ako sa hitsura niya ngayon.

HATERS (on going)Where stories live. Discover now