Chapter 18-Red Snake

50 0 0
                                    

Winter POV

Ngayon lang ulit ako pumasok.One week rin kase akong hindi pumasok.Sinigurado ko munang magaling na talaga ang sugat ko.

Nandito kame sa tambayan namin,dito sa loob nang campus.Kakatapos lang namin maglunch.

Kanina ko pa tinitingnan ang folding knife na ginamit ng gag* para saksakin ako.

May nahagip naman ang mata ko na nakaburdang pangalan dito.

"Red Snake." Mahina kung sabi pero narinig pa ni Mark.

"Anong red snake Win?" Tanong niya.Agad ko namang binigay sa kanya ang folding knife.

"Hindi basta-basta yung nakalaban mo Win." Sabi niya.

Ang pangalang nakaburda sa folding knife ay codename yun ng isang gangster.Ibig sabihin lang nun ay may tao silang sinusunod.

"Kailangan agad natin malaman kung sino ang boss nila." Dex

"Hindi kaya ang Dark Thug ang may gawa nito Win?" Spring

"May isang salita sila." Sagot ko.

Natalo na namin ang mga yun kaya hindi maaaring sila ang gumawa nun.Alam kung may isang salita ang mga Dark Thug.

"Ginaya pa ang codename natin Win." Sabi ni Mark at binato sa dart board ang folding knife.

"May nararamdaman akong kilala natin ang nasa likod nito.Kailangan muna nating magmasid-masid." sabat ni Spring.

"San niyo dinala ang gag*?" Tanong ko sa kanila.

"Sa Tamb." Sagot ni Dex.

Ang Tamb ay bahay naming apat yun.Pinagawa namin yun nung nagsimula kame sa pagiging gagster namin.Dun din kame minsan nagpapractise kung may laban kame.Parang gem na rin namin yun.

"Puntahan natin mamaya." Sabi ko at lumapit dun sa folding knife at tinanggal sa dart board.

..................

Summer POV

Pupuntahan ko sana si Ky sa tambayan nila pero sakto namang nakatagpo ko siya.

"Ky!" Tawag ko.Tumingin naman siya sa'kin.

"Musta na,ngayon ka lang pumasok ha?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad.

"Hoy Ky,tinatanong kita!" Sigaw ko sa kanya at huminto ako sa paglalakad,ganun din siya,pero nakatalikod siya sa'kin habang nasabulsa niya ang dalawang kamay.

"Ok lang ako." Sagot niya at naglakad na ulit.

Bipolar talaga.Hindi ko na siya sinundan pa.Bahala siya sa buhay niya.Siya na nga itong kinakamusta,siya pa nagagalit.

"Bulaga!"

"Ay anak ng tipaklong!" Sigaw ko pagtingin ko nakita ko si Mark na natatawa.

"Gusto mo patayin kita?" Sabi ko sa kanya.

"Patay agad?" Natatawa niyang sabi.

"Bakit ka ba nandito? Malapit na ang klase ha?" Tanong niya.

"Pupuntahan ko sana si Ky sa tambayan niyo,pero nakatagpo ko siya kanina,bipolar na naman si tag-lamig." Sagot ko.

"Hayaan mo muna,baka may iniisip lang yun,sige Sam una na ako sayo,baka nandun na yung teacher namin." Sabi niya at tumakbo.

Napatigin naman ako sa wristwatch ko.Nyeta five minutes nalang late na ako.Kaya tumakbo na rin ako.Sakto namang pagpasok ko sa room,pumasok rin ang teacher namin.

............

Winter POV

Nandito na kame sa Tamb.Nakita ko agad ang gag* naka-upo habang nakagapos at puno ng sugat.

Kumuha ako ng tubig at ibinuhos sa kanya.Siya lang ang nakuha nila Spring dahil nagtakbuhan daw yung mga kasama niya.

Agad naman siyang nagwala ng buhusan ko siya at tumingin sa'kin.

"Pakawalan niyo na ako!" Sigaw niya.

"Sino si Red Snake?" Galit kung tanong sa kanya.

"Hindi ko alam."

"Wag mo kameng ginagag*!" Sigaw ko.Habang pinaglalaruan ang folding knife.Nakita ko naman ang takot sa mga mata niya ng mapatingin siya sa nilalaro ko.

"Hindi ko talaga siya kilala,palagi siyang nakamaskara tuwing magkikita kame." Nanggagalaiti na ako sa galit.Bakit ba ayaw niyang umamin?

Lumapit ako sa kanya at sinaksak sa paa niya ang kutsilyo.

"Ahhhhhhhh!!" Sigaw niya.

"Sino si Red Snake?" Tanong ko ulit sa kanya.Mas lalo ko pang diniinan ang pagsaksak sa paa niya.

"Ahh...hindi ko talaga siya kilala." Umiiyak na ang gag*.Tang*na ang tanda na niya umiiyak pa.

"Tama na yan,baka matuluyan pa yan." Sabi ni Spring.

"Sabihin mo na kase para hindi kana masaktan pa!" sabat ni Mark.

"Hi-hindi ko talaga siya nakikita pa,nagsasabi ako ng totoo sa inyo." Sagot ng gag*.Tumayo ako at tinanggal ang kutsilyo sa paa niya.

"Ahhhhh...tama na,maawa kayo!" Maawa? Siya naawa sa'kin ng saksakin niya ako.Tang*na siya.

Kinuha ko yung upuan at malakas na inihampas sa kanya paraan para mawalan siya ng malay.

"Walang silbi!" Sigaw ko at lumabas na kame nang Tamb.

....................

"Bakit ngayon ka lang?" bungad  sa'kin ni Dad pagpasok ko sa bahay.

"May pinuntahan lang po kame." Sagot ko.

"Ano ba talagang pinaggagawa mo Kylex?" Galit na tanong ni Dad.

"May pinuntahan lang kame ng mga kaibigan ko Dad."

"Kanina pa nag-aalala yung Mama mo.Bakit hindi ka manlang nag-text o tumawag na gagabihin ka?"

"Sorry Dad." Sagot ko.

"Sa susunod magtext o tumawag ka para hindi kame mag-alala sayo.Puntahan mo yung Mama mo sa kwarto namin,kanina pa yun hindi mapakali,kanina pa yun tumatawag sayo pero hindi mo sinasagot." Pagkatapos sabihin yun ni Dad tumakbo na ako papuntang taas.

Agad akong nagtungo sa kwarto nila.Hindi na ako kumatok at diritsong binuksan yun,hindi rin naman nakalock.

Pagpasok ko nakita ko agad si Mama na may ginagawa sa laptop niya.

"Ma" Tawag ko sa kanya.Tumingin siya sa'kin at nilagay sa kama niya ang laptop at lumapit sa'kin.

"My god Kylex! Bakit ngayon ka lang ha?" Nag-aalalang tanong ni Mama at niyakap ako.

Kumalas ako at ginuide siya pa-upo sa kama niya at tumabi naman ako sa kanya.

"May pinuntahan lang kame Ma,kaya wag kanang mag-alala ha?" Nakangiti kung sagot sa kanya.

"Panu ako hindi mag-aalala,hindi mo sinasagot ang tawag ko."

"Hindi ko napansin Ma,sorry na,sa susunod magpapaalam na ako." Sabi ko at niyakap siya.

..............

Nandito na ako sa loob ng kwarto ko.Nakunsensya ako kung bakit ako nagsinungaling kay Mama.Pero kailangan eh.

Tsak mag-aalala sila kung malaman nila na ang kaisa-isa nilang anak ay gangster.

Dati nakikipagbasag-ulo lang kame hanggang sa naging ganito na.May pangyayari kase sa buhay ko na hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan.Sinisisi ko yung sarili ko kung bakit nangyari yun sa kanya.Kung may sapat na lakas lang sana ako dati na ipagtanggol siya siguro....siguro.

Ayst! Napasabunot nalang ako sa buhok ko.Pilit ko mang wag isipin yun pero kapag nag-iisa ako.Palagi lang nagfaflashback sa isip.

Naramdaman ko nalang na may luha na pala sa mukha ko kaya agad kung pinahid yun.Sh*t! Ang bakla ko.Umiiyak na naman ako.

HATERS (on going)Where stories live. Discover now