Chapter 46-Attention

14 0 0
                                    

Summer POV

"Sam san kayo nagpunta ni Mark kahapon?" Tanong ni Autumn.

Kanina pa siya dito sa bahay.Kaninang umaga lang din kame umuwi ni Mark.

"Sa hacienda nila.Sakto pa nga pagpunta namin dun,fiesta pala sa barangay nila." Masaya kung kwento sa kanya.

"Anong ginawa niyo dun,dali mag-kwento ka pa." Na-eexcite na tanong niya.

"Si Mark sumali sa mangga contest,ako naman sumali sa habulan ng baboy."

"Eh nanalo ba kayo?"

"Ako lang,yung baboy na napanalunan ko pinaalagaan ko lang dun sa taga pamahala ng hacienda nila Mark."

"Malaki ba yung hacienda nila Sam?"

"Oo naman." Sagot ko at nagtango sa kusina.Sumunod naman sa'kin si Autumn.

"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko habang naglalagay ng tubig sa baso.

"Na bore ako sa bahay eh." Sagot niya at umupo."Sam hindi mo siya na mimiss?"

Umupo muna ako bago ko siya sinagot."Ewan.Hindi ko alam.Sinasanay ko na yung sarili ko na wala siya." Sagot ko.

"Sam panu kung malaman mo na ikakasal na pala siya?"

Muntik ko nang mabitawan ang basong hawak ko.

"Seryoso ka ba talaga dyan sa tanong mo?"

Ano nga ba talaga yung mararamdaman ko kung sakali nga na ikakasal siya? Pero malabo naman siguro mangyarin yun mga bata pa kame eh.

"Mukha ba akong nagbibiro?" Tumayo ako at naglakad pabalik sa living room.

"Edi ok lang." Sagot ko at pasalampak na umupo sa couch.Nakita ko namang napanganga siya.

"Sure ka? Hindi ka masasaktan?" Tanong niya at umupo.

"Autumn kung mahal niya talaga ako,hindi siya magpapakasal diba? Wag na nga natin pag-usapan yun.Kumusta na kayo ni Spring?" Pag-iiba ko nang usapan.Nakita ko naman siyang nakatingin sa taas na parang baliw lang.

"Autumn!" Sigaw ko at tinaponan siya ng unan,bigla naman siyang napatingin sa'kin.

"Panira ka naman ng moment Sam eh.Nagde-daydream pa ako dito."

Langya.Nagawa pa niyang mag-daydream.

"Hoy,ano na nga?" Iritado kung tanong.

"Ok lang naman.Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako."

Hindi nga halata na kinikilig ang bruha.

"May pag-asa ba siya?"

Tinaasan niya agad ako ng kilay."Kunti." Sagot niya.

"Gaga! Ang gulo mo." Asik ko sa kanya.

"Si Thun lang naman kase ang iniisip ko eh?"

Napa-ayos agad ako ng upo sa sinabi niya."Bakit nasali dito si Thun?"

"May gusto kase sa'kin si Thun?"

O_O

"What?! Wow Autumn,haba ng hair mo.Bakit hindi mo sinabi sa'kin?"

Tumayo siya at umupo sa tabi ko."Hindi ko na nasabi sayo dahil nung sasabihin ko na sana sayo bigla nalang dumating nun si Thun." Kung kanina kinikilig siya.Ngayon naman nakapangalumbaba na siya.

"Eh anong gagawin mo?"

"Hindi ko alam.Hindi rin naman nangligaw ni si Thun eh.Nagtapat lang siya sa'kin na gusto niya ako."

HATERS (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon